Corona on Trial

Discover Yahoo! With Your Friends

 

YOUR FRIENDS' ACTIVITY

    Willing Willing goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at his critics on Twitter

    Simula mamayang gabi, April 9, ay hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie. Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

    Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

    "Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa, nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

    "Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam. Starting today, ang live namin, bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

    Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

    Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

    "Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

    CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

    Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente. Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

    Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol na.

    Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

    "Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw ng gano'n. Four years [old] pa lang ho si Jan-Jan, 'yon na ang sinasayaw niya sa eskuwelahan. Sa mga pa-contest, 'yon na ang sayaw ng bata."

    Patuloy pa ni Willie, "Ngayon, ano ang ginawa ng DSWD? Inakusahan na agad ako, kinasuhan na agad ako ng child abuser ako. Ano ginawa ng CHR, human rights? 'Yon ho, hinusgahan agad ako na in-exploit ko 'yong bata, na-child abuse ko.

    "Lahat po dito, inakusahan na ako. Sa diyaryo, lahat, dino-drawing-an pa akong monster, lahat. Kung mababasa n'yo 'yan... Hindi ko na ho 'yan nababasa lahat, kinukuwento na lang. Lahat ho, ganyan ang ginawa sa akin, lahat po ng mga taong iyan."

    Pero ani Willie, hindi siya naapektuhan sa mga paninirang ito, na sa tingin niya ay gawa ng mayayaman, dahil aniya, "Ang puso ko ay nasa kanila, nasa mga mahihirap, nasa mga tao.

    "Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan," diin pa niya, "Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad kasi ho, wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon."

    "MAGING FAIR KAYO." Sa halos tatlumpung minutong pagsasalita niya sa huling bahagi ng kanyang programa, nabanggit din ni Willie na dapat sana ay sususpendihin na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Willing Willie. Pero hindi raw ito natuloy dahil nagpakita sila ng ilang katulad ng kontrobersiyal na insidente sa ibang TV station.

    Sabi ni Willie, "Alam n'yo, dapat suspended ang show. Suspended last night [April 7] ng 20 days to 30 days, may tumawag sa akin na MTRCB sa desisyon nila. Pero ano ang nangyari? Naputol.

    "Pinakita ho namin ang mga batang babaeng nagsasayaw sa Goin' Bulilit na naka-bra lang. Pinakita rin namin ang mga batang lalaki na nakalampin sa Showtime, na sumasayaw din ng katulad kay Jan-Jan."

    Ang Goin' Bulilit at Showtime ay mga programang ipinapalabas sa ABS-CBN, ang dating home network ni Willie.

    "Bakit kami lang?" tanong pa ng TV host. "Kung suspendihin n'yo kami, suspendihin ninyo lahat 'yan. Hindi po ba tama 'yon? Iba ho 'yong tinitingnan ninyo sa tinititigan ninyo. Maging fair kayo.

    "Tandaan n'yo po ito, hindi ako titigil sa adhikaing ito. Maaring ito ay eye-opener sa atin, dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. Mga DSWD, kunin ninyo lahat 'yan, bigyan ninyo ng magandang buhay.

    "Human Rights chairman, tinitira n'yo ako, hinuhusgahan ninyo ako, ang daming namamatay na OFWs, 'yon ang tulungan natin. Tulungan natin ang mga kababayan natin sa ibang bansa."

    Hirit pa ni Willie, "Magsama-sama tayo. Huwag ninyo akong dikdikin. Hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang ay magpasaya at makatulong sa mga mahihirap."

    "MGA ARTISTANG NAKISAWSAW." Bukod sa mga grupo at sangay ng gobyerno, hindi rin nakalimutang patutsadahan ni Willie ang mga kapwa niya celebrities na umano'y tumitira sa kanya sa microblogging site na Twitter.

    "Maraming artista ang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit no'n," sabi ni Willie.

    Pagkatapos ay pinangalanan niya ang mga artistang ito: "'Yan si Jim Paredes ng APO, tinira ako sa Twitter. Si Aiza Seguerra, tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon...sasabihin ko na lahat. Sino pa? Bianca Gonzales ng SNN.

    "Susuportahan n'yo ba ang mga taong iyan? Ano ang nagawa ninyo? Ano ang nagawa ninyo sa sambayanang Pilipino?

    "Si Tuesday na kasama ko rito [sa TV5]. Hindi ko maintindihan na kasama kita rito, tinira mo ako. K Brosas, Leah Navarro...sino pa?

    "Kapwa tayo artista. Nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1 million?"

    Pagkatapos ay pinaalalahan sila ni Willie: "Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo."

    Sabay inulit ni Willie, "'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Jim Paredes ng APO, Lea Salonga...

    "Aiza Seguerra, magpakalalaki ka! Bata ka pa, hindi ba, nagtatrabaho ka na? Hindi ba exploitation 'yon? Mag-isip ka! Tingnan n'yo muna ang sarili niyo bago kayo...

    "Agot Isidro, wala ka namang anak, e, bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna.

    "Sino pa? Bianca Gonzales...

    "Akala mo kung mga sino kayo. May natulungan ba kayong mahihirap?

    "Kaya ko lang ho sinasabi ito, nagtitimpi lang ho ako, ayaw ko sanang sabihin. Pero sa Twitter ho, 'yan ang ginagawa nila, wasakin ako," saad ni Willie.

    Para sa iba pang taong humusga umano kay Willie, ito ang kanyang sinabi: "Sa mga taong gumawa niyan sa akin, ang isipin n'yo 'yong mga tao sa labas, 'yong mga matatanda, mga bata, mga mahihirap. Huwag ako, huwag ako.

    "Instrumento lang ako ng mga taong ito. Huwag ninyo akong kainggitan dahil ako'y hindi lumalabas sa kahit anong lugar. Lagi lang akong nandito sa studio ko, sa tahanan ko.

    "Hindi ako nakikipagpaligsahan sa inyo. Huwag kayong magaling. Magaling kayo. Basta ang puso ko lang nandito sa mga mahihirap."

    Sa huli ay nagbanta rin si Willie sa kanyang detractors sa Twitter: "Kung idedemanda ka ng TV5, idedemanda rin kita. Magdedemandahan tayo. Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal, tandaan mo 'yan!"

    PULL OUT OF ADS. Isa pa sa mga naging epekto ng March 12 episode ng Willing Willie ay ang pagkansela ng ilang kumpanya ng kanilang ad placements sa programa.

    Unang gumawa ng hakbang na ito ang Jollibee Food Corporations, na siyang may hawak ng isa sa mga sponsor ng Willing Willie na Mang Inasal. Sumunod dito ang Procter & Gamble Philippines at Cebuana Lhuillier.

    Ang CDO Foodsphere ay nagsabi na tatapusin muna nila ang nauna nang commitment sa Willing Willie. At sa website nito mismo kagabi ay inanunsiyo nila ang pagtatapos ng kanilang sponsorship sa programa ni Willie simula ngayong araw, April 9.

    Samantala, ang Unilever Philippines ay piniling ihinto ang lahat ng ad placement ng mga produkto nito sa lahat ng live game shows, at kasama rito ang Willing Willie.

    Sinabi ni Willie na nasaktan siya sa mga ginawang pag-pull out ng iba pa nila mga sponsor. (CLICK HERE to read related article.)

    Sabi ni Willie, "Gusto ko lang ho ulit ipaliwanag sa inyo, 'yong P&G, Procter & Gamble, ay naglabas ng statement, napakasakit po sa amin. 'Yong Inasal, nag-pull out na rin dahil nag-statement sila na, well, katulad ng P&G, Procter & Gamble po... Napakasakit ho ng ginawa nila sa amin. Medyo masyadong personal na ayaw nilang maglagay sa isang programang gano'n, 'yong behavior hindi na maganda."

    Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Willie ang Unilever dahil sa pagiging patas daw nito.

    Aniya, "Gusto ko lang magpasalamat naman po sa Unilever. Sila po ay nagpaalam sa akin kagabi ng magand... Alam n'yo, ang purpose nito ay magbigay ng saya. Gustong ibalik nila, kapag binibili 'yong produkto. Ang sabi, naglabas sila ng statement, 'Willie, aalis kami sa programa mo, pero aalis kami sa lahat ng channel. In fairness sa 'yo, para hindi ka unfair.'"

    Para sa iba, ito naman ang naging hamon ni Willie: "Wala pa pong husga, e, wala pa sa kaso, ginawa n'yo na akong kriminal. Kayo nga ang lumabas diyan sa gate, magbigay kayo ng pera diya sa matatanda. Bumaba nga kayo diyan sa kanto, bigyan n'yo ang mga mahihirap diyan. 'Yon ang dapat ginagawa ninyo, hindi 'yong pinupuntirya ninyo ako. 'Yon dapat ang ginagawa ninyo."

    Pinaalala rin ni Willie na ang mga manonood ng programa niya at mga sumusunod sa kanya ang ilan sa mga sumusuporta sa produkto ng mga kumpanyang nag-i-sponsor sa show.

    Kuwento niya, "Tinawagan ng Technomarine sa Switzerland, tinawagan ang Unilever sa Amerika, tinawagan lahat, in-email na magbo-boycott sila sa mga produkto kapag ako raw po ay sinuportahan nila.

    "Boboykotin ninyo? Ito ngang mga taong sumusuporta na 'to, binabalik lang ng mga sponsors. Sino ba ang consumers? Sino ba ang namimili?

    "Kayo po ang bida dito, hindi ang mga sponsors. Kayo, dahil kung hindi kayo bibili ng mga sponsors na ito, kung hindi kayo bibili ng produkto na 'to, walang kita ang lahat ng ito."

    "TULOY ANG SAYA PARA SA INYO." Sa kabila ng mga pangyayaring ito, lalo na ang pagkawala na ilan sa kanilang sponsors, nanindigan si Willie na ipagpapatuloy niya ang nasimulang adhikain.

    Pagkatapos magbigay paumanhin kay TV5 Chairman Manny Pangilinan at iba pang executives ng network, sinabi ni Willie na hindi mahihinto ang pagbibigay niya ng kasiyahan sa mga tao.

    Sabi pa niya, "Basta nangangako po ako, kahit wala po kaming commercials, pagbalik ko, kahit hindi kami suportahan ng kahit na sino...

    "Nakausap ko po ang presidente ng TV5, kahit po isakripisyo ko na ang suweldo ko. 'Yon po ang bibigay kong papremyo at kasama ko ang TV5, itutuloy po namin.

    "Lahat po ng perang makukuha namin, kahit wala kaming commercial, kahit inabandona na kami ng mga commercial, umayaw sila sa amin, umalis sila... Kahit walang isang commercial, itutuloy po namin ito.

    "Ang amin pong purpose ay magbigay ng saya at pag-asa. Hihingi ako ng tulong sa aming presidente. Hihingi ako ng tulong kay Mr. Manny Pangilinan. Kahit ho daw malugi kami basta maituloy lang namin ang saya para sa inyo."

    Bago tuluyang matapos ang programa, ipinaalam ni Willie na mawawala muna pansamantala sa ere ang Willing Willie.

    "Maraming salamat ho sa inyo. Mawawala ho muna kami ng dalawang linggo. At kung magbabalik man kami, may panibago hong pag-asa ulit. At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at mga pamilyang katulad ni Jan-Jan, kami na po ang gagawa niyan."

    How do you feel about this article?

     

    79 comments

    • Betong  •  1 year 1 month ago
      mr revillame was an arrogant person and stooping down to his level is so impertinent. he is always right,always loved melodramatic languanges,mahilig magpaawa,walang utang na loob,walang modo, alam lang pera and ibigay kasi wala laman ang utak puro resentments and grudges.bakit hindi trabaho ang ibigay mo sa mga taong gusto mo tulungan hindi yun panandalian lang...God has his own way of persecuting the proud...yan na yun
      • Cute 1 year 1 month ago
        buti pa nga siya my naibigay kahit panandalian lang IKAW ba my naibigay.. magaling lang tao mga pilipino manghusga ng kapwa.. kong sino ang nakakatulong sa mahihirap yon ang tinitira ng mga mayayaman.. kong wala ka rin lang nman masabi hnd maganda pwde manahimit na lang tau..
      • FITZ GERALD 1 year 1 month ago
        hoi betong suntukan tau. mas arrogant ako kay willie., anu?>?
      • Igornacooba 1 year 1 month ago
        Betong --- That is his show. Diyan siya kumikita ng pera. At saka wala naman siyang mibibigay sa tao kundi pera. He can not give job to the people. He is only an entertainer. You better tell the leaders of the nation and those politicians to create more jobs for the people. Willie can not provide what you were asking "give job to the people". And don't include God. God had nothing to do with the situation. You know that people need job then address it to the right person. Be an advocate. Tell the leaders of the nation to do their job!
    • happy mendoza  •  1 year 1 month ago
      kung magre-reason out ka and kung alam mong ikaw ang tama.. bket kelangan mo pa talagang laitin un mga critics mo? it just means na alam mong may mali kang nagawa... oo nga bata pa nagwork si aiza... pero di naman xa ng bastos ng ibang bata para sumikat. si agot isidro, wala nga xang anak, pero atleast hindi naman xa gaya mo na kung kanino na lang may anak. atleast si agot may asawa pa rin, eh ikaw?.. wala namang nakatagal na asawa sau ah. naitulong sa bantay bata?... sariling pera mo batalaga un willie?.. eh di ba nga tanggap kau ng tanggap ng pera galing sa mga balikbayan sa TFC para i-donate sa bantay bata. ang dami mo pang sinasabi, just admit na wala na talagang may gusto sau. it's time to admit na people don't like you the way they use to. you've done your time and i think the curtains should close.
      • Unightmare 1 year 1 month ago
        well atleast wellie help alot of people ikaw kaya may natulungan ka ba?alam naman ng buong filipinas kung sino ang gusto bumagsak si wellie...sino pa ba eh di ang aquino ABSCBN station...tanga mo talaga...
      • HITLER 1 year 1 month ago
        Back to Spanish Era.....Well he is the perfect example of "INGRATO"

        IMHO
      • John Mark 1 year 1 month ago
        really.. hehehe a lot of people who really don't care 4 those people na malayo at namamayagpag na ang career o mas nakakaangat na sa kanila... kya nga naturingan taung mga panoy na may angking ugali that so called, "crab mentality'... and i really hate those @#$% attitude.. yun mahirap satng mga pinoy eh! dami kasi naiinggit sa show ni willie.. tototo naman kasing mas nakakatuwa ang show nya,compare dun sa npakacornieng mgpatawa na very old noon time show... yung sa gma! taz totoo naman sabi nya last night,sa tingin ko kasi sa abs-cbn,bumababa na ang rating nila sa ngayon kya ganyan sila.. totoo naman! ang cornie nyo... halatang pingkakaisahan nyo si kuya will... utot nyo! tas may mga nacomment2 din na mga laos na at saling pusang mga sawsaw na hindi kapansin-pansin na mga artista,kasi mga laos na!
    • nolram12  •  1 year 1 month ago
      magtayo ka na lang ng foundation,pwede ka na namn tumulong kahit wala ka noontime show..kung yan talaga passion ni willie
      • Cute 1 year 1 month ago
        ikaw na lang magtayo foundation mo kasi mukhang yon ang fashion mo.. BAKLA
      • FITZ GERALD 1 year 1 month ago
        TAMA, kaw nlng maghtayu ng foundation. we want willie
    • Marge  •  1 year 1 month ago
      HATS OFF TO UNILEVER! nag pull out ng Ads sa lahat ng network! They are Fair enough! Bravo UNILEVER!
      • EEYD REYMSS 1 year 1 month ago
        uniliver products are most fair too
        sorry but those that pulled out their commercials on willy
        are not so fair in their products. madami maliliit na tunay na pinoy products hindi sa mga chinoy o kastilaloy mga tunay ito dapat pasukin ng tv5 at ni willy sa mga shows nila.
    • Chris F.  •  1 year 1 month ago
      Ang mga sponsor ginagamit ang show for advertising, si willie ginagamit ang sponsor at guest for ratings, at ang mga audience ginagamit si willie para magka pera. It's a cycle of gamitan. None of the party really has an intention to help. Here's a concept not only for willie's show but all gameshows in pinas instead of giving money away to contestants why not convince the sponsors to give jobs to the winner. I noticed na halos lahat ng sumasali sa show ay unemployed, why not give them jobs instead? May kasabihan give a person food and he'll eat for a day, teach them how to plant and he'll eat for life. Baka ma-solve pa ang poverty sa pinas, or at least it's a step for improvement!
      • EEYD REYMSS 1 year 1 month ago
        correct and positive ka dyan. Its a nice suggestion to Mr Villame and Pangilinan
        while its nice to give them job but we must understand if they are also qualified. most sponsor of willie hires job on six months contractual concept. avoiding benifits of SSS health care etc. These are all wke up call to all. Judgemental mga maraming pinoy plus the crab mentality exist. What ever is popular mga has been laos na singer artista sawsaw yan papansin at mga politiko gusto matandaan pangalan sawsaw din. it is also seem correct that many yellow media and somany on the internet ay di masa makapag blog natural lahat contra .
      • BATTILOG_MO 1 year 1 month ago
        bkt di ikaw ang gumawa nyan total mas magling k naman kay willie eh...gagaling nyo magsalita kaya nyo b gingawa ni willy?may nagawa n b kau?grabeh ang bobo nyo...este ang gagaling nyo pala...alam mo ung advice mo gawin mo yan para sa kapma mo sigurado matutuwa mga tao sa inyo.....peace lol.....
      • rhino 1 year 1 month ago
        madaling sabihin, mahirap gawin...kuha ka ng marami empleyado, mas malaki pa pasweldo mo kesa kita mo. Gamitin mo nman utak mo paminsanminsan.
    • Diva La diva  •  1 year 1 month ago
      Willie will always be Willie, hanggang sa huling minuto ay walang ni katiting na pag amin na may pagkakamali siya, instead ay nandamay pa ng mga pangalan na may kasamang personal comments...polititcian na politician ang dating niya kasi tuwing magsasalita ay para sa mahihirap ang lahat na para bang sa bulsa niya galing ang pera na ibinibigay niya...you are insulting the intelligence of the filipinos, di po lahat ay kaya mong bolahin Willie Revillame!!
    • sandra  •  1 year 1 month ago
      it shows that he really has no good values.... you don't act that way on tv.... parating nagbabanta.... not good attitude... hope advertisers will permanently not support him.... wala syang good values....
    • hey ken  •  1 year 1 month ago
      naku naman people, dapat willie and the producers of the show did not allow the child to do that act, doon sila nagkaroon ng problema. and willie should not compare this to the goin bulilit kids or even aiza, because may permit to work ang mga yan. kawawa naman si ms. lea salonga, mr. jim paredes, ang laki ng contribution sa music industry natin yan, ang laki ng nagawa sa bayan compared to willie na ano bang nagawa? , mang-away, mambastos, magmayabang? even yung mga pinakatahimik na tao sa showbiz like mylene dizon, agot isidro and bianca gonzalez??? anong nagawa nila compared to willie? never silang naging pasaway na artista... and come on, walang negosyante ang nagnenegosyo para malugi, that's a fact...

      bakasyon ka muna wille, mag retreat ka, time to reflect...
    • Beth  •  1 year 1 month ago
      Kahit sa You Tube lang namin napapanood yong show mo dito sa Canada, natutuwa kami parang nakapanood na kami dyan sa Pinas. Kahit di live Ok lang.
      Babalik din mga sponsors mo. at mas marami pa, ano kaya kung magsamasama nga OFW na maykakayahan mag donate ng papremyo para matulungan nating mabuhay ang show kahit di muna live ?
      Mag vo volunter kami dito--kaunting dolyar malki ng halaga na dyan sa Pinas, kaunting sakripisyo lang para magtuloy tuloy yong pagtulong ng willing willie.
      Good Luck Willie , kaya mo yan nasa likod at harap mo kami--OFW -Migarants Canada!.
    • Rudzkie  •  1 year 1 month ago
      Still no remorse on willie's part...We are in a democratic country willie and every citizen sikat or hindi had the right to criticize you kung sa palagay nila ay may kamalian ang aksyons mo.the way you slam john estrada on air..Twitter is their avenue like the way you use your program in voicing out your hinanakit...please stop acting like a crying baby at huwag mo laging sinasankalan ang mga mahihirap ksi di lahat ng mga mahihirap umaasa sa mo show para makaraos sa buhay..the truth is mas nattulungan ka ng sinasabi mong mahihirap..not the other way around..
    • GENIA  •  1 year 1 month ago
      Eh talaga naman palang wala sa tamang pag-iisip itong c willie eh.. Kung ako si Agot Isidro, ako ang magdedemanda sa kanya. Psychological effect ang tama kay Agot ng binitiwan nyang "wala ka namang anak", eh nagta-try nga na magkaanak yung tao. how immature. Ignorante pa.. eh yung mga batang artista ng ABS sa Goin´BUlilit eh may permit yun sa DSWD. pati si Aiza when she was young, her parents had to take permit sa DSWD.

      At ang pagtulong sa iba, hindi kailangang ipagsigawan. Kung ako ay isang mahirap gaya ng sinasabini willie, maiinsulto ako ng husto. Masyado nya lalong binaba ang moral ng mga mahihirap. Para iasa ang buhay sa isang TV show.

      Sinayang nya ng husto ang maraming magandang opportunities na napunta sa kanya.

      Big-headed person. Power tripper.
    • geprep  •  1 year 1 month ago
      Masyado mong niliigaw ang isipan namin, ang isyu dito ay ang ipinakitang kagaspalan ng ugali ng isang tao sa harap ng Camera sa paggamit sa isang musmos. Aminin natin na ang taong yan ay kulang sa tamang gabay upang matuto ng pagpapakumbaba, at huwag gamitin ang mga mahihirap para lang siya ay sumikat. salamat
    • Nora S  •  1 year 1 month ago
      ok ung adhikain mo sa buhay ang maktulong sa mhihirap. pero d mo ntuturuan ang mga tao n mag banat ng buto....umaasa cla sa maibibigay mo lang... hindi b ang dapat kung may gusto ka itulong sa kapwa mo ay ung d mo n kailangan ipangalandakan if ano ung naibibigay mo sa kanila.. hindi kya ngagamit mo din cla pra sa ikakaunlad mo lamang.....
    • jose  •  1 year 1 month ago
      as i mention before, hindi ko rin gusto noon si wellie, but as i watch his show from abas to channel 5, ewala naman tayong magagawa.. may charisma at galing naman talaga ang tao. sa laki ng kinkita niya at kasikatan niya karamihan sa ating pilipino naiingit kasi.. crab mentality.. gusto hatakin pababa..... yong mag artistang tulad nila agot na parang ligot , at apo hiking society na mga high society lang ang target nila noon, at iba pang nasapawan na , siyempre naiingit.... parang si bakla yan na si sulcadito.... sukal talaga e bakla at mahilig may lypho suction ng kung ano ano.....

      kaya adice ko kay wellie, " huag kang magpatalo.. the show must go on.... hayaan mo silang ma highblood sayo sa galing mo mag host...

      sa mga detractors mo, wala lang magawa ang mga yan... sobra ingit ksi mahusay kang tao... lahat ng income mo naipon mo at pinagpaguran mo....

      ang dapat nating tutukan yong mga general at arroyo wealth na galing sa kaban ng bayan....

      si wellie hindi naman politician at ang pera niya ay di galing sa government kaya hayaan na nating siya... ang tingin ko kasi niyan yong ibang politician have their insecurities already...wellie has the potential to be a top politician pagdating ng araw...or baka nagpapapuna lang sila as preparation for endorsement sa darating na election...

      wellie dont be affected.. go on man.. do what you have to do.. you have the freedom and the rights under the law...kung kami may karapatan ikaw din mayroon.......
    • SF GIANTS  •  1 year 1 month ago
      HOY......AIZA SIGUERRA AT CCBP.......ANONG ISISIGAW NYO NA WALANG MORAL VALUE ANG SHOW NI WILLIE..............IKAW AIZA ANO SA TINGIN MORAL ANG PAGKATAO MO.............IMMORAL ANG MAGING LESBIANNNNN........AT KAYONG MGA PARE NG SIMBAHAN KATOKLIKO......ANG KABAKLAAN NYO AT PANGAABUSO SA MGA BATANG LALAKE MAS MALAKING IMMORAL.........WAG KAYONG MAGMALINIS....................MGA SALOT........
    • Edward  •  1 year 1 month ago
      Willie just an advise, when you see a child crying that means something is wrong...Maybe he did not like what he was doing, he was just doing it for the money, and you keep encouraging him to do it.. that is the problem.. You're lucky you are not in the US, or else you be in jail by now. Maybe you should watch Eat Bulaga and maybe you will learn how to respect people. Even their staff Wally and Jose they show how much respect they give those people outside the studio and they don't earn well as much as you...I signed up to buy one of your condo, but now i'am giving it up... Time to give up boy!!!!
    • Marge  •  1 year 1 month ago
      Mga Sponsors ng ibang shows tulad ng Going Bulilit, chilld exploitation din yan dapat hindi ninyo sinusuportahan. Maging Fair naman kayo, hindi lang Willing Willie ang tingnan ninyo.
    • Rhoda  •  1 year 1 month ago
      naku willy ang yabang mo you cant accept your mistakes.halatang wala ka talagang good moral values.you better shut up than blaming other people in showbisness or your critics.dont even think of returning on tv.yes you are giving money to your contestants pero you are earning money bacause of them. for me all your actions on your show is just a pakitang tao you are not sincere.
    • impakto  •  1 year 1 month ago
      Tutal naman, isinusumbat mo na, MANG WILLIE REVILLAME, yung mga di umano'y naipamigay mong PERA sa MAHIHIRAP.... palagay ko, may computation ka kung magkano na yung sinasabi mong naitulong mo sa kanila... MAGKANO na nga ba yung pinamigay mo? At magkano naman ang kinta mo dahil sumikat ka sa pa----ayabang na namigay ka nito? MAS MALAKI ba yung naipamigay mo kesa sa tinubo mo? Baka nga wala pang ISANG PORSYENTO ng kinita mo ang naipamudmod mo.... AND IN REALITY, do you give your personal money to the poor? Awws, MR YABANG, you'd never spend a single cent to the POOR !!! Hwag mong gaguhin ang mga MARUNONG MAG-ISIP!!! Ang nagagawa mo lang talaga sa mahihirap, EH YUNG IDUKDOK SILANG LALO SA KAHIRAPAN !!! TV 5 and Mang Willie, is it okay to encourage the poor to spend long hours sa pagpila at panonood sa programa ninyo in the false belief na tutulungan ninyo silang yumaman? What you are doing is just wasting their time sa halip na magtrabaho sila at kumita ng kahit piso na pambili ng kalahating pandesal sa pagbabanat ng buto.... bakit, ILAN NA BA ANG PINAYAMAN NINYO compared sa dinami-dami ng TAONG TINURUAN NINYONG MAGING BATUGAN ? Matagal ka nang dapat nawala sa ere, sa dami ng ginago mo at dinaya mo sa programa mo.... TV 5 and your sponsors are gaining from your kagaguhan kaya hindi ka nila binibitawan.... mawala ka na sana ng tuluyan sa telebisyon.
    • Ghie Santos  •  1 year 1 month ago
      kung totoong para sa mahirap yan at ibibigay mo ang sweldo para kahit walang commercial matuloy nyo yung program nyo gaein mo, baka mamya ilang araw lang na walang mag sponsor sayo bigla ka nalang mawala willie boy, di pera lang pala ang habol mo tlga
    POLL
    Loading...
    Poll Choice Options