Corona on Trial

Discover Yahoo! With Your Friends

 

YOUR FRIENDS' ACTIVITY

    Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

    Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

    Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

    Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

    "Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

    "Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

    "Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

    Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

    Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

    "Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

    CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

    Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

    Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

    Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

    Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

    "Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

    "Four years [old] pa lang ho si Jan-Jan, 'yon na ang sinasayaw niya sa eskuwelahan. Sa mga pa-contest, 'yon na ang sayaw ng bata."

    Patuloy pa ni Willie, "Ngayon, ano ang ginawa ng DSWD? Inakusahan na agad ako, kinasuhan na agad ako ng child abuser ako.

    "Ano ginawa ng CHR, human rights? 'Yon ho, hinusgahan agad ako na in-exploit ko 'yong bata, na-child abuse ko.

    "Lahat po dito, inakusahan na ako. Sa diyaryo, lahat, dino-drawing-an pa akong monster, lahat. Kung mababasa n'yo 'yan... Hindi ko na ho 'yan nababasa lahat, kinukuwento na lang. Lahat ho, ganyan ang ginawa sa akin, lahat po ng mga taong iyan."

    Pero ani Willie, hindi siya naapektuhan sa mga paninirang ito, na sa tingin niya ay gawa ng mayayaman, dahil aniya, "Ang puso ko ay nasa kanila, nasa mga mahihirap, nasa mga tao.

    "Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan," diin pa niya.

    "Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend.

    "Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon."

    "MAGING FAIR KAYO." Sa halos tatlumpung minutong pagsasalita niya sa huling bahagi ng kanyang programa, nabanggit din ni Willie na dapat sana ay sususpendihin na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Willing Willie.

    Pero hindi raw ito natuloy dahil nagpakita sila ng ilang katulad na kontrobersiyal na mga insidente sa ibang TV station.

    Sabi ni Willie, "Alam n'yo, dapat suspended ang show. Suspended last night [April 7] ng 20 days to 30 days. May tumawag sa akin na MTRCB sa desisyon nila.

    "Pero ano ang nangyari? Naputol.

    "Pinakita ho namin ang mga batang babaeng nagsasayaw sa Goin' Bulilit na naka-bra lang. Pinakita rin namin ang mga batang lalaki na nakalampin sa Showtime, na sumasayaw din ng katulad kay Jan-Jan."

    Ang Goin' Bulilit at Showtime ay mga programang ipinapalabas sa ABS-CBN, ang dating home network ni Willie.

    "Bakit kami lang?" tanong pa ng TV host.

    "Kung suspendihin n'yo kami, suspendihin ninyo lahat 'yan. Hindi po ba tama 'yon?

    "Iba ho 'yong tinitingnan ninyo sa tinititigan ninyo. Maging fair kayo.

    "Tandaan n'yo po ito, hindi ako titigil sa adhikaing ito. Maaring ito ay eye-opener sa atin, dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. Mga DSWD, kunin ninyo lahat 'yan, bigyan ninyo ng magandang buhay.

    "Human Rights chairman, tinitira n'yo ako, hinuhusgahan ninyo ako, ang daming namamatay na OFWs, 'yon ang tulungan natin. Tulungan natin ang mga kababayan natin sa ibang bansa."

    Hirit pa ni Willie, "Magsama-sama tayo. Huwag ninyo akong dikdikin. Hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang ay magpasaya at makatulong sa mga mahihirap."

    "MGA ARTISTANG NAKISAWSAW." Bukod sa mga grupo at sangay ng gobyerno, hindi rin nakalimutang patutsadahan ni Willie ang mga kapwa niya celebrities na umano'y tumitira sa kanya sa microblogging site na Twitter.

    "Maraming artista ang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit no'n," sabi ni Willie.

    Pagkatapos ay pinangalanan niya ang mga artistang ito: "'Yan si Jim Paredes ng APO, tinira ako sa Twitter. Si Aiza Seguerra, tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon...sasabihin ko na lahat. Sino pa? Bianca Gonzales ng SNN.

    "Susuportahan n'yo ba ang mga taong iyan? Ano ang nagawa ninyo? Ano ang nagawa ninyo sa sambayanang Pilipino?

    "Si Tuesday na kasama ko rito [sa TV5]. Hindi ko maintindihan na kasama kita rito, tinira mo ako. K Brosas, Leah Navarro...sino pa?

    "Kapwa tayo artista. Nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1 million?"

    Pagkatapos ay pinaalalahanan sila ni Willie: "Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo."

    Sabay inulit ni Willie, "'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Jim Paredes ng APO, Lea Salonga...

    "Aiza Seguerra, magpakalalaki ka! Bata ka pa, hindi ba, nagtatrabaho ka na? Hindi ba exploitation 'yon? Mag-isip ka! Tingnan n'yo muna ang sarili niyo bago kayo...

    "Agot Isidro, wala ka namang anak, e, bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna.

    "Sino pa? Bianca Gonzales...

    "Akala mo kung mga sino kayo. May natulungan ba kayong mahihirap?

    "Kaya ko lang ho sinasabi ito, nagtitimpi lang ho ako, ayaw ko sanang sabihin. Pero sa Twitter ho, 'yan ang ginagawa nila, wasakin ako," saad ni Willie.

    Para sa iba pang taong humusga umano kay Willie, ito ang kanyang sinabi: "Sa mga taong gumawa niyan sa akin, ang isipin n'yo 'yong mga tao sa labas, 'yong mga matatanda, mga bata, mga mahihirap. Huwag ako, huwag ako.

    "Instrumento lang ako ng mga taong ito. Huwag ninyo akong kainggitan dahil ako'y hindi lumalabas sa kahit anong lugar. Lagi lang akong nandito sa studio ko, sa tahanan ko.

    "Hindi ako nakikipagpaligsahan sa inyo. Huwag kayong magaling. Magaling kayo. Basta ang puso ko lang nandito sa mga mahihirap."

    Sa huli ay nagbanta rin si Willie sa kanyang detractors sa Twitter: "Kung idedemanda ka ng TV5, idedemanda rin kita. Magdedemandahan tayo. Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal, tandaan mo 'yan!"

    PULLOUT OF ADS. Isa pa sa mga naging epekto ng March 12 episode ng Willing Willie ay ang pagkansela ng ilang kumpanya ng kanilang ad placements sa programa.

    Unang gumawa ng hakbang na ito ang Jollibee Food Corporations, na siyang may hawak ng isa sa mga sponsor ng Willing Willie na Mang Inasal.

    Sumunod dito ang Procter & Gamble Philippines at Cebuana Lhuillier.

    Ang CDO Foodsphere ay nagsabi na tatapusin muna nila ang nauna nang commitment sa Willing Willie. At sa website nito mismo kagabi ay inanunsiyo nila ang pagtatapos ng kanilang sponsorship sa programa ni Willie simula ngayong araw, April 9.

    Samantala, ang Unilever Philippines ay piniling ihinto ang lahat ng ad placement ng mga produkto nito sa lahat ng live game shows, at kasama rito ang Willing Willie.

    Sinabi ni Willie na nasaktan siya sa mga ginawang pag-pull out ng iba pa nilang mga sponsor. (CLICK HERE to read related article.)

    Sabi ni Willie, "Gusto ko lang ho ulit ipaliwanag sa inyo. 'Yong P&G, Procter & Gamble, ay naglabas ng statement, napakasakit po sa amin.

    "'Yong Inasal, nag-pull out na rin dahil nag-statement sila na, well, katulad ng P&G, Procter & Gamble po... Napakasakit ho ng ginawa nila sa amin.

    "Medyo masyadong personal na ayaw nilang maglagay sa isang programang gano'n. 'Yong behavior hindi na maganda."

    Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Willie ang Unilever dahil sa pagiging patas daw nito.

    Aniya, "Gusto ko lang magpasalamat naman po sa Unilever. Sila po ay nagpaalam sa akin kagabi nang maganda...

    "Alam n'yo, ang purpose nito ay magbigay ng saya. Gustong ibalik nila, kapag binibili 'yong produkto.

    "Ang sabi, naglabas sila ng statement, 'Willie, aalis kami sa programa mo, pero aalis kami sa lahat ng channel. In fairness sa 'yo, para hindi ka unfair.'"

    Para sa iba, ito naman ang naging hamon ni Willie: "Wala pa pong husga, e, wala pa sa kaso, ginawa n'yo na akong kriminal.

    "Kayo nga ang lumabas diyan sa gate, magbigay kayo ng pera diyan sa matatanda.

    "Bumaba nga kayo diyan sa kanto, bigyan n'yo ang mga mahihirap diyan.

    "'Yon ang dapat ginagawa ninyo, hindi 'yong pinupuntirya ninyo ako. 'Yon dapat ang ginagawa ninyo."

    Pinaalala rin ni Willie na ang mga manonood ng programa niya at mga sumusunod sa kanya ang ilan sa mga sumusuporta sa produkto ng mga kumpanyang nag-i-sponsor sa show.

    Kuwento niya, "Tinawagan ang Technomarine sa Switzerland, tinawagan ang Unilever sa Amerika. Tinawagan lahat, in-email na magbo-boycott sila sa mga produkto kapag ako raw po ay sinuportahan nila.

    "Boboykotin ninyo? Ito ngang mga taong sumusuporta na 'to, binabalik lang ng mga sponsors. Sino ba ang consumers? Sino ba ang namimili?

    "Kayo po ang bida dito, hindi ang mga sponsors. Kayo, dahil kung hindi kayo bibili ng mga sponsors na ito, kung hindi kayo bibili ng produkto na 'to, walang kita ang lahat ng ito."

    "TULOY ANG SAYA PARA SA INYO." Sa kabila ng mga pangyayaring ito, lalo na ang pagkawala ng ilan sa kanilang sponsors, nanindigan si Willie na ipagpapatuloy niya ang nasimulang adhikain.

    Pagkatapos magbigay paumanhin kay TV5 Chairman Manny Pangilinan at iba pang executives ng network, sinabi ni Willie na hindi mahihinto ang pagbibigay niya ng kasiyahan sa mga tao.

    Sabi pa niya, "Basta nangangako po ako, kahit wala po kaming commercials, pagbalik ko, kahit hindi kami suportahan ng kahit na sino...

    "Nakausap ko po ang presidente ng TV5, kahit po isakripisyo ko na ang suweldo ko. 'Yon po ang bibigay kong papremyo at kasama ko ang TV5, itutuloy po namin.

    "Lahat po ng perang makukuha namin, kahit wala kaming commercial, kahit inabandona na kami ng mga commercial, umayaw sila sa amin, umalis sila... Kahit walang isang commercial, itutuloy po namin ito.

    "Ang amin pong purpose ay magbigay ng saya at pag-asa. Hihingi ako ng tulong sa aming presidente. Hihingi ako ng tulong kay Mr. Manny Pangilinan. Kahit ho daw malugi kami basta maituloy lang namin ang saya para sa inyo."

    Bago tuluyang matapos ang programa, ipinaalam ni Willie na mawawala muna pansamantala sa ere ang Willing Willie.

    "Maraming salamat ho sa inyo. Mawawala ho muna kami ng dalawang linggo. At kung magbabalik man kami, may panibago hong pag-asa ulit.

    "At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at mga pamilyang katulad ni Jan-Jan, kami na po ang gagawa niyan."

    How do you feel about this article?

     

    58 comments

    • jcguzman1  •  1 year 1 month ago
      Forget about the latest issue Willie. IT IS YOUR ARROGANCE AND PERSONALITY THAT CREATES THE PROBLEM AND GIVES BAD INFLUENCE TO OUR CULTURE AS A WHOLE. Ang pangit mong mag-host, nakakainis, nakakainsulto, mababaw ang moralidad in general. But mostly you lack humility. Napakayabang mo at lagi mong pinapangalandakan yung perang pinamimigay mo. E galing din naman yan sa mahihirap... Dahil ginagamit mo sila.
      • Aila Parilla 1 year 1 month ago
        oh talaga pangit c wellie mag host oh inggit lang kau hoy baka ikaw ang pangit pati loob mo pangit che/.
      • Marichu 1 year 1 month ago
        Pedro San Juan, pangalan mo yan ang tumaliko ki Kristo...ulol...nakakatulong ung tao at ang Diyos lang nakakaalam kung ano nasa puso isip nya hindi kau....
      • Aila Parilla 1 year 1 month ago
        pedro san juan pangalan mo palang pangit na eh ano pa kaya ang personal mo ikaw ang masama hndi c wellie
    • sumatra-b  •  1 year 1 month ago
      Willie, try HUMILITY naman... hindi ka pa ba nagsawa sa pigiging AROGANTE? Di ba those who love the poor are humble?
      • Aila Parilla 1 year 1 month ago
        bkit inggit ka sa show ni wellie wala kang paki kung ano ang gusto ni wellie sa buhay nia
      • Kathleen 1 year 1 month ago
        willie gives millions in order for the people to watch his show... its not an act of kindness coz if it was he wont be boasting about it on national tv
      • for real... 1 year 1 month ago
        I guess dapat tumingin sya sa pinangalingan niya during those days na "Hawi Boy" sya ni Randy Santiago.
    • Ross  •  1 year 1 month ago
      He is so full of himself... He was being criticized for an action he committed on his program. Instead of SINCERELY apologizing, he goes after his critics and strikes them on a personal level. His reference to Aiza to "man up" is a direct insult towards her sexual orientation. His attack on Agot as being childless strikes as very callous and petty. What a jerk! And what's sad is that millions of Filipinos think he is right.
      • Paul Lennon 1 year 1 month ago
        Ross ewan ko ba kung bakit ine ere p yan..the more he talk the more garbage comrs out fro his mouth...bobo tlga..
      • dan 1 year 1 month ago
        tagalugin mo kasi yan, para atlis may chance na maintindhan ka ng marami.. baka kasi hindi gets ang english lol
      • Marichu 1 year 1 month ago
        kung ayaw mo husgahan wag ka ring maghusga sa kapwa mo...binabalik kasi yan...kalokohan nyo...tumulong na lang kau sa family nyo...para wala ng pumipila sa game show...
    • Din  •  1 year 1 month ago
      naku willie, please lang huwag ka ng bumalik!!! kung akala mo masaya kami sa program mo, di oy!!!! Attention mga sponsors ng program nya...you just did the right thing, you've been manipulated by willie for such a long time..thanks God, now you're free. Tatangkilikin ng tao ang products ninyo for as long as maganda ang inyong produkto, mataas ang pinag-aralan ninyo pero nabobola kayo ni willie!!! never again compromise with a manipulator at nagkukunwaring makamahirap (daw). good riddance willie!!!
      • Erik 1 year 1 month ago
        hoy...sino ka para masalita? ikaw ba me naitulong kna? pano ngayon ang mga tao na umaasa, mga pumipila..naisip mo ba yun?importante me naibibigay yun taokahit papano. yan ang isipin mo.
      • Marichu 1 year 1 month ago
        tama ka erik...importante nakakatulong ung tao...kung makapagsalita ka kala mo ginahasa ka ni Willie...baka nga isa ka rin humihingi ng tulong...wag kau maghusga sa tao..ang tao may kanya kanyang kahinaan...walang perpekto, importante nakakatulong at hindi nakadagdag lang sa populasyon na walang mga trabaho...
      • A Yahoo! User 1 year 1 month ago
        HOY! wag kang mag please2 dyan hindi bagay sa mukha ay SORRY wla ka palng mukha. sorry talaga ha. SA LAHAT NG WALNG MUKHA MAG LAGAY KAYO YONG MUKHA NG DOUBLE DEAD NA BABOY BAGAY SA INYO YAN.
    • oviona  •  1 year 1 month ago
      bakit kaya c willie lang ang my parusa? dapat kasali din ang mga magulang ng bata.parang wala yata akong nababasa na kaso sa magulang ni jan-jan.kasali dapat sila sa mga paparusahan.dapat e boycott din ang parlor ng tatay.
      • Ada 1 year 1 month ago
        he he he thats funny. boy cot ang parlor. 4 years old pa si janjan nagsasayaw na yan dapat ang parents ay tutokan din ng pansin ng mga authrities because kung hindi nan----ari yan sa willing willie we would not know na merong janjan na nag macho dancer pala. tinuturuan ng parents. he parents need to be educated ano ang dapat at di dapat gagawin . akala lang kasi nila ay ang cute bata pa pero kopyang kopya ang mga mach dancers. tapos bukas an na ang man----ari? baka naman dalhin ang bata sa mga clubs. yun dapat ang tutukan nga panis hindi yung programa ang sisira-in siguro some steps are to be taken like - they be warned and should have some guidelines sa mga talent na gawin and words na di dapat sabihin. the real issue na dapat ma resolve ay nawawala dahil sa kaatake ng mga nasa wiling willie which makes me think na sinasakyan lang ang jan jan episode para maka insult, maka pahiya, maka payback or etc. Willing willie dami talaga ang manood nyan - who is going to wacth same news mga oras na lahat ng mga stations are airing eh we have seen the news already like for example sa news tv ng GMA during the day. I never watch wowie when it was in abs to be honest kasi aside from i would be at work, I did not like willie he appears hamboguero talaga but when nasa TV5 na sya i got curious why people were attacking him after the wowowie and how i see people so angry and conmdeming him. I noticed pakalog lang naman yun mga actions ni willie and nag enjoy naman ako sa show and i think sa itsura lang ni willie na para syang snub. But he is doing good in helping people even by just a hug and a joke to make them feel better Love begets love and I think He is gettng a lot of love from the masa. I can see too that he tried to correct the past mistakes of his. like yung stampede? he tries to personally see the safety of the viwers and the contestants . sometimes talaga our facial expression could be misunderstood kasi. Remember when yung mga chinese napatay? tapos na mis interpret yung mukha ng mahal nating pangulo? akala nila he was laughing di ba? even if he was not laughing at all sa facial expresion lang nya yun. yan din ang mukha ni willie pag hindi nag smile parang arogante lalo nga pag mag kunot noo..
        TV5
      • dindin 1 year 1 month ago
        buti ka pa napaka broadminded
      • A Yahoo! User 1 year 1 month ago
        HEY! don't include the parents of jan jan because they are just a low class people na wlang kalabanlaban dahil mahirap nga hind cla katulad mo na mayaman. sana magisip-isip ka muna bago sabihin 'yan. eh! ano kung merong parlor thats a bussiness and i admit that the father of jan jan is kinda look like a gay or what but at least he support he's family needs and hindi 'nya toh iniwan. and the parlor that you said, it's just a bussiness there's nothing wrong about it and you have nothing to do about it because that bussiness gives help to them without that kind of bussiness they have nothing to eat, nothing to wear, anf nothing to live.
    • ever  •  1 year 1 month ago
      Dapat lng bi----an ng leksyon c Willie bka akala nya basta nakakatulong pde ng gawing katawatawa ang lahat. Kung anak kya nya yun papayag ba sya na pagtawanan ng buong mundo ang anak nya kumita lng ng kakarampot na pera?Dignidad ang kulang sa kanya.God bless all kids.
    • jassy  •  1 year 1 month ago
      nasaktan ka oo, pero d tamang magsalita ka ng d maganda sa mga taong nagtweet sa'yo... baket kailangan mong ipagsigawan ang mga nagawa mo? ung nagawa ng kanan kamay d na dapat malaman ng kaliwang kamay? bilib na sana ako kaso ung pera naman na pinamimigay mo d naman galeng sayo! ung ginagawa mo pambayad lang sa mga kasalanan mo! tanggapin mo na, d ka talaga bagay na maging pilantropo.. pahinga ka na lang forever!... pede ka naman tumulong kahet wala kang show... marameng paraan... mas maganda kung silent helper ka.... enjoy your vacation mr. willing willie!
    • tangnamowillie  •  1 year 1 month ago
      Buti nga sa iyo, umalis ka na kasi sa TV Willie, wala ka talagang silbi sa lipunan. Tama na ang pag uto mo sa mga mahihirap, kayo naman mahihirap tama na ang pag exploit ninyo sa mga anak ninyo, magbanat kayo ng buto.
    • Edgar  •  1 year 1 month ago
      just a bit of advice kay Willie: Kung talagang ang purpose mo ay makatulong sa tao, cguro mas maige magtayo ka na lang ng isang charitable institution na magkakandili sa mga taong kalye at iba pang mahihirap na tao, mas honorable ang pagtulong ng di ipinakikita sa ibang tao, YUN ANG TAUS-PUSONG PAGTULONG TALAGA. Alam mo naman sa showbiz, intriga ang pangunahing ibinebenta. Lantad pa ang ambisyon mo sa pulitika, kaya ganyan ang nan----ayari.
    • for real...  •  1 year 1 month ago
      It is foul to say "Ano ang nagawa ninyo? Ano ang nagawa ninyo sa sambayanang Pilipino?” on the like of Lea Salonga and Monique Wilson. These ladies had actually brought the Philippine in the map of international theater through Miss Saigon. Through them, many of our kababayan were noticed because of their exptional talent. Willie check your references first... it is upsetting truly to be criticized but it is their legal rights to have an opinion on certain issues. Just like most of us who have our own opinion. If you start suing every tweets against you them you would probably need need more money to sue each and every netizens commenting against you.

      For TV5, I believe in this network for being an innovator in the TV industry. Surely, you can come up with a whole new program still with Willie in it and still catering to the masses but with a whole new format that is fresh and entertaining. Honestly, formats similar to Eat Bulaga and Happy Yipee Yehey is getting too tiring to watch.
    • Xet  •  1 year 1 month ago
      Good news! Mas mabuti na huwag na siyang magpakita pa sa TV at tuluyang ng sibakin yang show na yan!
    • dan  •  1 year 1 month ago
      im bit bothered about how willie attacks his critics, yes indeed dapat nagpakumbaba nlang siya..
      nakaka bother ang mga tweets ng mga tao ngayon, nagsisiraan na at nag cacause ng away, naisip ba ni willie ito? sabi niya wag kayung magalit sa mga advertisers, pero taliwas nman sa sinasabi niya na nghahamon siya..

      unang una, ang pagtulong ng taos ay hindi sinasabi, maganda na mabalitaan mo nlang sa ibang tao na andami mong natulungan.. pangalawa, tumulong nga ba? siguro namagitan siya sa mahirap at advertisers, pero para sa kaalaman ng marami, dahil sa ginagawa ni willie un, kumikita siya ng marami.. ibig sabihin gamit ang mga tao.. oonga natutulungan ka, pero dhil sa sariling interes.. tignan mo lang ang situasyon, napaka klaro ngayon, wala daw commercial, edi walang kita, anu sinabi sa tao, 2wks kahit sahod ko na sakripisyo ko, kung tutulung ka tlga at pagtulong tlga gusto mo, bkit 2wks lang ang tagal ng pag iisip mo? isa po kasi itong strate----, na kapag hindi parin kumagat ang mga advertisers, e hanggang dun nlang siya.. ibig sbhin hindi niya tlga kayang tumulong gamit ang pera niya... at bkit sabi niya hindi dapat ang manghusga pero siya ba, hindi ba panghuhusga din ang ginagawa niya ngayon sa mga ibang artista? lalo ngang tumaas ang tingin ko sa mga ibang artista na nabanggit dhil ipinakita nilang propesyonal sila, at ang iba tlga hindi man nagsabi na ang dami ko na natulungan at nging ganito pa ako sa organisasyon namin etc.. mkikita dun ang tunay na pagtulong... hindi man manggagaling sa sarili nilang bibig, ngunit sa ibang tao na nkakita mismo nito... ang galing kasing manghamon ni willie, pag binanatan na, ang mga taong mhihirap ang ginagamit niya... tagalog na yan ha, parang kasing hindi maintindihan ng iba...
    • hrebret  •  1 year 1 month ago
      no matter what you do, willie, dahil sa taglay mong maitim na buto, lalabas at lalabas pa rin ang baho....arogante ka, mayabang....akala mo kung sino ka na.....kahit saan ka magpunta.....susundan ka ng kontrobersiya kasi nasa iyo na yan e....bastos, at di magandang ugali.....mahirap ka na ngang baguhin kasi ganyan ka na e, may sungay na.....

      yun namang mga 'taga-hanga' mo kunwari, yan yung mga taong pilipit na ang values nila, umaasa na lang sa bigay, hindi dun sa pagbabanat ng buto at pagpapawis para magkapera.....

      tigilan na sana ang pagtangkilik sa ganitong uri ng tao...TV5, you should learn your lesson....kung nagawa ni willie yan sa ABS, man----ayari din yan sa inyo....heto nga at nan----ayari na......
    • mark  •  1 year 1 month ago
      Go Go Go Willy!!!!

      GO OUT !!!!!!!!!!!!!!!!! hihihihi ..<>:"!@#$
    • pulitiko  •  1 year 1 month ago
      bakit ka mag-off the air ng two weeks MR. WILLIE REVILLAME? Akala ko ba gusto mo tumulong sa mahihirap? Bakit ngayon iiwanan mo sa ere ang sinasabi mo na mahihirap na tinutulungan mo??? Kasi wala ng kikitain ang programa mo at ayaw mong magbitaw ng pera na manggagaling sa sarili mong bulsa.. very funny ang reasoning ng tao na ito... bakit di mo ituloy ang programa mo kahit walang sponsor at mamigay ka ng million na sabi mo ay itinutulong mo sa mga mahihirap.. yong mga binanggit mo na programa na goin bulilit at showtime ay walang pang-iinsulto na ginawa sa mga bata yong programa na yon hindi katulad mo na pinagtatawanan mo pa at paulit ulit mo pang pinasayaw kahit ang bata ay umiiyak na habang sinasabihan mo na para kumita lng ng pera at gagawin ang ganon na sayaw... yong ginawa mo ay exploitation at child abuse talaga dahil umiiyak na ang bata ay paulit ulit mo pang pinasayaw... Sobra kasi yabang mo at ginagamit mo ang mahihirap para sa sariling mong kapakanan.. tama yan na itigil mo na ang programa mo dahil pinababa lang ang moralidad ng mga Pilipino at kung gusto mong tumulong ay gawin mo kahit walang programa.. wag mo na banggitin si villar dahil natalo na yon at tapos na ang papogi points niya....di lahat ng Pilipino ay magogoyo mo MR. WILLIE REVILLAME...
    • Joey  •  1 year 1 month ago
      Tanggalin lahat ng money game show sa lahat ng channel. Nagtuturo ng katamaran yan sa mga tao. Sa halip na matutong magtrabaho, pumipila na lang sa mga show na yan para sa easy money.
      Dapat palitan ng mga TV program about agricuture, education etc. Punta ka sa Thailand ang mga show tungkol sa farming, teaching... sa China tungkol sa entrepreneurship ang contest.
    • joseph  •  1 year 1 month ago
      kadaghanan sa mga follwer ni willy mga low iq mau nga dili makla sabot sa issue
    • VTB  •  1 year 1 month ago
      Ganyan din ginawa nya sa ABS di ba?, dapat mag pakumbaba,, eh,ang kayabangan ni Willie ang nangunguna,,kaya good por yu dong ,,,,,,sana di ka na mag pakita sa publiko.....mayabang!!!,,kala mu kung san di galing,,,,,buti nalang pinayaman sya ng ABS.
    • kurapika  •  1 year 1 month ago
      Hindi niya naman sariling pera ang ibinibigay, sa mga sponsors yun at sa mga nagmamagandang loob natin na balikbayan kaya dapat hindi niya inaako na siya ang tumutulong sa mga contestant nila. Saka akala ko ba mag iisip siya muna ng two weeks if babalik pa siya sa industriya, eh pinangalandakan na na pagbalik nila ei kahit walang commercial itutuloy pa rin nila yung show. At saka ang main reason niya kung bakit siya lumipat from ABS-CBN to TV5 eh yung nasasayang na panahon na hindi siya nakakapagtrabaho, na kesyo sayang daw ang panahon na wala siyang kinikita, bakit ngayon isasakripisyo niya yung sweldo na just to continue the show.
    • Joker  •  1 year 1 month ago
      Willie Revillame:

      Sana mabasa ito ng mga alipin mo. Yung mga sinasahuran mo para mag-monitor ng mga lumalabas sa internet tungkol sayo.

      Namersonal ka ng artista. Gaano kababa yon at anong sinasabi nun patungkol sa kung gaano kababoy ang ugali at personalidad mo?? Tinira ka nila oo. Pero tinira ka sa mga isyu. Karapatan nila yon. Opinyon nila yon. Wag mong isipin na porke't kapwa artista mo sila eh tatahimik na lang sila tulad ng ginawa ng ilang daang duwag na artista. Pero ikaw, anong ginawa mo? Inatake mo ang pagkatao nila.Maikukumpara ko sa kanal yang utak mo. Dahil ganyan ang utak kanal. Pag may kokontra sa kanya tungkol sa mga isyu o nagawa nya, ang ibabalik nya eh pag atake sa pagkatao mo. Bakit? Utak kanal eh. Walang pinag-aralan at walang konspeto ng pagtanggap ng kritisismo at kamalian.

      Baguhin na lang natin ang labanan kung gusto mong makipag-bangayan sa kanila. Labanan na lang ng integridad, utak, breeding, atbp. 1st round pa lang, tiklop ka na sa kanilang lahat. WALA KA NI ISA NUN. Kung ihihilera ka kasama ng mga yon? Ipis ka lang kumpara sa kanila. Isang noveau riche na ipis..yan ang bagay na itawag sayo.

      Itanim mo na ito sa utak mo. Huwag mo nang ipilit ang show mo. Tama ka. Ituloy mo na ang pagretiro mo. Unang-una, isa kang napakalaking traydor ng mahihirap. PEKE KA EH. Ipinipilit mo na tumutulong ka at me puso ka para sa mahirap?? Alam ng lahat ng nag-iisip na isa ka lang IMAHE. Ipininta mo ang sarili mo sa mga mahihirap na isa kang Diyos na galing sa langit na ipinadala upang iahon sila sa hirap. Pero sa totoo lang, Willie, alam naman natin lahat ang totoo, hindi ba?

      Nakuha mo pang hamunin ang sambayanan na galit sayo na pumunta sa gate ng TV5 at magpa-ambon ng barya??

      Mag-isa ka. Mas maraming paraan ng pagtulong na hindi kasama ang magpaulan ng barya na parang palimos.
    POLL
    Loading...
    Poll Choice Options