Agree or Disagree: Mommy hindi pinipilit ang anak na i-kiss sina lolo at lola

·8 min read

Body autonomy ng mga bata o ang karapatan nilang mag-desisyon para sa kanilang katawan, narito kung bakit mahalaga at dapat nating respetuhin.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng isang ina tungkol sa pagtuturo ng ideya ng consent sa kaniyang anak.

  • Tatlong paraan kung paano maituturo ang konsepto ng consent sa isang bata.

Body autonomy ng mga bata

Teaching Consent In Early Childhood
Teaching Consent In Early Childhood

Image courtesy: iStock

Isang netizen ang ibinahagi sa social media platform na Reddit ang kaniyang karanasan sa pagpapalaki ng kaniyang dalawang taong gulang na anak na babae. Ang nasabing ina inakusahan ng kaniyang asawa na tinuturuang maging bastos ang anak nila sa lola at lola niya.

Ang karanasan ng ina at kaniyang anak ay tulad ng mga pagkakataon na kung saan ang ating anak ay minsang tumatanggi na magpahalik o magpakarga kahit sa ibang miyembro ng pamilya.

Nangyayari ito madalas sa unang pagkikita. Dahil sa iniisip pa ng bata na stranger o hindi niya kilala ang taong kaharap at hahawak sa kaniya.

Kaya naman ang gagawin ng ating anak ay magtatago sa ating likuran. Pero dahil minsan iniiisip natin na ito ay isang uri ng kawalan ng respeto o kabastusan ay pipilitin natin ang ating anak na magpayakap o magpakarga sa tita, tito, lolo at lola niya kahit ito ay hindi komportable o labag sa kalooban niya.

Para sa isang ina ang tagpong ito ay napakahalaga. Kaya naman ng minsang pilitin ng kaniyang mga in-laws na pagawin sa anak ang hindi siya komportable at hindi niya gustong gawin.

Sinabihan niya ang mga ito na huwag pilitin ang bata sa mga ayaw niya at hindi siya komportableng gawin. Isang bagay na minasama ng kaniyang asawa at sinabing pagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga magulang niya.

Ina, itinuturo sa anak ang konsepto ng consent sa bata nitong edad

Kuwento ng ina nangyari ang lahat ng ito sa araw ng Father’s day na kung saan biglang napagdesisyunan ng kaniyang mister na magpunta sa bahay ng mga magulang niya. Ito ay para makasama ang kaniyang ama at ina at maipasyal sa mga ito ang apo nila.

Ayon sa mommy netizen, sinabihan niya noon ang asawa na baka puwedeng patulugin muna ang anak bago sila magpunta sa bahay ng mga magulang niya.

Pero ipinilit nito na doon nalang sa bahay ng mga magulang niya patulugin ang apo nila. Ito ay ayaw sana noong una ng mommy netizen. Dahil alam niya ang kahihinatnan nito pero wala siyang nagawa kung hindi sundin nalang ang asawa.

Hanggang sa makarating na sila sa bahay ng kaniyang mga in-laws na kung saan mula 9:30 ng umaga at hanggang 3:30 ng hapon ay hindi man lang nakatulog ang anak nila. Kaya naman bandang alas-3 ng hapon ay nagsabi na ang mommy netizen sa kaniyang mister na pareho na silang pagod mag-ina at mabuti sigurong umuwi na sila. Pumayag naman ang kaniyang asawa lalo pa’t naging maayos at masaya naman ang kanilang naging pagbisita.

Bata, ayaw magpa-kandong, magpa-karga at magpa-halik sa lola at lola niya

Body autonomy ng mga bata
Body autonomy ng mga bata

Image courtesy: iStock

Nagkaroon lang ng problema noong pilitin ng mga lolo at lola na mahalikan ang apo nila.

“Ang naging problema ay pinipilit ng mga in-laws ko na halikan at yakapin ang aking anak. Sa puntong iyon ay pinaalalahanan ko sila na matutong respetuhin ang body autonomy ng mga bata o ang pagdedesisyon para sa kanilang katawan. Hindi siya komportable kaya huwag pilitin. Imbis na halik at yakap ay mabuting high five nalang ang gawin. Dahil sa ito ang itinuturo kong gawin ng anak ko sa oras na hindi siya komportableng magpahawak sa iba.”

Dagdag pa ng netizen, ito ang kaniyang sinabi dahil sa buong maghapon na nandoon sila ay ilang ulit na sinubukang kandungin ng kaniyang father-in-law ang kaniyang apo. Pero sinasabi ng bata na “no” at agad na umaalis ito padulas sa kandungan ng kaniyang lolo dahil sa ayaw nito. Kahit nga umano ang kaniyang mother-in-law ay kakargahin sa likod niya ang apo na nakikita niyang hindi rin komportable ang anak niya na gawin.

Kaya naman nagsalita na ang mommy netizen para sa kaniyang anak. Sinabihan niya ang kaniyang mga in-laws na huwag pilitin ang anak sa mga ayaw nitong gawin. At pinarinig niya sa anak na ayos lang na magsabi ng “no” kung ayaw niyang magpa-kandong, magpayakap o magpa-halik sa iba. Isang bagay na hindi nagustuhan ng kaniyang asawa at ginagawa daw ng mommy netizen para turuang maging bastos ang anak niya sa mga lolo at lola nito.

Dahil sa nangyari ay humingi ng payo ang mommy netizen sa mga friends niya online. Tama ba ang ginawa niya o tinuturuan niya bang maging bastos ang anak niya sa lolo at lola nito?

body autonomy ng mga bata
body autonomy ng mga bata

Screen capture mula sa Reddit

Ayon sa mga netizens, ayos lang na hindi magpa-kiss o magpayakap ang mga bata sa kanilang lolo at lola

Hirit ng isang Reddit user, ang ginagawa ng mommy netizen ay isang paraan ng pagtuturo ng body autonomy sa kaniyang anak. Habang may mga netizens naman ang nagsabi na mali ang iniisip ng mister ng mommy netizen tungkol sa kaniyang ginawa.

“Mali ang mister mo! Ang ginagawa mo ay paraan ng pagtuturo ng body autonomy sa iyong anak. Ito ay karapatan niya na magsabi ng “no” at dapat ito ay bigyang respeto o sundin.

Sa ganitong paraan ay tinuturuan mo rin ang iyong in-laws na respetuhin ang kagustuhan ng iyong anak at ang boundaries nito.”

Ito ang pahayag ng isang Reddit user. Ayon naman sa isa pang user, ang ginagawa ng kaniyang in-laws sa kanilang apo ay ang eksaktong dahilan kung bakit natatakot ang maliliit na bata na magsabi o mag-sumbong sa oras na sila ay nakakaranas ng sekswal na pang-aabuso.

BASAHIN:

Turuan ang iyong anak na huwag isawalang bahala o i-ignore ang kaniyang instincts

Isang user naman ang pinuri ang ginawa ng mommy netizen dahil sa pinanindigan nito ang gusto niyang maituro sa anak.

“Ito ay napakahalagang aral para sa mga maliliit na bata. Sila ay may magaling na instincts sa mga tao din kung minsan.

At minsan ang mga instincts na ito ay isinasawalang bahala nila para lang magpakita ng paggalang at respeto.

Ito kinalaunan ay maaaring magdulot ng problema kung mapapabayaan. Ako noong bata ako ay laging napapagalitan sa tuwing ayokong makipag-usap o magpahawak sa ilang adults na lalapit sa akin.

Sa katunayan ay napaparusahan pa nga ako dahil doon. Pero hindi ako nagpatinag, hanggang sa lumipas ang mga taon at iniisip nilang weird o may sakit ako sa ulo.

Nanindigan ako sa ayaw kong gawin. Ang instinct ko na ito, nagamit ko noong mag-dalaga ako para makaiwas sana sa isang potensyal na pang-aabuso.”

Ito naman ang kuwento ng isang pang netizen.

Turuan ang iyong anak na kumilos base sa kaniyang kagustuhan

May isang mommy netizen naman ang ibinahagi ang kaniyang technique sa pagtuturo ng body autonomy at consent sa kaniyang anak.

“Kami ng asawa ko itinuturo namin sa aming anak na huwag magpayakap, magpa-halik o magpa-kandong sa iba o kahit na sa aming mga magulang niya kung hindi niya gusto. Dahil ito ay para rin sa kalusugan at kaligtasan niya.”

Ito ang pahayag naman ng isa pang netizen.

Ang kuwento ng mommy netizen tungkol sa naging karanasan ng kaniyang anak sa lolo at lola nito ay nakakuha ng suporta sa maraming netizens.

Nakatanggap siya ng papuri sa kaniyang ginawa. Naging patunay rin ito na hindi siya nag-iisa sa paniniwalang dapat nating ituro ang konsepto ng consent sa ating anak habang bata pa sila.

At bilang responsableng magulang ay dapat nating respetuhin at pahalagahan ang body autonomy ng mga bata. Para maiwasang masabihan na walang respeto ang iyong anak kaugnay nito ay narito ang ilang tips na maari mong gawin.

3 aral na dapat ituro sa iyong anak tungkol sa consent

1. Turuan ang iyong anak na magsabi ng “NO”.

teaching consent in early childhood
teaching consent in early childhood

Image courtesy: Pixabay

Turuan ang iyong anak na ayos lang na magsabi ng “NO” sa mga taong gustong magpakita ng physical affection sa kaniya at hindi niya gusto.

Dahil sa ito ay maaaring makatulong para mailayo siya sa problema o kapahamakan. Ipaliwanag din sa kaniya na hindi ka naman magagalit kung ito ay kaniyang gagawin. At hindi nila dapat i-sakrispisyo ang kanilang safety para lang mapasaya o mapagbigyan ang kanilang kapwa.

2. Turuan siya ng ibang alternatives sa pagpapakita ng physical affection.

Body autonomy ng mga bata
Body autonomy ng mga bata

Image courtesy: iStock

Ituro sa iyong anak na imbis na halik at yakap, ang high five, fist bump o simpleng pag-hi ay paraan din ng pagpapakita ng physical affection sa iba.

Ipaalam din sa kaniya na ayos lang naman na magpakita ng physical affection sa iba. Basta’t ito ay sa mga tao na komportable siya tulad ninyong mga magulang niya.

3. Huwag isawalang bahala ang instincts ng iyong anak.

Bilang magulang ay huwag isawalang bahala ang instincts ng iyong anak. Respetuhin ang desisyon niya kung ayaw niyang magpahawak sa iba kahit na ito ay miyembro ng pamilya. Hayaan siya at alamin at intindihin ang dahilan ng behavior niyang ito.

Huwag ding kalimutang ituro sa kaniya ang pagkakaiba ng good touch at bad touch. Ito ay makakatulong para malaman nila ang tungkol sa physical cues.

Ang mga aral na ito ng konsepto ng consent ay makakatulong sa kanila sa pagdaan ng panahon. Lalo na pagdating sa pagtukoy ng kanilang boundaries at pagkakaroon ng confidence sa pag-express ng kanilang sarili.

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

The post Agree or Disagree: Mommy hindi pinipilit ang anak na i-kiss sina lolo at lola appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting