In the eye of the storm

"Dito ko nakita ngayon 'yung dictatorship ng social media. Kapag tiningnan mo 'yung mga trend, wala pang 20 'yung mga kasangkot dun eh. Bakit naman ako susuko sa 20 tao?"

Just several weeks ago, National Artist for Literature and Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) chairman Virgilio S. Almario was in the eye of a virtual firestorm.

The furor was over an April 12 KWF resolution calling for the revival of the use of "Filipinas" rather than "Pilipinas," which the commission said would promote the official and modern name of the country, as well as unite the Filipino people and give them a better sense of history.

The response to the KWF's call was anything but united. The divide was especially apparent in social media, where netizens debated the advantages and disadvantages of changing that one letter in the country's name. For every tweet and Facebook post that acknowledged the merits of such a move, there were ones that called it an unnecessary move. And of course, there were also the countless others that made fun of it all, joking about how the University of the Philippines would now have to be called UFi.

It's a barrage of attention and criticism that would have cowed lesser individuals and probably prompted an about-face, but during this interview, the poet more popularly known as Rio Alma was still in pretty good spirits and most definitely sticking to his guns. Almario is even thankful for the hullabaloo!

"Naging controversial, at gusto ko naman dahil nagkaroon kami ng exposure. Wala namang may kilala sa KWF bago 'yun eh!" he says with a laugh. "Dito ko nakita ngayon 'yung dictatorship ng social media. Kapag tiningnan mo 'yung mga trend, wala pang 20 'yung mga taong kasangkot dun eh. Bakit naman ako susuko sa 20 tao?"

Almario's confidence and conviction probably stem from the Ortograpiyang Pambansa, or the National Orthography. Put out by the KWF, the Ortograpiyang Pambansa is a comprehensive examination of the alpabeto and includes the rules of spelling in Filipino and the proper use of Filipino words. Almario says that it is the Ortograpiyang Pambansa that he really wants publicized.
"Ang Ortograpiyang Pambansa ang malaki naming kampanya. Nagkataon lamang na kasama doon sa Ortograpiyang Pambansa 'yung paggamit ng F at Pilipinas ang kasama doon sa example," he explains.

While Almario insists that he doesn't like being controversial, he says he fully intends to use the attention to further publicize the KWF's activities, especially with August being Buwan ng Wika. He says that the KWF's website has been beefed up and that they are contemplating establishing a presence in social media, and that he intends to go around the country to spread the word about the Ortograpiyang Pambansa.

All of that is in addition to the three-day congress on language that Almario plans to hold from Aug. 19 to Aug. 22. The congress seeks to assess where the Filipino language is now in terms of the domains of power, and aims to bring together business, politics, and religion, to discuss the state of the Filipino language after more than a century of use.

The KWF also has a separate forum planned for the media and student journalists on Aug. 17, which aims to educate both about the Ortograpiyang Pambansa and how it affects them.

Almario is also not averse to extending an olive branch to those who have been opposing "Filipinas". He says that he is planning to organize a forum within the month, and that he intends to invite the opposition so that all sides of the argument can be discussed.

In this 60 Minutes conversation that proved both educational and humorous, Virgilio Almario talks about his plans for the KWF, the role the Commission is going to play in the country's shift to the K to 12 educational system, and how the country's F and P problem is something that can be fixed. (Ronald S. Lim)

STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): Ano ang mga plano ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayong Buwan ng Wika?

VIRGILIO S. ALMARIO (VSA): Medyo bongga ang aming plano ngayong Buwan ng Wika, dahil ang pinaka highlight namin ay three days na kongreso sa wika kung saan magkaroon ng assessment. Nasaan na ba ang Filipino, in terms of domains of power? 'Yun ang pinakaproblema na nakikita namin eh.

Ang masa, nagfi-Filipino. Pero 'yung mga tao sa domains of power, 'yun ang nagre-resist sa paggamit ng Filipino. 'Yung mga pulitiko, kapag eleksiyon lang sila gumagamit ng Filipino. Pagkaraan ng eleksiyon at nahalal na sila, itinatakwil na ang Filipino. 'Yung mga businessmen, 'yung may mga contact sa masa, pag kailangan nila ang Filipino, nagfi-Filipino sila. Pero kapag sila-sila, gusto nila nage-English. Sa religion, ewan ko kung hanggang saan ang paggamit nila ng Filipino dahil sa mga misa naman kailangan nila ito o ibang native languages. Hindi ko alam kapag nasa kani-kanila na silang pangkat, kung sila-silang mga pari o pastor, ay ginagamit nila ang Filipino.

Sa loob ng tatlong araw, merong isang session para sa mga negosyante. Merong magsasalita. Sa religion, mga pari at pastor ang nasa panel. Sa pulitika, mga taga-gobyerno ang nasa panel. At ang main speaker namin siyempre ay si President Noy. 'Yun ay sa Aug. 19, which is also Quezon Day, at dito rin namin gagawin sa Leong Hall (Ateneo de Manila University). Ang ending niya ay sa Aug. 22, na Aquino Day naman. Nakasaklay kami sa dalawang malaking araw, at inaasahan namin na dito ay maraming dadalo, para mapag-usapang mabuti kung nasaan nga ang wikang Filipino after more than a century halos ng pagpapalaganap.

Meron din kaming forum for the media. Iniimbita namin ang mga media practitioners na nasa television at print na gumagamit ng Filipino, kasi napaka-potent ng media sa paggamit ng Filipino, at napakabisa rin nila sa pagkalat ng masasamang bagay at mga kamalian sa Filipino, hindi ba (laughs)? Sila 'yung gusto naming makausap para mabigyan ng konting patnubay dahil nagpapalabas kami ngayon ng Ortograpiyang Pambansa at 'yung spelling at mga wastong gamit ng mga salita. Paghahaluin namin sa media forum na 'yun on August 17 ang mga professional na practitioners saka mga student journalists. Mag-iimbita rin kami ng mga estudyante galing sa mga eskuwelahan na merong magandang campus press.

SCB: Magkakaroon din ba ng pagkilala sa mga tanyag na manunulat na nagpalaganap ng wika?

VSA: Towards the end, 'yung UMPIL (Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas) ay binigyan din namin ng grant para sa pagtalakay sa kabayanihan ni Andres Bonifacio bilang manunulat kasi 150th birth anniversary niya. May konperensiya para pag-usapan si Bonifacio, hindi lamang bilang isang humahawak ng gulok, kundi humahawak ng panulat. In line iyon sa aking pagsulat ng libro tungkol kay Bonifacio para sabihing siya ay isang napakahusay na makata.

Hindi lang 'yun, may paniwala din ako na kung tutuusin, ang unang intellectualized na gamit ng wikang katutubo ay makikita natin sa pamamagitan ng mga Katipunero. Nag-iimbento talaga sila ng salita para itapat dun sa gusto nila. 'Yung salitang kalayaan na naging very popular dahil naging battle cry ng Katipunan, eh nun lang tiyempo na 'yun lumaganap. Wala namang salitang kalayaan before that. Sa aking pagsasaliksik, una itong ginamit ni Marcelo H. del Pilar nang isalin niya 'yung "Amor Patria" ni Rizal kasi may salita doong "libertad," or freedom. Ang itinapat ni Del Pilar ay kalayaan, laya, malaya. So hindi ko alam kung saan niya napulot 'yung salitang 'yun. And apparently, nabasa ni Andres Bonifacio 'yun dahil sa tula niyang "Pag-ibig sa Tinubuang Bayan," ginamit niya 'yung kalayaan.

Isa pang halimbawa 'yung salitang Haring Bayan, may mga record na ginamit 'yun laban sa kaniya kasi lagi niya ito sinasabi. Siya daw ay naghahari-harian sa bayan. Pero kapag tiningnan mo 'yung mga dokumento ng Katipunan, ang ibig sabihin niyon ay power of the people.

Sovereignty. Kaya ang tawag nila sa tungkulin nila sa Katipunan ay pairalin ang haring bayan.

Hindi siya, kundi haring bayan (laughs). Nakikita mo ang konseptong political science, na hindi ginagawa sa anumang pagsulat dahil mga literary lamang ang mga dokumento noong araw o di kaya religious. Ang kanyang wika ay galing sa popular literature. Nandoon 'yung mga hari, nasa awit at korido. So pinulot niya 'yung hari, nilagyan niya 'yun ng bayan. "Ang utos ng hari ay hindi nababali," hindi ba? Ganun ang ating kasabihan. Galing 'yun sa konsepto ng hari sa mga korido. Nilagyan niya ng bayan, kaya ang hari at bayan pinag-isa niya to mean power of the people o sovereign power of the people. Nagpapakita ito ng tinik niya, orihinalidad, and at the same time kaalaman niya ng mentalidad ng bayan. Kaya 'yung wika ng bayan ang pinupulot niya at nilalagyan ng bago. 'Yung bagay na 'yun ang kailangan natin i-appreciate kay Bonifacio at gusto namin i-emphasize sa pagdiriwang na ito.

FILIPINAS VS. PILIPINAS

SCB: Ano naman ang plano ng KWF para sa mga batang Filipino para maging mas makabuluhan ang selebrasyon ng Buwan ng Wika? Para sa iba, ibig sabihin lang kasi ay magsusuot ng Filipiniana.

VSA: 'Yun pa rin naman ang gagawin ng maraming eskuwelahan, kaya kapag tiningnan mo 'yung aming listahan ng mga programa sa aming website, makikita niyo na halos araw-araw mangyayari (laughs). Hindi ko naman pinipigil 'yun, talagang ganon. Pero, may mga seminar kaming gagawin sa iba't-ibang lugar. Ako mismo ang pupunta sa mga state colleges sa iba't-ibang probinsiya para magpaliwanag, hindi lamang tungkol sa Filipinas. Kasi ang ginagawa namin ngayon ay nangangampanya kami para sa Ortograpiyang Pambansa. Ito 'yung malaki naming kampanya. Nagkataon lamang na kasama doon 'yung paggamit ng F at Pilipinas (laughs). Naging controversial, at gusto ko naman dahil nagkaroon kami ng exposure. Wala namang may kilala sa KWF bago 'yun eh (laughs). Hindi nga lang maganda, kasi parang nakikita mo doon na nag-aaway-away.

Dito ko nakita ngayon 'yung dictatorship ng social media. Kapag tiningnan mo 'yung mga trend, wala pang 20 'yung mga taong kasangkot dun eh. And yet it seems, parang ang dami-daming nagtutulong-tulong na tao tapos kaaway nila 'yung KWF. Nagsasabi sila kaagad na ihinto ang lahat ng ito at sumuko na ang KWF. Bakit naman ako susuko sa 20 tao (laughs)? Samantalang kahit saan ako pumunta, suportado naman ako. Unang-una, 'yung mga teachers. Naniniwala sila sa comprehensive reform na ginagawa namin sa ortograpiya. Naniniwala sila sa paggamit ng F as Filipinas, dahil ang espirito ng F doon ay hindi 'yung F na original na Filipinas, kundi ang F doon ay simbolo ng exclusiveness ng wikang pambansa. Napakaraming wika sa Pilipinas na may F, may V, may J, na wala sa Tagalog at wala sa Cebuano. 'Yung dalawang pangkat na 'yun ang bobo eh (laughs). Kahit daw pala 'yung mga Ilokano, napilitan lang daw silang hindi mag-F dahil sa abakada. Ganon din 'yung mga Bikolano. Sila daw ang nahirapan sa pag-P dahil dati may F sila. Nasanay sila ng mga Espanyol sa paggamit ng F. Pero binago nila 'yung kanilang F words.

SCB: (Laughs)

VSA: (Laughs) P***! Dahil doon sa abakada. Ngayon lang sila nagrereklamo. Ngayon, liberating sa kanila ang paglalagay ng Filipinas. At siyempre, 'yung mga maliliit na wika na nakakalimutan, natutuwa sa espirito ng Filipinas. Ngayon ko nga lang nalaman na 'yun palang T'boli, ang daming F. Sila ang tadtad ng F. Parang Facifica Falayfay 'yung kanilang salita (laughs). And of course, mga Ibaloi, mga Ivatan, siguro may F 'yan. 'Yung mga Muslim, na nasanay sa Arab na may F at may H, sangkaterba 'yung kanilang aspirated H at F.

Dito sa Ambagan, dati ginagawa lang ng FIT (Filipinas Institute of Translation), ngayon sponsored na ng KWF. Ang plano ko pa ay gawin na naming regular activity dahil kailangan merong mga dialogues, 'yung mga expert ng bawat wika iniimbita mo at nagsa-suggest sila ng mga salita na maganda sa kanilang wika. Lalo na 'yung concept words na dapat isama sa Filipino dahil makakatulong sa pagpapayaman hindi lamang ng salita kundi pati karanasan ng Filipino.
Kapag tiningnan mo 'yung aming Ortograpiyang Pambansa, natutuwa nga ako ngayon dahil napagbuhusan ng pansin 'yung spelling ng Filipinas. Ang aking isang long-range direction ay gumawa ng Atlas Filipinas. Anong ibig sabihin nun? Hanggang ngayon, hindi natin nalalagyan ng opisyal na mga pangalan ang pangalan ng mga probinsiya, bayan, at lugar sa
Filipinas. Kailangan ma-determine kung ano ba talaga ang spelling ng mga ito.

Bihirang bayan ang ginagawang problema 'yan. Halimbawa ang Caloocan. Caloocan lang ang nalalaman ko na prinoblematize kung 'yan ba ay C o K, di ba? Eh ang dami nating mga bayan at probinsiya na mali ang spelling kasi it was spelled the Spanish way. Batangas, dapat 'yan double G. Kung kukunin natin ang old name ng Batangas, dapat 'yan Batanggan. 'Yung Mindanao, noon pa sabi ni Rizal, 'yung mga dipthong na "ao" sa dulo, dapat maging "aw." Eh ang dami nating "ao"! Mga Davao, Mindanao, Lanao (laughs). Ang dapat diyan ngayon ay tanungin 'yung local governments kung ano ba ang gusto nilang spelling ng kanilang probinsiya. Magkakaroon ng ordinances to come out with a geographical dictionary. 'Yun na ang magiging opisyal na listahan ng lahat ng lugar sa Pilipinas. 'Yun ang Atlas. Ngayon wala tayong ganon kaya kung anu-anong spelling ang ginagawa sa ating lugar.

Halimbawa, 'yung Nueva Ecija. Aba, tina-Tagalize naman. Ginagawang Nuweba, 'yung mga ganon (laughs). Samantalang talagang Spanish 'yun, hindi mo dapat galawin. Pero 'yung mga taga-lista, binabago 'yung spelling. Halimbawa, 'yung Gingoog. Di ba kung babasahin mo 'yun, Gin-goog? Hi-ngoog 'yun. 'Yung G doon is the way Gemino Abad is pronounced. O kaya 'yung salitang Balangiga. I'm sure Balang-giga kayo ng Balang-giga. Balang-ngiga 'yun (laughs)! 'Yung pagkaka-spell kasi sa mga mapa at mga documents, ganon, kaya Balang-giga ng Balang-giga 'yung mga tangang taga-Maynila (laughs).

SCB: Paano ba ang proseso na ginawa ng KWF dun sa pagdesisyon nun kasi may mga kritiko na nagsasabi na walang public hearing na ginawa?

VSA: Ang aming public hearing ay may kaugnayan sa Ortograpiyang Pambansa. Isa sa rule namin ang eight new letters of the alphabet, ang pinaka-common use niya ay gamitin sa proper names. So example namin dun 'yung paggamit ng F, Felipe at Filipinas. Pangalan ng tao at pangalan ng lugar. Ganun lang. Ipinaliwanag naman namin na hindi 'yun pinipilit. Sina-suggest lang namin na kung titingnan mo sa history, kaya lang lumaganap ang Pilipinas dahil nagkaroon ng tiyempo na ang ginagamit nating alphabet ay ang abakada na walang F. Eh ngayong may F na, bakit tayo magpapatuloy ng paggamit ng Pilipinas? At 'pag inisip mo rin, ang Pilipinas ay hindi naman ginagamit internationally. Lumabas ka ng bansa, wala namang tatawag sa'yo ng Pilipino, Filipino ka. At ang country mo Filipinas o kaya Philippines, depende kung nasaan kang lugar. Nobody would ask you, "Are you from Pilipinas?" Wala 'yun. Bakit mo pa gagamitin yun? So ang aming move, hindi naman pinatatanggal ang Pilipinas like in UP. Kung gusto niyo i-retain, i-retain nyo. Part of our history 'yun eh. Itong pangalan na ito ginamit sa panahon na walang F. Pero ngayon, ang mga magtatayo ng organisasyon na gagamit ng Filipinas, 'yun ang ine-encourage namin na gumamit ng F, Filipinas.

Bakit kakailanganin mo pa ang public survey about it? In the second place, ang dami namang gumagamit ng Filipinas. Ang pinakamalaking organisasyon ng Ilokano ang pangalan ay GUMIL Filipinas. Bakit hindi nila ihabla ang gumagamit ng Filipinas? Pumunta ka sa internet, i-search mo ang Filipinas, ang daming kumpanya na ang pangalan ay may Filipinas. Ibig sabihin hindi siya illegal. Ang pinakamalaking problema lang talaga ay 'yung Republika ng Filipinas, na kay PNoy 'yun, kung gusto na niyang baguhin agad o ipaghintay ng panahon. At hindi magastos 'yun. 'Yung seal lang naman niya ang babaguhin eh. 'Yung letterhead niya 'pag naubos na 'yung letter P, pag nagpa-imprenta siya e di F na. 'Yun ang aming suggestion.

Ang mahirap, itong mga tagalista, hindi nila naiintindihan 'yung ganun. Nagpipilit pa rin sila na mahal nila 'yung Pilipinas, attached na sa kanila. Hindi nila nalalaman na even the history of the language in the 1960s, nagkaroon ng katakot-takot na protesta laban sa "Pilipino." In fact, pati ang mga taga-UP na nagpoprotesta sa akin ngayon, kasama sila dun sa nagprotesta against Pilipino. Bakit? Kasi ang Pilipino daw Tagalog. So pinagbigyan 'yun ng 1973 Constitution. Sinabi dun na "The language of the Philippines will be Filipino." Inalis 'yung Pilipino. Kaya lang dun sa general provision sinabi, while developing Filipino, Pilipino with the letter P, and English would be the official language. 'Yun ang ginawa nilang solomonic act dun sa 1973. Tumigil ang mga nagpoprotesta. Pero pagdating ng 1987, sinabi na diretso na, "The national language of the Philippines is Filipino." Talagang nawala na 'yung Pilipino.

Eh 'yung Pilipinas ay bahagi nung memory of Pilipino. Bakit nila pinagtatanggol yun? Sila 'yung mga makabansa na dapat nilang isipin na 'yung Filipino ay kumakatawan sa bagong uri ng nationalism. Hindi na 'yung Barong Tagalog nationalism. 'Yun ang tinatawag na Barong Tagalog nationalism eh, na akala mo Barong Tagalog lang ang dapat isuot ng lahat ng tao.

SCB: Naging malaking sorpresa ba na ang UP Department of Filipino ay isa sa mga malalaking kritiko ng Filipinas?

VSA: Ah 'yung mga nagsama-sama na 'yun? Panay kaaway ko lang 'yun eh.

SCB: (Laughs)
VSA: Diyos ko. Ano ba naman sila? Pinalilitaw nila na sila 'yung UP. Eh 'yung mga junior faculty, katulad nina Joey Baquiran at si Vim (Nadera) hindi lang siyempre nagsasalita kasi ayaw nila awayin ang mga matatanda na 'yun. Magreretire na din 'yun eh.

SCB: Eh baka naman kasi sabihin nila na kasama niyo sa LIRA sina Vim...
VSA: Hindi naman. Eh andito ngayon, 'yung ibang mga matatanda, 'yan ang mga non-Tagalog. Siyempre kaagad kampi 'yan. 'Yun ngang mga Cebuano na pinaka mainit against Pilipino, pinapatawag na ako at gustong makipag dialogue sa akin. O, biro mo 'yan (laughs). Dati nag-iisnaban kami (laughs). May mga anti-Pilipino site sila at ako palagi ang binubugbog dun. Pero ngayon, hindi raw nila akalain na ako pala ang kakampi nila.

Hindi rin kasi nila ako binabasa. Ang impression kasi ay Tagalista ako. Eh noon pa sinasabi ko na dapat mag include ng ibang wika. Ang dictionary ko ganun. Ang diksyunaryo ng KWF? Wala kang ibang makikita na wika dun kundi paisa-isa. So makikita mo ang KWF is operating. Kahit 'yung panahon ng Filipino, kaya hindi nila pinapansin 'yan dahil they were operating in terms of Filipino and Tagalog. Ganun ang mga tao dun. Kaya ang hirap din, minsan kailangan sila pukpukin kasi hindi sila naniniwala sa akin. 'Yung board ko lang ngayon kasi nanggaling sila sa iba't-ibang wika. 'Yun ang aking predicament ngayon. I like it, though (laughs).

SCB: Pero may nagsasabi na sa loob ng komisyon, dahil National Artist kayo, pumayag na lang daw 'yung ibang commissioners sa gusto niyo?

VSA: Ay naku naman! Ginagawa lang nilang ganun kasi akala nila parang ako'y diktador. Kaya nga pinararaan ko 'yan sa resolutions eh. Ngayon lang kami nagmi-meeting. Hindi naman sila nagmi-meeting noon, kumukuha lang sila ng per daya.

SCB: (Laughs)
VSA: Oo. Ni hindi umaattend ng meeting 'yan. Kaya nasunod ang layaw ng komisyon nung araw na walang ginagawa. Ganun ang nangyari. But now, every month bakbakan kami sa meetings. May hinaharap kami na mga problema at gumagawa ng resolutions.

THE NEED FOR A NEW LANGUAGE MAP

SCB: Ang daming malaking plano, pero magkakasya ba lahat sa termino niyo bilang pinuno ng KWF?

VA: Kaya nga hindi na ako natutulog ngayon (laughs)! Kasi kailangan kong gawin ito at magproduce ng isang Language Map. Ang available language map ngayon is the SIL map, that's a 20-year-old language map. Pag tiningnan mo 'yun, ang daming misrepresented. Halimbawa, makikita mo dun ang Tagalog, eto Luzon, pagkaraan hindi mo na makikita, para bang walang Filipino language. So nakakalat 'yung 170+ languages sa mapa at para bang wala ng nagsasalita ng Filipino.

So kailangan ng bagong survey. Hindi lang dapat isusurvey kung ano ang first language ng isang tao. Dapat ngayon para ma-test mo talaga ang extent ng acceptance ng national language, eh tingnan mo kung ano pa ang second language nila. Dahil 'pag pumunta ka kahit sa Cordillera, ang daming mga bata dun na naglalaro, Filipino ang ginagamit nila, hindi sila gumagamit ng kanilang native language. Ganun na dahil exposed sila sa media. Mahirap nang harangin. 'Yung matatanda na lang ngayon ang nagsesementalized tungkol sa pagkawala ng kanilang mga wika.
At dahil sa migration, kailangan din mabilisan kaming gumawa ng hakbang para ang lahat ng katutubong wika ay maalagaan. Kung namamatay, at least maigawa ng dictionary, grammar book, at magkaroon ng mga recorded na nagsasalita para mai-preserve man lang 'yung wika. Ganun ang ginagawa sa buong daigdig lalo na ngayon na halos every other year may namamatay na wika.

SCB: Sapat ba ang resources ng KWF?

VSA: Wala nga.

SCB: Paano niyo ito gagawin kung walang resources?

VSA: Magbe-beg. Kailangan akong makiusap. Ang susunod kong trabaho ay budget making, mamalimos for fund. Namalimos na ako kay Senator Loren Legarda, nakakuha na ko ng P1M+ para lang sa printing ng aking Orthography (laughs). Kapalit nun ay magsasalin ako ng kanyang Climate Change leaflets to at least major languages, hindi sa lang sa Filipino.

Nagrere-tool din ako kasi ang inabutan ko sa opisina, heavily decimated. 'Yung original staff ng KWF nasa 100 plus. May mga divisions on translation, lexicography, andun 'yung mga experts ng different languages. Ngayon, ang inabutan ko 50+ na mga matatanda na magreretire na. May mga bata na hindi naman qualified, mga political appointees. Sila 'yung mga kinuha ng kung sinu-sino nilagay dun, mga language experts, pero pag tinanong mo wala naman alam sa language. Hindi naman sila puwedeng tanggalin, so ang ginagawa ko, at least once a week meron kaming isang day for a workshop about literature, language, and culture.

SCB: Hindi ba mahirap gawin 'yun, kasi dati nasa academe kayo?

VSA: Hindi naman kasi academe, gobyerno din 'yun eh. Hindi naman ako private kaya alam ko 'yung mga perils ng pangangasiwa sa government offices. Pero ang problema ko dito, para bang kailangan ko ng isang battalion ng mga tauhan (chuckles). And then kailangan ko ng millions of pesos para magpasurvey ng language mapping. Magpapaikot ka ng mga tao sa buong Pilipinas eh, pupunta sa bundok 'yun, tatanungin, "Uy ano ba ang wika niyo dito?"

Ang census kasi natin kasama dun 'yung language, pero lagi lang tinatanong ano ang ginagamit sa bahay? So hindi nakareflect 'yung tungkol sa Filipino, at mga second languages na makikita mo sa melting pots. Diyan nga nahihirapan ang K to 12 eh kasi 'yung mother tongue. Okay lang sa mga barrio kasi isang uri lang ng wika ang salita, pero pagdating mo sa mga cities, grabe. 'Yung teacher papasok sa klase, sasabihin niya ano ba ang mother tongue niyo? Biglang sasabihin mga limang mother tongues 'yan, paano ka ngayon magtuturo. Ganun 'yung problema eh.

BECOMING MORE RELEVANT

SCB: Ano ang magiging papel ng KWF dun sa K to 12?

VSA: Malaki ang tulong namin. Una, magiging active kami sa pagsala ng mga textbooks. Magkakaroon ng standardization sa spelling para ma-kontrol na namin at hindi na malito ang mga bata sa kung ano ang dapat na spelling. Meron na kaming usapan ng IMC ng instructional materials ng DepEd para lahat ng textbooks dadaan muna sa amin bago aprubahan.

Ikalawa, sa pagproduce mismo ng bagong learning materials. Gusto namin tumulong talaga sa kanila ng boluntaryo. Meron kasi kaming language centers, regional centers na hindi lang magtuturo ng Filipino kundi magiging cultural center of research sila doon sa kanilang lugar.

Halimbawa, sa Ilocos, kailangan ng learning materials para sa pagtuturo ng Ilocano sakindergarten so tutulong ang Sentro Ng Wika doon para maghanap ng mahusay na writers, mangolekta ng mga alamat, ng mga kailangan para magamit doon sa pagtuturo.

SCB: 'Yung sa mother tongue, diba nagkakaproblema ang DepEd, may rekomendasyon ba ang KWF na gamitin ang isang language lang sa lahat?
VSA: Hindi naman. Ideally, napakainam sa lahat na isa na lang na language ang gamitin pero pag tiningnan mo ang realities sa Pilipinas, imposible talaga 'yun. Pag pinilit mo 'yun, papatayin mo ang katakot takot na languages na hindi maganda. Ako naniniwala talaga na lahat ng wika ay dapat na ipagmalaki ng gumagamit. Ibig sabihin nun dapat sila magkaroon ng pagkakataon to use it at ipagmalaki. And it can only be done through a system in education na may puwang 'yung mother tongues. Itinuturo ang mother tongue na puro sa Kinder lang. Pagdating ng Grade 1, meron na silang subject na English at Filipino, ang mga bridge languages, tapos tuloy tuloy lang ang mother tongue hanggang Grade 3. After Grade 3, pupunta na dun sa national language at international language.

SCB: Dahil sa mga kontrobersiya, mas maraming nakuhang atensiyon ang KWF. Paano niyo pananatilihing nakatingin ang tao sa KWF?

VSA: Hindi ko alam. Ayoko naman maging controversial. Unang-una, ayoko na ako ang nasa TV kasi ang mukha ko, nagagasgas. Nagiging popular ka at tinitingnan ka na ng mga tao. Ayoko ng ganun. Nawawalan na ako ng tiyansa uminom (laughs). Minsan nanood ako ng "Pacific Rim" which I liked very much. Nakapila ako may bigla na lang, "Sir!" Bakit ako kilala nito? "Eskuwela ba kita?" "Hindi." "Minsan nakita kita sa TV." (Laughs) 'Yung mga ganun. Parang pangit sa akin 'yun.

SCB: Pero paano naman nakatulong sa KWF 'yung atensiyon na 'yun?

VSA: Well, natutuwa 'yung board ngayon kasi nakikita nila, ngayon lahat ng gagawin nila binabantayan. Sabi ko, ngayon hindi na kayo puwede magbulakbol. In fact, hindi sila mahilig pumapel. Sila ang inuutusan ko sa mga forums, 'yung iba mahiyain eh baka masabunutan ko lang (chuckles). So ako rin 'yung nauubos ang panahon.

May isang grupo sa UP, nagsumbong kay Presidente. Sabi ko, ngayon lang ako nakakita ng grupo sa UP na nagsusumbong sa Presidente (laughs). Diba? Ano ba ito? PInadala ko naman lahat sa Presidente 'yung binibigay kong information sa media. Bahala ka na kako. Kung gusto mo magreresign ako.

SCB: May reply na ba from the office of the President?

VSA: Wala. Parang nagparinig sa akin etong komisyon sa history na meron silang gagawin. Gusto ko magbigay ng side ko kasi mga taga UP din ang mga andun eh. Balak ko silang harapin. Sabi ko, "Sige tingnan natin kung sino ang may tamang pagtanaw sa history."

Editor’s note:Yahoo Philippines encourages responsible comments that add dimension to the discussion. No bashing or hate speech, please. You can express your opinion without slamming others or making derogatory remarks.

  • Ayungin dilemma Ramon Casiple - Parallaxis
    Ayungin dilemma

    China faces a dilemma in Ayungin Shoal and other contested areas. If it waits for the ITLOS—which may decide against it—it would have tacitly bound itself to UNCLOS and risk a rogue state reputation if it asserts its claim in the South China Sea. If its militarily acts now, it may face international isolation. …

  • 48 nabbed in biggest anti-trafficking catch in Bongao VERA Files - The Inbox
    48 nabbed in biggest anti-trafficking catch in Bongao

    By Jake Soriano, VERA Files Bongao, Tawi-tawi—A team of Marines and policemen intercepted around noon Thursday 48 people, 12 of them minors, believed recruited by a human trafficking syndicate for work in Malaysia. The arrest constitutes what advocates called the … Continue reading → …

  • Docs vow to pay right taxes, make peace with BIR VERA Files - The Inbox
    Docs vow to pay right taxes, make peace with BIR

    By Kiersnerr Gerwin Tacadena, VERA Files Leaders of the medical profession have made peace with their former adversary, the Bureau of Internal Revenue (BIR), and joined forces in a campaign to get doctors to pay the right taxes. BIR Commissioner … Continue reading → …

POLL
Loading...
Poll Choice Options