Sex education sa klase, maaaring 'optional'?

Isa sa mainit na pinagdebatihan ng mga kongresista sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill ay ang reproductive health education o “sex education." Sa panayam ng News To Go kay Sen Pia Cayetano, alamin kung may mababagong probisyon sa naturang panukalang batas kapag tinalakay na ang bersiyon nito sa plenaryo ng Senado.

HOWIE SEVERINO: Senate Bill No.2865 o ‘yung Reproductive Health Act. ‘Yan ang Senate version ng RH bill. Dalawampung senador ang pumayag na dinggin na ito sa plenaryo, pero indikasyon ba ito na agad na maipapasa ang kontrobesyal na panukala? Kasama natin ngayon ang nag-isponsor ng panukalang ‘yan, si Senator Pia Cayetano. Siya rin po ang chairperson ng Senate committee on health and demography, at committee on youth, women and family relations. Magandang umaga Sen. Pia Cayetano, welcome to News to Go.

SEN. PIA CAYETANO: Good morning and I’m happy to explain the reproductive health bill.

HOWIE: Unang-una nagdedebate na sa House, pinakikinggan n’yo ba ‘yung mga debate doon?

SEN. PIA: Kung may oras ako, pero hindi ko focus. Sen. Miriam ang nagfile ng bill and abogado rin ako so talagang I tried to address din some of the concerns that I heard from the House kasi alam ko similar ‘yon. Pero talagang independent ang trabaho namin, so ‘pag natatanong ako to compare, mahirap magcompare kasi wala ho akong kinalaman sa version ng House.

HOWIE: Okay. Pero hindi kaya parang training din ‘yon para sa debate sa Senate?

SEN. PIA: Yes, ‘yun nga …

HOWIE: Pinakikinggan n’yo yung mga argumento ng mga ibang legislators naman.

SEN. PIA: Oo. In fact, the fact na medyo latter part na kami na-finalize ‘to, meron din talaga ‘kong na revise ng konti to address some of the concerns na narirning ko.

HOWIE: Halimbawa lang, anong mga revisions ‘yon?

SEN. PIA: For example yung tungkol dun sa reproductive health education, sex education… ang tagal ng debate kung anong grade mag-i-start ‘yan. Ako wala akong nilagay na indikasyon kung anong grade kasi actually, ang number one objective ko is madebate ‘to nang maayos sa Senado. Dahil kanya-kanya kasi, marami rin dun mga magulang din (para) madebate namin kung ano talagang tingin namin na maayos na edad. Pero personally ang sa akin, paano mo lalagyan ng edad ‘yan e sa katotohanan niyan, reproductive health education is really part of day to day education. For example, kung buntis ako at may anak akong three years old, sasabihin niya, ‘Mommy bakit lumalaki tiyan mo?’ Anong sasabihin mo? ‘Nakalulon ako ng basketball o ng pakwan?’ ‘Di ba hindi. 'Magkakaroon ka kasi ng kapatid, may baby kasi kami ni Daddy gumawa kami ng baby, period.' Kasi ‘yon lang naman ang tanong ng three years old eh. E kung 12 years old na ‘yan, ‘Mommy paano ba kayo gumawa ng baby?' E di medyo mas malalim ng konti ang explanation mo, iba-ban mo ‘yong discussion na iyon? So ang pakikinggan na lang ng mga anak natin, malalaman na lang nila is yung naririnig nila sa subject nila… na kasaysayan kung saan nandoon si Malakas at si Maganda… nanggaling tayo sa bamboo, sa kawayan, ‘yun ba? So iyon ang gusto kong madebate ng husto.

HOWIE: So hindi ka naniniwala na dapat magulang lang ang nagbibigay ng sex education sa mga bata.

SEN. PIA: In principle, in theory naniniwala ako na magulang, pero hindi karamihan ng magulang...

HOWIE: Kasi iyon ang mga sinasabi ng mga opponent ng RH bill di ba?

SEN. PIA: Oo. At naniniwala ako talaga na sana ang magulang. Pero the reality is Howie and ask around din sa mga kaibigan mo. I have so many friends, educated like me, sasabihin nila Pia ano bang sinasabi mo sa anak mo? Kasi lang po nagkataon na ang nanay ko teacher at kumportable siyang mag-explain. So ako lumaki akong kumportable din. So ang mga anak ko kumportable rin akong magpaliwanag sa kanila. Pero hindi kumportable ang karamihan ng magulang. Yes in principle, parents, bakit hindi? Pero hindi rin ako papayag na walang intervention ang eskuwelahan, bakit? Nagkalat ang ating problema sa sexual abuse… Father and daughter, brother and sister, ang dami po niyan yung sa mga iba't bang lugar. Hindi natin ma-dedeny ‘yan. How can you not teach these children na may boundaries, na kailangang bigyan ng respeto ang katawan ng isang tao kahit bata ka. Paano mo hindi ituturo ‘yun? Paano mo hindi ituturo yung responsible teenage behavior? E makakapanood ka na isang batang 14…

HOWIE : Ang sinasabi mo, sa ibang bata akala nila ang incest normal ‘yun?

SEN. PIA: Aba, e iyon ang kinalakihan nila, wala namang nagsasabing bawal. Halimbawa nakita nila ‘yung tatay nila na ginahasa ‘yung kapatid nila o ‘yung kapitbahay. We know that, that exists…

HOWIE: Tapos uulitin naman nila sa iba?

SEN. PIA: … so how can you not talk about it? Kung ang basehan lang ng mga bata is ‘yung napapanood nila sa TV or ‘yung na-Google nila sa Internet. ‘Yan ba ang magiging basehan? How many parents interviewhin mo, ang talaga namang magpapaliwanag sa mga anak nila. Yes in principle, parents pero hindi rin ako papayag na pabayaan na kung sakaling hindi maipaliwanag ng parents ‘yan. Wala namang quality information and accurate information makukuha ang bata.

HOWIE: Ang lumalabas na kompromiso sa House at least na imbes na gawing requirement o mandatory ang sex education sa schools, gawing optional na lang ‘yung mga estudyante., Kung ayaw ng mga magulang nila na mag-attend sila ng sex education class e magpapaexcuse na lang sa klase. Ano bang tingin mo diyan sa ganyang klase ng kompromiso?

SEN. PIA: Ang problema, the reproductive health education is incorporated in many subjects. If you ask DepEd now that has been on-going for many years, decades pa yata. So for example, ang subject matter nila is biology at pinapakitang ang manok nangingitlog, ang mammals pinapanganak ng buhay ang bata, paano ang tao? Ah, excuse me lalabas ho ako kasi bawal akong makinig ng parte na ‘yan kung saan pinanganganak ang tao. Puwede lang akong makinig kung paano ipinapanganak ang manok at kung paano ipinapanganak ang unggoy. Pero pagdating sa tao sabi ng nanay ko labas muna ko ng classroom ko, ganun ba? That is gonna be the subject of my debate, that’s why open-ended ‘yan because I wanna explain kung paano ba talaga mangyayari kung ayaw n’yo makinig ng anak n’yo sa wastong reproductive health information. Siyempre po I understand na mayroon tayong pangamba na baka kung anu-anong itinuturo. Kaya sa aking sponsorship speech, sabi ko hindi po totoo na ang ituturo sa mga anak ninyo na nine-years-old ang paggamit ng condom. Sino ba namang magtuturo sa bata na nine-year-old ang paggamit ng condom, hindi po totoo ‘yun. I don’t think DepEd is that irresponsible?

HOWIE: So linawin natin dito sa batas na ‘to hindi irerequire na magkaroon ng sariling klase o sariling subject ang reproductive health, mai-integrate ‘to sa sinasabi mong biology, ano pang mga subjects ito mai-integrate?

SEN. PIA: Ako dun sa bill ko inaral ko ho nang husto, ano ba ang existing programs and right now existing programs or existing information on reproductive health is available in many classes. Nandun ‘yon sa mga klase nga ng kasaysayan kasi to the extent nga na… For example kahit dun sa klase na nagtutro ng Filipino and English. How will you learn English? How will you learn to read? E di ‘yung pang-araw-araw na buhay ‘di ba? So learn to read and at the same time kinukuwento si nanay, si tatay o si nanay buntis, magiging dalawa na anak nila, magkakaroon na ng kapatid si Kuya. So in that sense may reproductive health aspect ‘yun. How will you take all of that out? Because that is what is existing. Yes, in my bill, wala akong sina-suggest na separate class kasi I don’t think it’s necessary naman to have a class na stand alone. Kasi kung kasama naman ‘yan sa day to day ano… then matututunan ng bata.

HOWIE: So in other words mahirap palang gawing optional ito?

SEN. PIA: Because that is also what exists, so hindi ko alam unless patatanggal nila. Ano lahat na naman ng mga libro rireviewhin natin kung may mali diyan.

HOWIE: But if it already exists, bakit kailangan pa ng batas para gawin ito?

SEN. PIA: If you recall mga a year or two ago, nagkaroon ng malaking controversy ng may tinuro ang DepEd tapos ngayon gustong ibawal. So the reason why we make a law is to institutionalize a practice to be sure na kada palit ng administrasyon hindi nagbabago-bago ‘yan. And that will also address ‘yung general question na bakit ba kailangan pa ng RH? E mayroon namang available na contraceptives on the market, mayroong ganyan, because the problem is you will have situations kung saan may barangay o kaya municipality na magdedisisyon na gumawa ng sariling ordinansa na labag doon sa polisiya ng gobyerno. So we have to make national policy by law that every president, every secretary of Health, DSWD secretary will follow para consistent ang program natin.

HOWIE: Nabanggit mo ‘yung contraceptives, sinasabi ng mga opponent ng RH bill yung ibang mga contraceptives sa merkado ay mga abortifacient katulad ng mga pills, ng IUDs. Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin ng abortifacient? Ano bang pananaw mo tungkol diyan?

SEN. PIA: Let me say this, first of all ‘yung definition ng abortifacient trabaho po ‘yan ng food and drug administration. Sila ho ang may medical at scientific na kaalaman para sabihin sa atin na ito po ang mga bawal na gamot, delikado po na kahit sinong tao. Kahit ako na abogado na sabihin kong lahat ng abortifacient bawal. Bakit? Kasi po ‘yung gamot po para sa mga nanay na may diabetes, sakit sa hypertension at iba pa. Karamihan ng mga gamot na ‘yan mayroong risk at isa sa risk niyan ay delikado sa buntis. Pero pinapayagan pa rin sa buntis ‘yan with the guidance of the doctor na nakaprescription ‘yan para mabuhay ‘yong nanay. So kung ganoon ka-general ‘yung statement natin, blanket statement na bawal lahat ng klase, aba lahat na ng nanay ngayon na may sakit mamatay na dahil bawal lahat ng gamot. So ang kailangan, pabayaan natin ang FDA na gawin ang trabaho niya na ipagbawal ang paggamit ng gamot na ang purpose is to abort. But if it is to save a life, dapat puwede ‘yon.

HOWIE: Ok, sa version niyo ng RH bill magkakaroon ng access sa ano bang klaseng artificial contraceptives? IUDs, pills, condoms?

SEN. PIA: No, we simply state na lahat ng klaseng modern methods of contraceptives and also the traditional family planning is available to all Filipinos para lahat ng Filipino personal kang magdesisyon. Pero ang boundaries mo is what the constitution provides which is we protect the life of the mother and the unborn, which means bawal ang abortifacient that is for the FDA to decide not Congress kung ano ‘yung mga definition ng mga ‘yan.

HOWIE: At kung anong mga puwedeng i-supply sa health centers, sa mga pasyente, sa mga couples.

SEN. PIA: Yes, trabaho po ng FDA ‘yan.

HOWIE: So hindi dinidefine sa bill kung anu-ano iyang mga ‘yan?

SEN. PIA: We just provide the parameters and we say there that under the guidelines of the FDA.

HOWIE: Ok. Magkakaroon ng pondo itong bill na ‘to kapag naging batas. Ang sinasabi ng isang colleague ninyo si Senator (Tito) Sotto na nagkaroon na ng corruption dati sa mga family planning program. Kung magkaroon ng mas malaking programa lalong lalaki ang corruption, di kaya mapupunta lang sa kurakot itong itatabing pera, iyong ibubukod na pera para dito sa contraceptives na ‘to, itong mga services na ‘to?

SEN. PIA: Well, lahat ng program na naging biktima ng kurapsyon dapat imbestigahan at itigil. But it doesn’t give us a reason na itigil lahat ng magagandang programa, otherwise, para mo na’ring sinabi na huwag na nating pondohan ang eskuwelahan dahil mayroon ding kurapsyon sa pagpatayo ng eskuwelahan. Huwag na tayong magkaroon ng kalsada dahil may kurapsyon din sa mga kalsada. The objective is to provide good programs then ilagay ang mga safety measures to be sure na talagang magamit sa wasto, siyempre that is a fear but we have to addressed it.

HOWIE: Ok. Kailan ang umpisa ng debate sa Senado?

SEN. PIA: ‘Pag resume namin, Senator Miriam will give her sponsorship speech, and then we will be ready to tackle all the questions.

HOWIE: So it will be a priority?

SEN. PIA: Well sa akin sa committee ko I have the Philhealth bill and reproductive health bill pinaprioritize ko. Both of them bibigyan ko ng sapat na panahon. It's up to them, the rest of the Senate, to interpolate on both of those measures.

HOWIE: Ok mukhang handa na kayo sa debate.

SEN. PIA: Yes.

HOWIE: Maraming salamat Senator Pia Cayetano.

SEN. PIA: Thank you.


- GMA News

Loading...

Editor’s note:Yahoo Philippines encourages responsible comments that add dimension to the discussion. No bashing or hate speech, please. You can express your opinion without slamming others or making derogatory remarks.

  • Philips Gold finally shines

    Philips Gold made 11 service aces on its way to beating Mane ‘N Tail, 25-19, 27-25, 25-16, for its first victory in the Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Coinference Monday night at The Arena in San Juan.Former College of St. Benilde standout Rossan Fajardo had six aces as part of her 10-point output as the Lady Slammers finally barged into the win column after losing their first two matches.Ex-National University star Myla Pablo led Philips Gold with 14 points highlighted by 12 kills, …

  • Turkish Airlines starts direct Manila-Istanbul flights 3 times a week

    Turkish Airlines, Turkey’s flag carrier, launched on March 30 its thrice weekly direct, non-stop flights between Istanbul and Manila at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 and plans to operate a daily service between the two cities, eventually, announced Chief Marketing Officer Ahmet Olmustur. Last November 2014, the Philippines and Turkey signed an expanded air services agreement granting Turkish carriers three frequencies per week to Manila and Clark. In accordance with …

  • Azkals bow to Bahrain

    The Philippine Azkals fell short in their bid to salvage a draw and fell 2-1 to Bahrain Monday night in an international friendly match at the Bahrain National Stadium in Manama. Faouzi Mubarak struck the opening goal for the home side in the 29th minute before Abdulla Yaser doubled the lead two minutes later with a booming shot from 25 yards out. Fil-German midfielder Manny Ott gave the Azkals a ray of hope when he scored from just outside the box in the 61st. National team Coach Thomas …

  • Alcalas dominate rivals

    In a brilliant show of power and speed, Mark Alcala downed fierce rival and Philippine team member Ross Leonard Pedroza, 21-16, 23-21, to win the men’s singles open title. Alcala lost her No. 1 ranking after focusing on her studies at the University of the Philippines, but she’s willing to sacrifice once again in order to represent the country in future international tournaments. …

  • Girl, grandma hurt in land mine blast

    A 12-year-old girl, who was on her way to her graduation, was wounded together with her grandmother after they were hit by a landmine blast planted near their family’s residence at Sitio Totoy, Barangay San Jose, Monkayo town, Compostela Valley (ComVal) province. Lt. Vergel U. Lacambra, chief of the Public Affairs Office (PAO) of the Army’s 10th Infantry (Agila) Division (10th ID), reported that Marcelyn Domicillo and her 58-year-old grandmother Rosallia Andaya were taken to a hospital in …

  • Army paddlers outlast Navy

    Army began where it left off the previous year, turning back arch rival Navy to rule the men’s 300-meter standard race in the opening leg of the 2015 Cobra Energy Drink-PDBF Dragon Boat Regatta held over the weekend at the Manila Bay.Overall champions the past season, the Army paddlers made their move in the last 100 meters to emerge clear winners in one minute and 7.67 seconds of the event sponsored by the country’s leading energy drink, Cobra, and organized by the Philippine Dragon Boat …

  • Awareness: April Fool’s Day

    On April 1, be wary of people who may borrow money or play practical jokes on you. It’s April Fool’s Day! While believed to be of Western origin, April Fool’s Day is observed in many countries of the world, including the Philippines. April Fool’s Day is that day of the year when people take the opportunity to fool around a bit by playing practical jokes on the gullible. …

  • All-out peace, says PNoy

    President Aquino reiterates that the best option for the government is all-out peace, not all-out war. *** Likewise, the Philippine National Police (PNP) calls for a peaceful and orderly observance of the Holy Week nationwide, as hundreds of thousands of people go on an exodus to major tourist spots and the provinces. A blessed Holy Week! *** The President dismisses calls for an all-out war against the Moro Islamic Liberation Front (MILF) for the Masasapano tragedy and instead will …

POLL

Should Aquino be held accountable over the Mamasapano operations?

Loading...
Poll Choice Options