Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”

·4 min read

Kasal nila Angel Locsin at Neil Arce nalalapit. Angel sinabing very excited siya na magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya kasama si Neil.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Preparations ni Angel Locsin sa pagpapakasal at pagbuo ng pamilya kasama si Neil Arce.

  • Angel Locsin at Neil Arce relationship

Angel Locsin at Neil Arce wedding preparations

Angel Locsin at Neil Arce
Angel Locsin at Neil Arce

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

Nalalapit na ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Angel Locsin at ang fiancée niyang si Neil Arce. Sa panayam sa kaniya ng aktor na si Matteo Guidicelli na itinampok sa podcast show nito sa Spotify na Matt Runs ay nagkuwento ang aktres sa ginagawa niyang paghahanda sa pagiging mag-asawa nila ni Neil.

Kuwento pa niya, bagama’t nami-miss niya ang mga shootings at pag-aartista, enjoy at very happy naman siya sa buhay niya ngayon. Lalo na sa mga natutunan niya at ginagawa niyang preparasyon sa pagiging may-bahay at ina ng isang pamilya.

“Ayusin ko muna iyong sarili ko, ayusin ko iyong kasal ko. Ayusin ko ang lahat. Mag-aaral akong magluto para hindi ako isoli ng asawa ko sa tatay ko. I want to improved myself.”

Ito ang pahayag pa ni Angel sa ginagawa niyang paghahanda sa pag-aasawa na sinabi niyang hindi pala madaling gawin.

“Gusto ko lang damdamin at i-absorb lahat ng kung paano mag-prepare sa isang married life parang hindi pala siya ganoon kadali. Hndi pala siya iyong maglilipat ka ng condo tapos na, marami ka palang dapat i-consider talaga.”

“Feeling ko nagger ako e”: Angel sa pagiging misis

Pagdating umano sa pagiging misis ni Neil, ito ang nakikinita ni Angel. “Feeling ko nagger ako e.” Pero sa kabuuan, very happy, excited at no doubt siya na pakasalan si Neil na itinuturing niyang partner sa buhay na alam niyang hindi siya iiwan.

“Si Neil naman din kasi very supportive talaga. Iba iyong pakiramdam, iba kasi iyong partner, iyong lover, iba iyong ganoon.

Iyong partner kasi alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam na ngayon na magkamali ka nandyan lang sya hindi ka kukunsintihin pero iaangat ka lang nya.”

Ito ang pagsasalarawan niya ng relasyon nila Neil na malapit niya ng maging asawa matapos ang 3 taon ng pagiging mag-nobyo at nobya nila.

angel locsin at neil arce
angel locsin at neil arce

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

BASAHIN:

Angel excited ng magka-anak sila ni Neil

Pagbabahagi pa ni Angel, ay excited na siyang bumuo ng pamilya at magkaroon sila ng anak ni Neil. Lalo na’t ito ang pangarap niya.

“Sana ma-bless ako ng anak. Sana ma-bless kami ng isang simpleng masayang pamilya.”

Ito ang hiling sa ngayon ni Angel Locsin.

Dagdag pa niya, hindi naman umano maraming anak ang gusto, mga isa o dalawa lang ay sapat na. Sa katunayan, noong una ay kambal ang gusto niya.

Ngunit base sa mga nakikita niya sa mga kaibigan niyang may anak na ay mahirap palang mag-alaga ng dalawang bata ng sabay. Pagkukuwento pa ni Angel,

“Hindi naman basketball team, mga isa o dalawa. Dati twins ang gusto ko pero nakita ko iyong mga kaibigan ko na may mga anak. So parang hndi ko kaya ng sabay. Kailangan nakatutok ka talaga.”

Kuwento pa ni Angel, sa ngayon ay nararamdaman niyang magiging stage mother na siya. Pero pagdating sa usaping pag-aartista, mas mabuti umano na bago ito ay pag-aaral muna ang tutukan ng mga magiging anak niya.

Sapagkat ayaw niyang matulad ang mga ito sa kaniya na walang diploma na naniniwala siyang mahalaga sa buhay ng isang tao. Pahayag pa niya,

“Iba pa rin kasi iyong may diploma ka. Iba kasi iyon na puwede mong dalhin kahit nasaan ka at saka hindi iyon mananakaw sayo, iyong education.”

Angel nagmula pala sa isang royal family sa Mindanao

Sa ngayon, habang nakatigil sa pag-aartista hindi Angel ay patuloy pa rin ang ginagawa niyang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Dito nga na-kuwento ni Angel na ang ugaling ito ay nakuha niya sa pamilya ng kaniyang ina na magmula sa isang royal family sa Mindanao.

“Iyong mommy ko kasi adopted sa Marawi. Napakabait nila sa amin, hindi pa ako artista, hindi naman kasi mayaman ang pamilya ko.

Iyong naghihikahos ang lolo at lola ko nagmagandang loob iyong princess ng Marawi at inadopt iyong mommy ko.

Tapos hanggang sa ako ipinanganak na, nag-reachout talaga sila. Napakabait. Kahit kristyano ako, walang isyu. Walang friction napaka-giving lang nila talaga.”

Ito ang pagkukuwento ni Angel sa royal background niya na very proud umano siya. Lalo pa’t nasaksihan niya kung gaano kabubuti ang puso ng mga muslim sa Mindanao na tunay na hinahangaan niya.

Hunyo ng 2019 ng inaanunsyo ni Angel na siya ay engaged na sa film producer na si Neil Arce. Ito ay matapos ang higit sa isang taon nilang pag-iibigan at isang dekadang pagkakaibigan.

Ang kanilang kasal ay unang naka-schedule noong 2020 ngunit na-postpone ito dahil sa nagaganap na COVID-19 pandemic. Ngayong taon, bagama’t wala pang sinabing eksaktong petsa ay inaasahang matutuloy na ang kasal nila.

Angel Locsin at Neil Arce
Angel Locsin at Neil Arce

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

Source:

Matt Runs Spotify

Photo:

Image from Angel Locsin’s official Facebook account

The post Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya” appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting