Ang bagong sistema ng edukasyon

Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bigat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw. Bawa’t katapusan ng tsapter kada libro ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan.

Kaya mas angkop na tawaging “work book” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin – para pagkitaan. Maliwanag ang dahilan na ito ay para pagkitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwatan sa mga suppliers.

Pati junk shops kumikita dahil ang mga librong ito na hindi na mapapakinabangan pa sa mga susunod na pasukan dahil sa mga tanong sa bawat katapusan ng mga tsapter ay hahakutin sa kanila para ibenta por kilo.

Dati, ang mga magulang ng mga bata na magkakasunod ang pagtuntong sa mga antas o grado ay nakakatipid dahil namamana ng mga nakakabatang kapatid ang mga libro. Mga librong nagamit na ng mga nakakatanda basta pag-ingatan lang. Ngayon, hindi. Obligado silang bumili ng mga bagong libro o magbayad sa mga eskwelahan na siya na ring nagbebenta ng mga ito tuwing pasukan.

Bakit ang ganitong sitwasyon ay hindi maunawaan ng mga opisyal ng kagawarang responsable? Malaking halaga ang dahilan.

Maraming librong ginagamit ngayon sa elementarya kaya, sa halip na may matutunan ang mga bata, lalo lang nagdudulot ng kalituhan kaya wala ring silbi. Ibig sabihin, hindi makatotohanan ang sistema.

Bakit hindi tanggapin ang katotohanang ang mga magulang ang gumagawa ng mga takdang aralin ng mga anak nila? Pati na mga project? Kung ang inaasahan ng mga guro ay “follow–up instruction” itong maituturing, mali sila. Kadalasan, habang nagtutuluan ang ganggamunggong pawis ng nanay sa pagsagot ng mga tanong sa takdang aralin at paggawa ng project, ang mahal na anak naman ay nagko-computer o di kaya ay nanonood ng TV.

Ang dagdag kalbaryo sa mga bata at mga magulang ay ang karagdagang antas na kailangang tuntungan ng mga estudyante pagkatapos ng Grade Six. Hindi pinakinggan ang reklamo ng mga guro na siyang apektado, na hindi nakahanda ang sistema ng edukasyon.

Una, kulang ang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan, at pangalawa, walang nakahandang kurikulum o “module.” May nakausap akong nanay na nagkwentong ang anak daw niya ay tinuturuang mag-manicure at mag-pedicure, magamit lang ang panahon na ginugugol nila sa paaralan.

Ang kailangan ay kagalingan sa pagtuturo na makakamit kung may mga programa sa pagpapakadalubhasa ng mga guro at may kaakibat na suporta ng sapat na budget, hindi dagdag na antas. Nakakalungkot isipin na upang madagdagan ang kaalaman, may mga guro na, para lang makadalo sa mga training o seminar o makabili ng mga libro, ginagamit nila ang sarili nilang pera.

Hindi maaasahan ang budget ng mga eskwelahan dahil, kadalasan, pambili nga ng chalk ay inaabunuhan pa ng mga guro. Upang makabili ng mga walis at iba pang gamit panlinis, nag-aambag ang mga estudyante at mga magulang.

Lumabas sa TV ang isang dokumentaryo tungkol sa Kalayaan Island. Maganda na sana ang napanood dahil may ipinakitang paaralan at klase ng mga estudyante pero nakakadismayang marinig sa guro na hindi daw sila “credited” ng Kagawaran ng Edukasyon. Nguni’t dahil gusto ng gurong ito na may matutunan ang mga anak ng mga sundalo at iba pang mga tao na nagtiis tumira sa Kalayaan Island upang maipakita na pagmamay-ari ng Pilipinas ang isla, tuluy-tuloy lang ang pagturo niya sa mga bata.

Bakit hindi ito inaasikaso ng Kagawaran ng Edukasyon?

Sa iba pang liblib na lugar, may mga paaralang butas-butas na ang bubong, halos wala nang dingding. Mayroon ding mga akala mo ay Tower of Pisa ang porma dahil hindi diretso ang tayo, gawa ng mga kung ilang bagyong humagupit. Kung interesado ang Kagawaran na makakita ng iba’t ibang sitwasyon, maganda siguradong humingi sila ng kopya ng mga dokumentadong report ng GMA7?

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit mahina ang pundasyong edukasyonal ng mga kabataan? Mga kahinaang madadala nila sa paglaki nila at maging bahagi ng lipunan. May mga matatalinong bata, ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong ito ay malinang sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-aaral. Ang dahilan ay kakapusan sa pera ng pamilya nila, wala silang magawa kundi tumigil sa pag-aaral. Pinalala ito ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan.

Ang mga kabataang nakakapag-aral sa malalaking bayan at siyudad, bihira ang nakikitaan ng pagkaseryoso sa pag-aaral dahil sa mga nakakalat ng computer shops na ang iba nga halos ilang dipa lang ang layo sa mga paaralan.

May mga batas na nagbabawal sa pagtatayo ng mga shop na ito malapit sa mga paaralan, ngunit ano ang ginagawa ng mga lokal na opisyal? Wala. Hindi nga nila maipasara ang mga bilyaran at beerhouses na animo ay kapitbahay lang ng mga paaralan, computer shops pa kaya?

Ano ang ginagawa ng Kagawaran ng Edukasyon tungkol dito? Wala rin. Dahil, para sa kanila trabaho ito ng mga alkalde. Ngunit kung tutuusin ang apektado ay mga estudyante na dapat hinuhubog ng Kagawaran sa pamamagitan ng mga paaralan.

Kung may mga estudyante mang nagsisikap matuto sa kabila ng mga problema sa sistema ng edukasyon at kahinaan sa pagtuturo sa kanilang paaralan, iilan lang sila na maituturing na pag-asa ng bayan.

Sana, bago maging huli ang lahat, ay mabigyan ng kaayusan ang kasalukuyang sistema sa edukasyon at pagtuturo na siyang inaasahan huhubog sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.

Mga ilang taon pa mula ngayon, ang mga henerasyon na nakatamasa ng maayos na paghubog ng kanilang pagkatao ay mawawala na. Papalit ang kasalukuyang henerasyon, nguni’t may maaasahan ba sa kanila ang ating bansa? Nagtatanong lang. – KDM, GMA News

Apolinario Villalobos is an editor and essayist based in Sultan Kudarat. This post originally appeared on his Facebook Timeline on October 5. We are re-posting it here with his permission.


Loading...

Editor’s note:Yahoo Philippines encourages responsible comments that add dimension to the discussion. No bashing or hate speech, please. You can express your opinion without slamming others or making derogatory remarks.

  • ToyotaPH continues it’s strong sales in February
    ToyotaPH continues it’s strong sales in February

    Toyota Motor Philippines (TMP) sustains its strong sales in its February performance. Toyota’s strong performance last month was due to the  high demand of the Vios, with sales of 2,012 units and of course the rest of Toyota’s line up such as the Fortuner, Innova, Wigo, Hilux, Avanza and Corolla Altis. Toyota’s luxury brand, Lexus, recorded 60 units last month. …

  • No apology, but Noy seeks understanding
    No apology, but Noy seeks understanding

    There was no apology, but President Aquino yesterday expressed regret, took “full responsibility” and appealed to the nation for “deepest understanding” for the Jan. 25 Mamasapano raid in which dozens died, including 44 police Special Action Force (SAF) commandos. “To every Filipino who has felt failure or has been hurt because of the events related to this operation, it is with abiding humility that I ask for your deepest understanding,” Aquino said in a speech before the 246 new graduates of …

  • MVP on endorsement: Thanks, I’m no politician
    MVP on endorsement: Thanks, I’m no politician

    Businessman Manuel V. Pangilinan is grateful for Sen. Miriam Defensor-Santiago’s praise and presidential endorsement, but says he is not a politician. In an interview on the sidelines of the launch of the search for The Outstanding Young Men (TOYM) of the Philippines 2015 Wednesday night, Pangilinan dismissed the idea of running for president in the 2016 elections. “I’m not a politician, I’m just an ordinary business person,” he added. Santiago endorsed Pangilinan as a presidential candidate …

  • No Lenten break in operations vs lawless groups – AFP
    No Lenten break in operations vs lawless groups – AFP

    The Armed Forces of the Philippines (AFP) is not suspending its offensive against the Abu Sayyaf, New People’s Army (NPA) and other lawless groups during the Holy Week, an official said yesterday. Lt. Col. Harold Cabunoc, AFP public affairs office chief, said the AFP leadership is leaving it up to area and division commanders whether to raise the alert status in preparation for the Holy Week. Those deployed in areas where there are ongoing law enforcement operations against terrorist groups …

  • Probe harassment vs human rights lawyer, CA orders AFP
    Probe harassment vs human rights lawyer, CA orders AFP

    The Court of Appeals (CA) has ordered the Armed Forces of the Philippines (AFP) to investigate a human rights lawyer’s claim of harassment, including surveillance, by several military officers. In a 22-page decision, the former Special Sixth Division of the appellate court granted the petition for writ of amparo and habeas data of Maria Catherine Dannug-Salucon. The CA ordered the AFP to identify the officers behind the surveillance and file charges against them. The CA ruling said …

  • Noy vows to dismantle bata-bata system in PNP
    Noy vows to dismantle bata-bata system in PNP

    President Aquino vowed yesterday to dismantle the culture of factionalism or the bata-bata system within the Philippine National Police as he continued the search for the next PNP chief. Speaking at the Philippine National Police Academy (PNPA) commencement exercises here, the President said the country needed solidarity among leaders and members of the police force so that the policemen would be effective protectors of Filipinos. “Our challenge to the next chief of our national police force: …

  • Envoy to expats: Retire, invest in Phl
    Envoy to expats: Retire, invest in Phl

    Retire and invest in real estate in the Philippines, especially now that the country has made it to the top 10 retirement destinations in the world. This is the message being spread by the Philippine embassy in Washington, with Ambassador Jose Cuisia Jr. leading the refrain in meetings with various Filipino-American communities in the US. In his talks, Cuisia said that an affordable cost of living as well as warm climate and people are just some of the things that make the Philippines a top …

  • PNPA spotlight falls on Ampatuan grandson
    PNPA spotlight falls on Ampatuan grandson

    The stigma of being a namesake of the principal suspect in the 2009 Maguindanao massacre did not prevent Cadet First Class Andal Ampatuan III from entering and graduating from the Philippine National Police Academy (PNPA). Ampatuan III, now with a rank of police inspector, is a grandson of former Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr. The younger Ampatuan was among the 246 graduates of the PNPA “Lakandula” Class of 2015. Ampatuan III’s mother is Bai Rebecca Ampatuan, a daughter of the …

POLL

Should Aquino be held accountable over the Mamasapano operations?

Loading...
Poll Choice Options