#AskDok: Ano ang dapat gawin kapag mataas ang presyon ng dugo?

·8 min read

Feeling mo ba na mayroon kang high blood? Alamin kung ano nga ba ito at mga sintomas nito dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang High Blood Pressure?

  • Dalawang uri ng Hypertension

  • Ano ang mga Sintomas ng High Blood Pressure?

  • Mga kailangan gawin upang maiwasan ang mataas na Presyon ng dugo?

Ano ang High Blood Pressure?

Ang high blood pressure ay isang sakit na nararanasan kapag mataas ang presyon ng dugo mo kaysa sa normal. Kinakailangan ay nasa kalagitnaan ito ng 120 to 80 ml, ani ni Dr. Amal Makhloufi, Country lead ng Sanofi Philippines, sa isinagawang webinar ng theAsianparent Philippines sa Facebook,

“It is simply a disease that is experienced when one’s blood pressure exceeds normal blood pressure. Typically normal blood pressure should be between 120 and 80 ml and anything exceeding that number means that you have hypertension.”

Ayon pa sa kaniya ang pagkakaroon ng mataas na presyon o high blood pressure ay maaari ring mamana,

“Those that have a family history of hypertension or high blood pressure have a high risk of getting the disease and as you get older your chances of getting it becomes higher.”

Ngunit, ang iyong presyon sa dugo ay maaaring tumaas kapag ikaw ay gumagawa ng mga partikular na aktibidad. Subalit kapag palaging mataas ang iyong presyon sa dugo ito ay pwede magresulta ng hypertension.

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.
gamot sa highblood
gamot sa highblood

Larawan mula sa Freepik

Dalawang uri ng Hypertension

  • Primary: Ang pagtaas ng presyon sa dugo na walang kinalaman sa iyong ibang medikal na kondisyon.

  • Secondary: Iba pang medikal na kondisyon na nagiging sanhi ng pagtaas ng dugo, na nakikita sa mga bato, arterya, puso, o endocrine system. Kabilang sa mga halimbawa ay:

    • Hirap sa pagtulog katulad ng sleep apnea

    • Pagbabara ng renal arteries sa ‘yung bato

    • Hindi normal na pagtaas ng hormone na nagkokontrol sa presyon ng dugo

Ano ang mga sintomas ng high blood pressure?

Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo ay kadalasang walang palatandaan o sintomas na pwedeng magamit mo upang malaman kung ikaw ba ay mayroon nito.

Ang pagkuha lang ng iyong presyon sa dugo ay gamit ang BP monitor upang makita mo kung mataas o mababa ba ang iyong presyon.

Ito rin ay tinatawag na “silent killer” sa kadahilanang ito nga ay kadalasang walang palatandaan o sintomas, at karamihan ay hindi nila alam na mayroon na pala sila nito.

Ngunit ito ang ilan sa mga sintomas na madalas na nararamdaman:

  • Pagsakit ng ulo

  • Pagdudugo ng ilong

  • Pagkahilo

  • Pagkalabo ng mata

  • Pananakit ng dibdib

  • Hirap sa Paghinga

  • Hindi regular na pagtibok ng puso

  • Dugo sa iyong ihi

Ano ang sanhi ng mataas na presyon ng dugo?

Ayon pa kay Dr. Amal Makhloufi ang hypertension ay kadalasang nabubuo paglipas ng panahon. Maaari rin na dahil sa iyong lifestyle, katulad ng hindi pag-eehersisyo ng regular.

Ang ilang mga kundisyon din sa kalusugan, tulad ng diabetes at pagkakaroon ng labis na timbang, ay maaari ring dagdagan ang panganib na magkaroon ng mataas na presyon ng dugo. Ang pagkakaroon din ng mataas na presyon ng dugo ay maaari ring mangyari sa panahon ng pagbubuntis.

Paano maiiwasan ang high blood pressure?

Maaari mong mapababa ang iyong mataas na presyon sa dugo sa sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong lifestyle at pagkain ng masusutansya.

Ito ang ilan na paraan upang mapababa o maiwasan ang pagkakaroon ng high blood pressure:

  • Bawasan ang pakain ng maaalat

Ang pagkain ng sobrang asin o sodium ay nagreresulta sa pagtaas ng blood pressure. Basahin nang mabuti ang mga label kapag ikaw ay namimili sa grocery store. Upang maiwasan ang pagkuha ng mga pagkain na mayroong matataas na sodium.

  • Magbawas ng timbang

Mas may malaking tiyansang tumaas ang presyon ng dugo ng mga taong matataba.

  • Pag-eehersisyo araw-araw

Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakakatulong upang makaiwas sa mataas na presyon ng dugo dahil pinapalakas nito ang iyong puso at baga.

mataas na presyon ng dugo
mataas na presyon ng dugo

Larawan mula sa House photo created by tirachardz – www.freepik.com

  • Umiwas sa paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay maraming komplikasyong dulot at isa ang pagtaas ng presyon ng puso. Itigil ito upang makaiwas sa high blood pressure at iba pang mga malubhang sakit.

  • Pakain ng Potassium

Ang pagkain ng may mga potassium ay nakakatulong upang mapababa ng sodium sa ating katawan. Kumain ng mga gulay at prutas na mayaman sa potassium.

  • Iwasan ang stress

Ang pagkakaroon ng stress ay normal na bagay sa mga tao maaari sa eskuwelahan o trabaho. Ngunit kinakailangan iwasan ito para hindi magdulot ng mga sakit. Maging positive thinker upang makaiwas sa stress.

  • Laging magpasuri ng Blood Pressure

Kadalasan ang pagkakaroon ng high blood pressure ay walang sintomas o palatandaan kaya ito tinatawag na silent killers. Kaya ang pagpunta sa iyong doktor ay lubhang kinakailangan upang maiwasan ang mga sakit.

mataas na presyon ng dugo
mataas na presyon ng dugo

Larawan mula sa Hand photo created by rawpixel.com – www.freepik.com

Mabibigyan ka rin ng mga tips at gamot na magpapabuti ng iyong pakiramdam.

Paalala ni Dr. Amal,

“What you eat and the amount of daily exercise also affects your blood pressure. Hypertension patients usually dont see any tell-tale signs or symptoms of the disease. So maintaining regular excercise and regular checking of blood pressure is recommended.”

BASAHIN:

Ano ang kailangan gawin kapag ikaw ay may mataas na presyon ng dugo?

Isa sa pinakanakakatakot na sakit ang hypertension o pagtaas ng presyon sa dugo. Ito ang ilan sa mga gagawin pag ikaw ay nakakaranas ng sintomas ng high blood pressure:

  • Pagpahingahin ang pasyente

Paupuin at pagpahingahin ang pasyente ng 15 minuto at sabihing mag-relax. Painumin ng tubig at itapat sa kanya ang electric fan o kaya paypayan.

  • Tignan ang Blood Pressure

Kunin ang blood pressure ng pasyente, at siguraduhing maayos ang pagkuha nito. Kapag ang pasyente ay patuloy ang pagtaas sa 140 over 90, ito ay nangangahulugan na mataas na ang presyon ng dugo nito.

  • Painumin ng gamot, kung kinakailangan

Kung ang taong nakakaranas ng pagkahilo ay may mga maintenance medicine, ipainom ito sa kanya.

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan painumin ng gamot ang pasyente, minsan kailangan lang nila umupo at magpahinga upang maayos amg daloy ng kanilang dugo.

Painumin ng maligamgam na tubig ito, para maging maayos ang pakiramdam. Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong upang maayos ang daluyan ng dugo.

Ano naman ang heart heart attack at kinalaman nito sa high blood pressure?

mataas na presyon ng dugo
mataas na presyon ng dugo

Larawan mula sa iStock

Ang isang atake sa puso ay nangyayari kapag may isang bagay na pumipigil sa daloy ng dugo sa iyong puso kaya hindi ito makakuha ng oxygen na kailangan nito.

Sabi ni Dr. Amal Makhloufi, sa Pilipinas mahigit kumulang 1/2 ang may hypertension, ibig sabihin lagpas 12 milyon ay ang delikado sa sakit na hypertensive.

Ayon din Dr. Amal,

“Our goal is to be the best healthcare journey to the Filipinos, we have several programs to help hypertensive patients.

To further support this we have recently released the empower program to help patients with hypertension.

Where patients are provided with coaches and nurse educators. Through these sessions, patients are given proper education of the diseases as well as how to properly manage diabetes.

Additional coaching modules are also available through the biomark app that can be downloaded by patients in the play store or apple store for free”

Sintomas ng pag-atake sa puso

Kasama sa mga sintomas ng atake sa puso ang: Hindi komportable, presyon, bigat, higpit, pisilin, o sakit sa iyong dibdib o braso o sa ibaba ng iyong dibdib

  • Kakulangan sa ginhawa na pumapasok sa iyong likuran, panga, lalamunan, o braso

  • Kapunuan, hindi pagkatunaw ng pagkain, o isang nasasakal na pakiramdam (maaari itong pakiramdam tulad ng heartburn)

  • Pinagpapawisan, nababagabag ang tiyan, nagsusuka, o nahihilo

  • Malubhang kahinaan, pagkabalisa, pagkapagod, o igsi ng paghinga

  • Mabilis o hindi pantay na tibok ng puso

Larawan mula sa iStock

Ang mga sintomas ay maaaring magkakaiba sa bawat tao o mula sa isang atake sa puso sa isa pa. Ang mga kababaihan ay mas malamang na magkaroon ng mga sintomas ng atake sa puso, ng mga sumusunod:

  • Hindi karaniwang pagkapagod

  • Pag-iksi ng iyong hininga

  • Pagduduwal o pagsusuka

  • Pagkahilo o gulo ng ulo

  • Hindi komportable sa iyong gat. Maaari itong pakiramdam tulad ng hindi pagkatunaw ng pagkain.

  • Hindi komportable sa leeg, balikat, o itaas na likod

Kailan ka dapat pumunta sa doktor?

Kung mayroon kang alinman sa mga sintomas na ito, magpatingin kaagad sa doktor. Maaari kang magkaroon ng isang hypertensive crisis na maaaring humantong sa isang atake sa puso o stroke. Maaari ka ring magkaroon ng isa pang malubhang kondisyong pangkalusugan.

Karamihan sa mga oras, ang mataas na presyon ng dugo ay hindi sanhi ng pananakit ng ulo o nosebleeds. Ngunit, maaari itong mangyari sa isang hypertensive crisis kapag ang presyon ng dugo ay higit sa 180/120.

Kung ang iyong presyon ng dugo ay napakataas at mayroon kang mga sintomas na ito, magpahinga ng 5 minuto at suriin muli. At kung ang iyong presyon ng dugo ay hindi pa rin mataas ang pagtaas, tumawag ka na sa iyong doktor.

Sources:

Center for Disease Control and Prevention, Web MD , Standford Health Care

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

The post #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag mataas ang presyon ng dugo? appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting