Corona on Trial

Discover Yahoo! With Your Friends

 

YOUR FRIENDS' ACTIVITY

    PEP SPECIAL REPORT (Part 2): Advertisers pull out of Willing Willie but ratings weather the storm; MTRCB pursues probe

    Sa kabila ng mga paliwanag at paumanhin na inihain ng kampo ni Willie sa publiko, hindi ito naging sapat para sa mga advertisers at sponsors na sumusuporta sa programa.

    Mahalaga at malaki ang papel ng mga advertisers para tumakbo ang anumang programa sa telebisyon. Sila ang nagpapasok ng pera at pondo na siyang sasagot sa mga gastusin ng isang produksiyon.

    Lalo na sa kaso ng Willing Willie na ang pangunahing panghatak ay ang pamimigay ng pera sa mga contestants at maging sa studio audience.


    ADS PULL OUT. Isa sa mga inilatag na panawagan ng mga grupong bumabatikos sa Willing Willie ay ang pang-engayo sa mga advertisers nito na bawiin ang kanilang suporta bilang pakikiisa laban sa anila'y pang-aabuso sa isang menor de edad.

    Nakinig naman ang popular restaurant-fast food chain na Mang Inasal na nasa ilalim ng grupo ng Jollibee Foods Corporation matapos na mag-desisyon ito na alisin ang ad placement sa programa. (CLICK HERE to read related article.)

    Agad namang nagpasalamat ang former senior consultant ng National Museum na si John Silva—isa sa mga masugid na nananawagan ng boycott laban sa Willing Willie—sa pamunuan ng Jollibee Food Corp.

    "I just read from Pauline Lao of your Corporate Communications Department that Jollibee Mang Inasal will be holding off placements from the Willing Willie program within the week.

    "I want to thank you for the very quick decision and response that your company made. Other companies are still holding off until the result of an internal Channel 5 investigation. It says to me that on the strength of the video segment alone, your company has acknowledged its deleterious effects on both viewers, consumers, and your own corporate credo," saad ng liham ni Silva sa mismong company chairman na si Tony Tan Caktiong.

    Sinundan naman ito ng kumpanyang Procter & Gamble na nagpahiwatig ng kanilang pagtigil muna ng kanilang ad placements sa controversial variety-game show habang dinidinig pa ang mainit na isyu. (CLICK HERE to read related article.)

    "Procter & Gamble strives to advertise on programs that align with our values as a company and our purpose to touch and improve lives. We routinely monitor the media in which our brands' messages appear and make advertising decisions that meet our policies and achieve our goals. We are aware of the recent incident in the program of Willing Willie and we have suspended advertising on the show beginning April 7, 2011, while the incident is being reviewed and investigated by authorities," pahayag ng kumpanya sa pamamagitan ng isang statement na inihanda ng kanilang Brand Public Relations team.

    Nagbigay naman ng pahayag noong April 8 ang pawnshop management na Cebuana Lhuillier sa pamamagitan ng kanilang Facebook Fan Page na pansamantala muna nilang kakanselahin ang kanilang ad placement sa programa. (CLICK HERE to read related article.)

    "In regard to the issue of the alleged child abuse that happened in TV5's Willing Willie show, the Cebuana Lhuillier Management has decided to temporarily suspend its segment sponsorship in the said show, effective April 11, 2011, while resolution on the matter is pending.

    "While we support programs that give hope to Filipinos here and abroad, we expect our business partners to promote good values, protect children's rights and exercise prudence in communicating to the general public.

    "We have taken note of the TV5 Management's official statement and the corrective measures they have taken. We trust that they will ensure that a similar incident will not happen again. We hope that the concerned authorities will resolve this matter soon," pahayag ng pamunuan ng Cebuana Lhuillier.

    Sa kabila ng mga pangyayari ay hindi pa rin naman bumibitaw ang ilang sponsors ng Willing Willie.

    Ayon sa statement ng food company na CDO sa kanilang website noong March 31, nakipagusap sila sa pamunuan ng TV5 at nagdesisyon na manatili sa Willing Willie.

    "Maintaining good faith in our word, we have decided to continue our sponsorship with TV5 until the end of our prior advertising commitment with them. Not withdrawing does not mean CDO will tolerate the show or its host to go against the values we stand for. We believe that issues can be addressed through dialogues with utmost objectivity and temperance. Let us sow love and not provoke anger in these controversies," pahayag ng CDO.

    RATING GAUGE. Isang batayan na ginagamit ng mga istasyon para malaman ang pulso ng publiko pagdating sa kanilang mga programa ay ang ratings data na isinusumite ng AGB Nielsen Media Research at ng Kantar.

    Kung titingan ang rating figures ng Willing Willie simula March 12 hanggang April 4, makikita na bagamat hindi consistent ang mga numero ng programa gabi-gabi ay hindi naman tuluyang sumadsad sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan.

    Mahalagang tandaan na hindi agad nagkaroon ng ingay ang nangyari sa March 12 episode ng Willing Willie.

    Uminit lamang ang isyu sa pagpasok ng last week of March, nang dumami ang nakakita ng video ni Jan-Jan sa YouTube at iba pang video-sharing websites sa Internet.

    Sa datos galing sa AGB Nielsen ay makikitang pumalo sa 6% ang March 26 rating ng Willing Willie, samantalang nakalikom naman ito ng 10.9% sa Kantar survey.

    Umakyat naman sa 8.2% ang rating ng programa noong March 28, ayon sa AGB Nielsen. Tumaas din ang numero sa panig ng Kantar at umabot ito ng 11.4%.

    Isa sa maaaring dahilan kung bakit tumaas ang ratings ng programa ni Willie sa petsang nabanggit ay dahil dito na nagsimulang pumutok ang isyu dulot na rin ng mga balita at artikulo na naglabasan kaugnay sa naglabasang video sa Internet.

    Bagamat bahagyang bumaba sa 7.3% (AGB Nielsen) at 10.8% (Kantar) ang mga numero nang sumunod na araw, March 29, ay malaki pa rin ito kung tutuusin.

    Mula March 30 naman hanggang 31 ay nakalikom ang Willing Willie ng mga numerong 7.2% at 7.6% (AGB Nielsen); at 10.4% at 10.9% (Kantar).

    Kapansin-pansin naman na tumamlay ang ratings ng programa sa pagpasok ng Abril matapos itong makakuha ng 7% at 6.9% lamang, ayon sa AGB.

    Mataas pa rin naman ang ratings na nakuha nito sa Kantar para sa April 1 and 2. Nakakuha ang Willing Willie ng 10.1% at 9.7% sa dalawang nabanggit na petsa.

    Noong April 4 naman ay humakot ito ng rating figures na 6.8% (AGB Nielsen) at 10.2% (Kantar), impressive pa rin sa kabila ng kaliwa't kanang pagbatikos sa programa.

    LATEST DEVELOPMENTS. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng MTRCB para mapagpasiyahan ang anumang aksyon hinggil sa Willing Willie at sa host nito.

    Noong April 7 ay muling nanindigan ang TV5 na walang pang-aabuso sa karapatan ni Jan-Jan ang naganap, at hinamon rin nito ang ahensiya na isama sa ginagawang pagdinig ang ibang istasyon at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). (CLICK HERE to read related article.)

    Ayon sa mga abogado ng TV5: "In the context of the full performance of Jan Jan on Willing Willie, it is exceedingly clear that he was not coerced in any way; that his performance was not lewd or obscene.

    "The Complaint speaks of gyrating movements which, however, are not obscene per se nor suggestive of a sexual or immoral act. Indeed such movements are part of a dance form called 'body wave.' The 'body wave' is no different from the familiar dance moves we have been accustomed to today, such as the 'lambada,' 'belly dancing' and the 'spaghetti' dance.

    "As far as the minor is concerned, he is exhibiting a dance movement. In fact, body wave dancing has become part and parcel of Philippine pop culture. In many town fiestas and private gatherings, adults allow their children to dance in this manner.

    "Finally, if indeed the MTRCB sees it fit to impose further regulations on performances and appearance of minors in television programs, then its inquiry and/or investigation should involve all networks, the KBP, and the MTRCB. Thereafter, new rules, standards or guidelines to govern or even prohibit minors from performing or appearing in television programs may be formulated."

    Sinagot naman ni MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares ang paratang ng abogado ni Willy na si Atty. Leonardo de Vera na may kaugnayan sa kalabang istasyon ang ilang bumubuo ng ahensiya kaya imposibleng makakuha ng patas na trato si Willie. (CLICK HERE to related article.)

    "The three members of your committee are all, are all, without any exceptions... Leah [Navarro], honestly, is a person known to me. But they are identified with another TV [and] radio network, which is adversely seeking for the destruction of Willie Revillame," hinaing ni Atty. de Vera.

    Sagot naman ni Chairperson Poe Llamanzares: "As you know, the composition of the MTRCB, it's really based on those who are part of the industry. And it will be difficult to find anybody who has no other affiliation in any other network."

    Pero sa huli ay minabuti pa rin ng ilang panel members ang mag-inhibit sa pagdinig para hindi na mabahiran ng pagdududa ang ginagawa nilang imbestigasyon.

    "Even as I affirm the integrity of the Members of the Hearing and Adjudication Committee, I regretfully accept their voluntary inhibition in order to dispel any doubt as to their impartiality. Effective immediately, a new Hearing and Adjudication Committee is hereby constituted to determine the guilt or innocence of the respondents in this Willing Willie case.

    "The change in the composition of the Committee is to assure the public that the Board will only be guided by established facts and the law in the disposition of this case. This is also to avoid any attempt to further delay the expeditious resolution of the case," pahayag ni Chairperson Poe Llamanzares.

    Hindi na bago para kay Willie Revillame ang mga kontrobersiya. Sa katunayan, may nakasampa pang demanda laban sa kanya ang dating home network na ABS-CBN kaugnay sa usapin ng dating kontrata bago nangyari ang Jan-Jan incident.

    May mga naniniwala na muling malalampasan ni Willie ang bagong pagsubok na ito. Sa kabilang banda ay meron namang nag-iisip na maaaring nauubos na ang suwerte ng controversial game show host at sa pagkakataong ito ay masyadong malaki ang isyu para kayanin niya at ng kanyang programa.

    Umaasa ang marami na sa huli ay magiging maayos ang kalalabasan ng imbestigasyon o pagdinig na isinasagawa.

    At kung kailangan nga ng kaukulang reporma at gabay na susundan ng mga programa para mapangalagaan ang kapakanan ng mga menor de edad, sana'y maayos itong maisagawa sa lalong madaling panahon.

    How do you feel about this article?

     

    13 comments

    • mm  •  1 year 1 month ago
      d na kayo nadala sa kanya, pala sagot, laging may dahilan, may hangganan ang lahat. Lalo nyo siyang pinapalaki ng ulo, dahil contra kayo sa DSWD, etc... d nyo na lang pabayaan ang gobyerno hanggang matapos ang paglilitis. D na kayo nakontento, eh obvious naman na marami na siyang kasalanan sa industria, pinapayaman nyo pa, lahat sa poll vote eh d hamak naman na mas marami ang contra, at isa pa para matuto ang magulang na d sapat ang anak na gawin sandalan sa pamilya dahil lang sa pera kahit d kanaisnais ang ginagawa, no matter what minor age ang bata para pasayawin sa publico, eh pinayagan ng programa kaya sabit clang lahat. Sa mga magulang hindi talent ng isang bata na turuan ng ganyang pagsasayaw, sa pilipinas got talent hindi pang 2M
      • Mercedes Price 1 year 1 month ago
        I agree with you,Sana matuto ang mga Pilipino kasi ang katulad ni Willie ay walang modo.Pinapakita nya ang uri ng pagkatao nya.Imagine lahat ng pumuna sa inaasal nya pinasaringan na naman nya.Akala mo Diyos sya na di pwedeng punahin ang maling ginagawa nya.Yong mga nagsasabi na naiinggit lang kay willie ay nagpapakilala na wala rin breeding.Kawawa naman si Mr. Manny Pangilinan ibinbaba nya ang pagkatao nya sa paagkukunsinti kay willie.Si Shalani sayang ka dinidikit mo pagkatao mo kay Willie dahil sa pera.Dati hangang hanga ako sa yo ngayon cheap ka na rin at kinakaplan mo na mukha kahit may pinagaralan ka. Dati kilala kita kahit yong uncle mo kasi suki nya ako ng La coste sa tindahan nya.Sayang kayong mga tao para dumikit o maidentify kay willie na talagang bastos at walang modo di marunong kumilala ng tama at mali,Gusto nya sya ang DIYOS. Holy week is coming pray hard willie sana kung may time pa magaral ka ng kabutihang asal.
    • geprep  •  1 year 1 month ago
      Gigimik na naman si Willie kunwari naka leave dahil sa nan----ari pero nagpapasarap lang bakasyon grande kunwari nagiisip kung babalik pa sa showbiz, luma na ang style mo alam na namin yan. maraming beses mo nang ginagawa yan nagpapaawa ka na naman PLASTIK, Kayong mga "tanga" huwag kayong magpapadala sa style ni Willie, pag naka bwelo yan gagawa na naman ng katarantaduhan yan. Nagpapalamig lang yan baliwala sa kanya yan kunwari lang apektado sya, Style mo bulok na, ibang style naman Willie. Wag nyo nang panoorin ang show nyan ni Willie, Manood na lang tayo ng eat bulaga o kaya Happie yippie yehey, o kaya TV Patrol, Saksi pinaka maganda Teleserye ng ABS or GMA. kayo ng pumili wag lang yang WW
      • VioletB 1 year 1 month ago
        hindi ako fan ni willie, pero nakikita ko marami siyang natutulungang tao. Yung mga bumabatikos sa kanya, mga naiinggit lang ang mga yan. @geprep isa ka na dun. May pagkapilyo lang si Willie, pero sa totoo marami talaga siyang natulungan compared sa iba dyan na puro salita, walang gawa. Pag dating sa dulo kung sino ang nagkasala siguradong makakarma.
      • lyn 1 year 1 month ago
        style mo Geprep bulok, siguro kasangga ka ng ABiaS CBN noh? akala mo kung makahusga ka akala mo may nagawa ka sa bayan pwe!!! ikaw ang tanga..kahit hindi ako maka willie, piro ginagawa lang nya kung ano nakapagpasaya sa tao, ikaw kaya mo? kahiya ka, hindi ka naman inaano nang tao, akala mo mamamatay tao na kung husgahan mo...kulangot ka lang..tatawagin mo pa kaming Tanga...
      • 123_pinoy 1 year 1 month ago
        @Lyn, hindi ba dapat ang gagawin ay tingnan ng management kung ano ang dapat na gagawin ni willy sa susunod para hindi na magkaroon ng mga violent reactions sa show nya? Kung may violent reactions, e malamang may nakita ang marami na may dapat na ayusin. Hindi ko sinasabing mali agad si willie ang sinasabi ko lang pag isipan, i review ulit ang nang yari at i improve ng management ang mga naging action ni willie para sa ikakaganda ng show. hwag din tayong magbulag bulagan na tanggap lang ng tanggap kung ano ang sasabihin ni willie dahil mas kumikiling ka sa kanya.
    • honey  •  1 year 1 month ago
      Comment ko lng bakit nyo inaakusahan si willie n child abuse eh d nmn nya alam kung ano ang gagawin ng bata saka sabi crying baby ung bata.....kaya pls. wag nyo nmn itigil ung show ni willie marami syang natutulungan na mahihirap na katulad ko....
      • lyn 1 year 1 month ago
        Tama talaga..don't give up Willie, kaya mo yan..mga immoral din yang mga nag aakusa sa iyo..ayaw nilang nasasapawan sila, kaya hanap sila ng dahilan.....dapat yung magulang unahin nila, alam naman nila na yun ang isasayaw ni janjan Eh.
    • honey  •  1 year 1 month ago
      willie pls. dont give up.....
    • honey  •  1 year 1 month ago
      I support u willie dont give u...go go go kaya mo yan....
    • nos  •  1 year 1 month ago
      inggit lang mga yan sa willing willie kc d nila kayang tapatan ang show, biruin mo san ka makapanood ng gameshow malaking pera binibigay pati audience nakakatanggap din, mataas ang rating kaya pilit ibagsak! ito lang ang show na madaming natutulungan mahihirap. sa DSWD, CHR, ILAN MGA ARTISTA AT GOVERMENT OFFICIAL INTINDIHIN NINYO YUNG TRABAHO NYO WAG YUNG MAKISAWSAW SA WILLING WILLIE BAKIT NAKAKATULONG BA KAYO SA MAHIRAP? PURO KAYO PA BAON!!! WILLING WILLIE FIGHT FIGHT FIGHT !!!!!!!!
    • andrea  •  1 year 1 month ago
      demolition job nio kay willy obvious na obvious!!!
      lahat ng ipinapakita nio ay unconscious manefestation ng
      hindi maipagkakailang INGGIT sa narating ni willy dahil ang totoo
      kahit kayo halos magpakamatay na sa pagsisikap sumikat hindi nio
      pa rin makuha ang simpatya ng mamamayan.

      kapag sumisikat kasi kayo umaalis kayo ng Pilipinas,
      kapag nalalaos at wala na kayong trabaho sa ibang bansa
      babalik kayo ng Pilipinas!!!!

      bakit, kaya nio bang gawin ang nagagawa ni Willy na
      pagtulong sa mahihirap?!?
      kaya nio nga siguro pero for publicity lang!!!

      Puro lang naman kayo ka-plastic-kan!!!

      Dapat matuwa pa nga ang mga ahensya ng gobyerno sa
      ginagawang pagtulong ni willy sa mahihirap na mas dapat sila
      ang gumagawa puro lang sila daldal!!!!!!!!!!!!

      ang buwis ng mamamayan ang pinasasahod sa kanila
      sa kanila pero mga natutulog sila sa kangkungan!!!
      nagpapalaki ng tiyan sa pansitan!!!!

      maraming problema ang Pilipinas na dapat mas pag-ukulan nio
      ng pansin hindi yung kung paano nio sisirain si WILLY!!!!

      BAKIT BA INGGIT NA INGGIT KAYO SA KANYA??????!!!

      hindi mauubos ang swerte ni Willy kasi marami ang nananalangin para sa kanya!
      dahil marami siyang natutulungan.

      TRIVIA:

      Sino itong malaking kumpanya ng mga artista mahigit 10 taon na nagttrabaho sa kanila ang
      mga manggagawa hanggang ngayon kontraktwal pa rin?!?

      Sino itong malaking kumpanya ng mga artista, 2600 manggagawa....TINANGGAL?!?
    • EyeShawdow24  •  1 year 1 month ago
      sishin tlga s abs-cbn..move n kau..............holy wik n...........ok..peace
    • jnubbin  •  1 year 1 month ago
      cguro nman lumilipad sa cloud9 ang mga willy haters....dapat mag ambagan lahat n willy haters pra mamigay sa mahirap..
    • carolina  •  1 year 1 month ago
      willing willie must go on dahil marami silang nagagawa na di nagagawa ng government natin. sa entertainment, talagang sumasaya, natutuwa nagkakalife ang mga tao pag siya ang host dahil magaling. pinag-iinitan lang siya ng abs cbn. bias ang ginagawa sa kanya ng ibang mga tao sa paligid dahil they edited the video, they want to develop anger sa mga nanonood. downers lang ni willie ang gumagawa noon lalo na ang taga abs, sumali rin ang taga 7. di ako maka willie pero sa nakita kong ginawa sa kanya - nainis ako sa kanila. you know, sa tfc nag-papasurvey pa sila samantalang sa pinas nan----ari iyon, then pati dito sa restaurant namin ay may pinapapunta pa sila na nagsu-survey, taga abs daw sila. tigilan na ninyo siya... you can't put him down. i pray na maging ayos lahat with the help of God. maging aral ito sa lahat dahil iyong showtime at bulilit ng abs ay may naka-pampers pa ngang sumasayaw at macho dancing ang ginagawa. child exploitation rin ito di ba? why they don't see themselves (the abs corp.). ayusin na lang nila ang bantay bata nila.
      may abs-foundation naman silang dapat asikasuhin, you know, kaya nilang ubusin ang pera ng foundation para lang mapabagsak si willie. God is watching us, dapat magtulungan. tama si willie, iyong pumapansin sa kanya, natulungan ba ninyo ang kababayan ninyo. dito sa us, marami ring nakakaawa, tambay walang work, pinapakain ko sila ng libre para lang sila mabuhay. sana tumulong kayo sa kapwa ninyo tulad ng ginagawa ni willie. maraming umaasa sa kanya. kaya nyo bang mamigay ng pera galing sa bulsa ninyo? si willie lang ang nakakagawa noon. more blessing, more power and enlarge the territory of willie revillame, indeed. amen
    • Lovlie  •  1 year 1 month ago
      "Willing willie" must go on.. mahal ng mga tao ang show even at the height of the controversy as shown in its high ratings. Truly Willie is breaking trendset, wow! Has anybody been in his shoes? One and only siya in the industry, he's living up to what a US newspaper says of him as an entertainment personality-- that he is shaking the TV industry, giving it a new color! It only had high praises for Willie... Willie, don't give up, keep the good fight, stay, so many silently appreciates the joy and happiness you tirelessly bring to households here and abroad. People forget their problems and sorrows while watching you and your show even just for a couple of hours, six times a week..
    • Greengoldknights  •  1 year 1 month ago
      Halatang halata na si Wilie R. at TV5 talaga ang tinitira. Walang kwenta na issue pinalalaki ng DSWD, Human Rights Commission, MTRCB, kapwa mga ARTISTA at lalo na ng PANA na nagsimula sa circulation ng sulat na di muna inisip ng mabuti.

      MGA POLITICIANS PORMA NAMAN AGAD. Pero ano na ba talaga ang nagagawa ng DSWD sa tinatawag natin na SOCIAL WELFARE and DEVELOPMENT, ng Commission on Human Rights sa Human Rights violations at ng MTRCB para ma regulate at ma-kontrol ang mga malalaswa at halos hubad na mga dancers at palabas sa ABS CBN, GMA, TV5 at iba pa, para maging magandang halimbawa o modelo sa mga manonood lalo sa mga maliliit na bata sa buong bansa?

      Kung ang gobyerno at mga ahensya nito, gumagawa ng trabaho nila, sana walang mga kabataan sa lansangan at kalsada na namamalimos at kalat sa buong bansa. Sana walang kabataan na sa murang edad, nag tatrabaho na para mabuhay at ang iba sumasama pa sa mga rebelde sa bansa. Kung maganda ekonomiya ng bansa at hindi naghihirap taong bayan, sana walang katulad ni Jan Jan at milyon milyon pa sa buong bansa na umaasa makasali sa Willing Willie at iba pang noon time shows para magbakasakali na kumita kahit paano.

      MASYADONG NALILIGAW KAISIPAN NG TAONG BAYAN sa maling pananaw samantalang PARA UMUNLAD BANSA natin, ang DAPAT BANTAYAN ay malaking budget ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno kung saan nagagastos at mga politiko at nagtatrabaho sa lahat ng ahensya nito na magnanakaw at kurakot sa bayan, druga, carnapping, prostitutions at mga bata na kumakalat at namamalimos sa lansangan.

      Gabi gabi, tingnan nyo mga night clubs at pugad ng mga prostitutions sa buong bansa dahil sa kahirapan at pati mga minors kasama pa. Mga Pilipina na nasa labas ng bansa na naging prostitutes din dahil sa kahirapan at minsan biktima pa ng mga Immigration Officers, di na ninyo nakikita.

      KAYA SA GOBYERNO AT MGA AHENSYA NITO, POLITICIANS, KABABAYAN NATIN NA GALIT SA WILLING WILLIE AT LALO NA SA MGA ADVERTISERS NA NAG BOYCOTT NG SHOW NA ITO, ANONG KLASENG DECENCY BA SA BAYAN NATIN ANG IPINAGMALAKI NYO !!! BAKIT SI WILLIE AT TV5 LANG ANG NAKIKITA NYO!

      LUMALABAS NA MAY GRAND SCENARIO PARA PABAGSAKIN WILLING WILLIE SHOW AT TV5 AT SANA NAMAN DI KASABWAT GOBYERNO NATIN AT IILAN NA ADVERTISERS DITO? MAHIGPIT NA TINITINGNAN ITO NG LOCAL AT INTERNATIONAL ORGANIZATIONS NAMIN AT DAPAT MAMAMAYAN MAGING MARUNONG SA PAGPILI NG MGA PRODUKTO NA DAPAT BILHIN AT TANGKILIKIN.

      SA REPORT NG INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION, ANG PILIPINAS SA KASALUKUYAN AY MAY 2.4 MILYON CHILD LABORERS. KARAMIHAN SA MGA BATA NA ITO AY NAGTATRABAHO NG MAHABANG ORAS AT NAHAHARAP SA MASAMANG KALUSUGAN LALO NA ANG SA MGA MINING SITES, ANG MGA SUMASAMA SA MGA REBELDE AT MGA MINOR PROSTITUTES SA BUONG BANSA.

      NGAYON, ANO NA NAGAWA NG GOBYERNO AT MGA AHENSYA NITO TULAD NG DSWD AT CHR AT ANO MASASABI NG MTRCB, PANA, ADVERTISERS AT MGA KABABAYAN NATIN NA MAKABANSA?

      ITO PA ANG DAGDAG NA BALITA SA NGAYON!!!

      MANILA, April 8, 2011 (AFP) - Philippine President Benigno Aquino expressed disbelief on Friday after a survey found that a growing number of people were experiencing hunger and poverty under his administration.

      SAAN PATUTUNGO ANG BANSA SA NGAYON!!!
    • lyn  •  1 year 1 month ago
      ABias CBN????????????? bakit si willie? ang daming walang magawa dyan, pati yung akala mo mga santo wala namang nagawa sa bayan...sigurado naman na ang ABiaS ang may gawa nyan eh..mga conservative kuno..hindi sila manalamin sa sarili nila...
    POLL
    Loading...
    Poll Choice Options