Fertility Supplements: Top 5 na Vitamins para makabuo at mabuntis agad

·14 min read

Dahil sa kinakaharap nating pagbabago ngayon, dumami ang mga kumpanya na pumayag sa work from home na set-up. Mas marami na tayong oras na mamalagi sa bahay.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang Fertility

  • Senyales na may problema ka sa iyong Fertility

  • Dahilan ng Infertility ng isang tao

  • Mga paraan na dapat gawin kung nais nagkaanak

  • Vitamins para mabuntis na maaaring makatulong sa mga nais magkaanak

Para sa mag-asawa o bagong kasal, nagkakaroon sila ng mas maraming time para sa isa’t isa. Kaya naman mas mabilis na mag-conceive o makabuo ng anak ang karamihan sa kanila.

Subalit, may mga magbkapareha ang hanggang ngayon hindi pa nabibiyayaan ng pagkakataong magkaroon ng anak. Kung isa ka sa kanila, basahin mo ang artikulong ito at alamin mo ang mga dapat gawin, mga vitamins para mabuntis, at iba pa tungkol sa fertility.

Ano ang Fertility?

Ang fertility ay tumutukoy sa likas na kakayahan ng isang tao na magkaroon ng anak. Subalit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakatagon na mabigyan kaagad ng anak. Mga mga tao na ilang taon ng kasal at nagsasama subalit hindi pa nabibiyayaan ng anak. Ayon sa ulat, nasa halos 11% ng mga tao sa buong mundo ang nagkakaroon ng problema pagdating sa pagbuo ng anak. Ito ay tinatawag na infertility.

Hindi lamang mga babae ang kadalasang nakakaranas nito, maging mga lalaki rin. Kaya naman may mga vitamins para mabuntis ang karaniwang nirereseta ng mga obstetrician sa kanilang mga pasyente na kumakaharap sa ganitong suliranin.

vitamins para mabuntis
vitamins para mabuntis

Larawan mula sa iStock

Senyales na may problema ka sa iyong Fertility

  1. Matagal nang kasal o nagsasama subalit hindi pa rin nabibiyayaan ng anak

    Ito ang pinakakaraniwan na dahilan kaya natutukoy kaagad kung may problema ang magkapareha sa kanilang fertility. Sa kabila ng unprotected sex at hindi paggamit ng contraceptives, hindi pa rin makabuo ng anak sa loob ng isa o matagal na panahon ng pagsasama.

  2. Iregular ang pagkakaroon ng regla

    Kung palaging matagal kung bago ka datnan ng inyong menstruation, ito ay isa rin sa karaniwan na dahilan ng infertility. Kaakibat din nito ang pangkaraniwang sobrang lakas o sobrang hina ng paglabas ng dugo.

  3. Pagsakit ng balakang kapag nakikipagtalik

    Kapag palaging sumasakit ang iyong balakang kapag nakikipagtalik ka sa iyong kapareha, isa rin ito sa dahilan ng infertility. Sumangguni sa iyong OB kung madalas ito nararanasan. Maaari rin may iba pang kaakibat na problema sa iyong kalusugan ang dala nito.

  4. Madalas na miscarriage o makunan habang nagbubuntis

    Sa babae, ang madalas na pagkabugok ng itlog sa sinapupunan at madalas na hindi mabuo ng tuluyan ang bata sa loob ng tiyan ay isa sa epekto ng infertility. Kung nasa mahigit dalawa na ang iyong miscarriage, mas mabuting humingi ng payo sa iyong OB upang malaman ang dap[at gawin at vitamins para mabuntis.

  5. Pagbaba ng libido at erectile dysfunction habang nakikipagtalik ang isang lalaki

    Kapag palaging walang gana sa pakikipagtalik at madalas may erectile dysfunction, baka signs ng infertility na ‘yan. Makakabuting magpasperm count upang makasigurado.

Dahilan ng Infertility ng isang tao

vitamins para mabuntis
vitamins para mabuntis

Larawan mula sa Woman photo created by wayhomestudio – www.freepik.com

May mga ilang dahilan na nakakaapekto sa isang indibidwal kung bakit nagkakaroon siya ng infertility sa kaniyang katawan. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan.

Edad

Kapag ang isa sa magkapareha ay nasa mahigit 35 taong gulang, ang tiyansa na magkaroon ng infertility ay tumataas. Dahil sa edad, mas makakabuting magpaalaga sa inyong Ob-gyne upang malamang ang tamang gawin upang makabuo agad ng anak.

Sakit na nakakaapekto sa fertility

May ilang mga sakit ang nakakaapekto sa fertility ng isang tao. Kabilang na dito ang mga sumusunod:

  • Diabetes

  • Cancer

  • Hypothyroidism

  • Periodontal disease

  • Untreated celiac disease

Ang karaniwan sa treatment na ginagamit sa mga sakit na ito ay nakakaapekto sa fertility ng isang tao. Maaaring tapusin muna ang gamutan sa mga sakit na ito, bago magdesisyon na ituloy ang pagbuo ng anak o pagbubuntis. May tiyansa na magkaroon ng problema ang dinadalang sanggol kung kasalukuyang nagpapagamot.

Hormonal Imbalance at iba pang sakit sa reproductive organ

Ang pagkakaroon ng hormonal imbalance ng kapareha na lalaki o babae ang isa sa pinakaraniwang dahilan ng infertility. Ang mababang testosterone ang kalimitan na dahilan sa mga lalaki.

Samantalang ang pagkakaroon ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ang kadalasang dahilan ng infertility sa babae. Humingi ng reseta sa inyong gynecologist ng vitamins para mabuntis kung nagnanais na magkaanak sa madaling panahon. Ang mga lalaki naman ay maaring magpareseta sa kanilang urologist.

Obesity o sobrang katabaan

vitamins para mabuntis
vitamins para mabuntis

Larawan mula sa iStock

Ang sobrang taba sa katawan ang isa sa problema kung bakit hindi kaagad nagkakaanak ang isang tao. Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto na mas lalong dumami ang taong obese o sobrang taba lalo na ngayong may pandemya.

Dahil sa patuloy na lockdown at kawalan ng outdoor activities na nagreresulta ng pagbagal ng metabolism sa katawan. Isa rin ito sa tinuturong dahilan sa pagbaba ng sperm count ng kalalakihan at problema sa ovulation ng mga kababaihan.

BASAHIN:

Unhealthy lifestyle

Sa unhealthy lifestyle, dito pumapasok ang stress na pangunahing sanhi ng infertility sa isang tao. Bukod pa rito, ang kawalan ng sapat na pahinga o tulog ay malaki ang epekto sa fertility.

Isa pa sa dahilan na kaakibat ng unhealthy lifestyle ng isang tao ang pagkain ng hindi masustansya. Ang pagkonsumo ng pagkaing maaalat, sobrang mamantika, sobrang matatamis ay dapat na iwasan kung ikaw ay may sintomas ng infertility.

Excessive smoking o paninigarilyo

Alam naman nating lahat na maraming masamang epekto ang paninigarilyo hindi lamang sa 1st hand smoker, maging sa mga nakakalanghap nito. ang sobrang exposure sa chemical na dala ng palagiang paninigarilyo ang isa sa dahilan ng infertility.

Pag-inom ng maintenance medicine o iba pang medication

May mga gamot ang lubhang nakakapekto sa fertility ng isang tao. Para malaman kung ang iyong gamot ay nakakapekto sa pagbuo ng anak, sumangguni sa inyong espesyalista.

Mga paraan na dapat gawin kung nais magkaanak

May mga ilang mga paraan upang maging fertile ang isang tao. Karamihan sa mga tips na ito ay may kinalaman sa pagbabago ng lifestyle. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Pagkain ng masustasya

Kapag sinabing masustansya, kailangan siguraduhing sariwa ang mga pagkain na kakainin. Mas mainam na bumili sa mga fresh market o malalaking palengke.

Bumili ng mga pagkaing naglalaman ng antioxidant tulad ng bawang, sibuyas, talong, spinach, kalabasa, carrots, repolyo, cauliflower, broccoli, mangga, kiwi, orange, karne, lamang-dagat, at iba pa.

Ang antioxidant ang lumalaban sa free radicals cells na dahilan ng pagkasira o pagkakaroon ng sakit. Kumain rin ng mga pagkaing mayaman sa folic acid tulad ng green leafy vegetables, peas, beans, nuts, at iba pa.

Ang folic acid ang isa sa mga binibigay na vitamins para mabuntis.

vitamins para mabuntis
vitamins para mabuntis

Vitamins para mabuntis. | Larawan mula sa iStock

  1. Pag-iwas sa pagkonsumo ng mga pagkaing may transfat

Ang trans fat ang isa sa dahilan kaya nagkakaroon ng obesity ng magkapareha at ovulation problem ang isang babae. Malaki ang maitutulong kung iiwas sa pagkain na may trans fat tulad ng margarine, fried foods (fast food), processed foods, at baked goodies. Pumili ng healthy snacks tulad ng salad at fresh na prutas kung nagkakaroon ng cravings.

  1. Bawasan ang pagkain ng carbohydrates

Kung ikaw ay may PCOS, makakabuting iwasan ang pagkain ng carbohydrates tulad ng rice, breads, cakes, pasta, at iba pa. Ang mataas na carbohydrates sa katawan ang dahilan kaya tumataas ang sugar sa katawan na isa sa dahilan kung bakit hindi agad magkaanak.

  1. Kontrolin ang paninigarilyo

Katulad ng nabanggit sa itaas, ang malimit na paninigarilyo ay malaking factor ng infertility sa isang tao. Sa dami ng chemical na nasa loob ng sigarilyo, hindi malayong malaki ang maging epekto nito sa kalusugan.

Kung maaari, kontrolin ito hanggang kakayanin. Iwasan kung kinakailangan. Kung hindi mapigilan, sumangguni sa espesyalista kung anung pwedeng alternative na gawin para makaiwasan dito. ugal

  1. Ugaliin ang pag-eehersisyo

Kung nananamlay at sobrang taba, kailangan maglaan ng atleast 30 minutes para sa ehersisyo. Hindi mo kinakailangan na lumabas ng bahay, may mga ehersisyo na pwedeng gawin sa loob lamang ng iyong bahay.

May mga video sa youtube na madali lamang sundan at hindi nangangailangan ng espesyal na kagamitan. Kung ito ay madalas gagawin. Malaki ang chance na bumuti ang iyong kalusugan.

  1. Sapat na tulog o pahinga kung kinakailangan

Malaking bagay ang magagawa kapag ang isang tao ay mayroong sapat na tulog o pahinga sa isang araw. Hindi lamang nagiging productive ang araw, nagiging mas malusog ang katawan at isipan.

Bukod pa rito, malaki rin ang role nito sa pagkakaroon ng maayos na function ng reproductive system sa isang tao.

  1. Pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng stress

Ang stress ang isa sa pinakamalaki ang epekto sa kalusugan ng isang tao. Kapag ang isang tao ay palaging stress, malaki ang tsansa na hindi maaayos ang function ng katawan at isip.

Nagbubunga ito ng paghina ng immune system at iba pang sakit ng katawan at pag-iisip. Umiwas sa mga bagay na nagdudulot ng malaking stress.

Kung hindi maiiwasan, humanap ng pagkakalibangan na maganda ang dulot sa iyong katawan at isip. Maaaring ito ay pagkawili sa sports, hobbies na nakaka-relax, at mga aktibidad na nakakapagpapasaya sa iyo.

  1. Pagtigil sa bisyo

Malaki ang epekto sa pangkabuoan ang pagkakalulong sa bisyo. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng infertility.

Gayundin ang sobrang pag-inom ng alak. Hangga’t maaari, itigil ang anumang bisyo na nakakaapekto sa katawan at isip. Ibaling ang atensyon sa mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng sarili.

  1. Pag-inom ng fertility supplement o vitamins para mabuntis

Vitamins para mabuntis. | Larawan mula sa iStock

Kung lahat ng mga nabanggit ay nasubukan na at sinusunod, pinakamainam pa rin na gawin ang pagkonsulta sa obgyne (para sa babae) at urologist (para sa lalaki).

May mga laboratory test silang gagawin upang malaman ang kudisyon ng iyong katawan. Sila ang magpapayo ng mga dapat gawin at food supplement na maaring inumin upang maging fertile.

5 vitamins para mabuntis na maaaring makatulong sa mga nais magkaanak

May mga over the counter na fertility supplements ang mabibili sa mga botika o sa license na tindahan. Bago uminom ng anumang supplement, kinakailangan muna humingi ng payo sa inyong doktor.

Bakit mo ito magugustuhan?

Ang Belta Folic Acid ay number 1 na fertility supplement sa bansang Japan. Hindi lamang folic acid ang mga sangkap na bumubuo dito kaya naman tinatangkilik ito ng mga couple na gusto magkaanak. Mayroon itong 120 na capsules para sa babae at 60 capsules para sa lalaki.

Ilang sa benepisyo ng pag-inom ng Belta Folic Acid ay ang mga sumusunod:

  • Sapat na nutrisyon para maging malusog ang isang babae

  • Healthy balance ng hormones sa katawan

  • Regular na cycle ng regla para sa babae na kapareha

  • Sinisiguro ang maayos na produksyon ng red blood cells sa katawan

  • Mataas na sperm count para sa lalaki na kapareha

  • Kung magbubuntis, inaayos nito ang development ng brain ng baby, pandinig, at nakakataas ng IQ

Ingredients:

Hindi lamang folic acid ang nilalaman ng produktyong ito, mayroon din itong Vitamins, Minerals, at Amino Acids na kinakailangan ng ating katawan.

Ang pangunahing sangkap nito na Folic Acid ay may 400mcg sa bawat tableta nito. ito rin ay may 13 vitamins (Vitamin C, Niacin, Folic Acid, Vitamin E, Pantothenic Acid, Vitamin B, Vitamin B1, Vitamin B6, Vitamin D, Vitamin B12, Inositol, Beta Carotene, Biotin).

Naglalaman rin ito ng 14 minerals (Calcium, Potassium, Magnesium, Phosphorus, Copper, Zinc, Manganese, Selenium, Molybdenum, Iodine, Iron, Sodium, Chromium, Fluorine).

At mayroon din itong 20 klase ng amino acids (Lysine, Histidine, Phenylalanine, Leucine, Isoleucine, Methionine, Valine, Threonine, Tryptophan, Arginine, Tyrosine, Alanine, Glycine, Proline, Glutamic Acid, Serine, Aspartic Acid, Cystine, Hydroxyproline, Hydroxylysine. Ito rin ay naglalaman ng DHA at EPA.

Tamang pag-inom:

Sa babae- Uminom ng 4 na capsules sa loob ng isang araw. Inumin ito 30 minutes pagkatapos kumain sa umaga, tanghali, at gabi. At uminom bago matulog sa gabi.

Sa lalaki- Uminom ng 2 capsules sa bawat araw. Isa sa umaga at isa sa gabi.

Bakit mo ito magugustuhan?

Ang FERN-ACTIV ay gawa sa iba’t ibang Vitamins at Minerals na kinakailangan ng isang malusog na katawan. Kapag may malusog na katawan, tumataas ang porsyento ng pagkakaroon ng malusog din na anak. Ang produktong ito ay naglalaman ng Vitamin B, Vitamin C, Zinc, Vitamin D, Calcium at iba pa.

Ang Vitamin B ay kinakailangan ng katawan upang maayos na mag-function ang katawan at reproductive system. Madalas itong makukuha sa mga pagkain ng green leafy vegetables, nuts, at dairy products.

Ingredients:

Mayroon itong Sodium Ascorbate (source ng Vitamin C), Calcium Carbonate, Zinc Sulfate, Vitamin B -Pyridoxine HCl, Thiamin Mononitrate, Riboflavin, Cyanocobalamin, Cholecalciferol. Mayroon rin itong Maltodextrin, at Magnesium Stearate.

Tamang pag-inom:

Uminom ng isang capsule sa loob ng isang araw.

Bakit mo ito magugustuhan?

Ang Fairhaven Health FertilAid, MotilityBoost and CountBoost for Him, Fertility Supplement ay kumpletong supplement para sa kaparehang lalaki na may infertility.

Ang FertilAid for Him ay may 90 capsules, samantalang ang MotilityBoost for Him ay may 60 capsules, at ang Countboost naman ay may 60 capsules.

Ito ay binibigay sa lalaking may mababang sperm count o may mababang libido kaya hindi kaagad nakakabuo ng anak. Ang pag-inom ng mga fertility supplement na mga ito ay nagpapalakas ng sperm, t nagpapalusog ng reproductive system ng isang lalaki.

Ingredients:

Ang tatlong supplement na ito ay may limang pangunanhing sangkap na mamaktulong sa pagtaas ng sperm count tulad ng L-Carnitine, Vitamin E, Vitamin C, CoEnzyme Q10, at Zinc.

Ito rin ay may B-12, folate, vitamin D, vitamin K, riboflavin, at magnesium. Mayroon din itong iba pang Vitamins at Minerals na nakakatulong sa pagiging malusog ng reproductive organ ng kalalakihan.

Tamang pag-inom:

Fertilaid- 3 capsules sa isang araw

MolilityBoost- 2 capsules sa isang araw

CountBoost- 2 capsules sa isang araw

Bakit mo ito magugustuhan?

Ito ay isang bundle na ng fertility supplement para sa magkapareha sa loob ng isang buwan.

Ang FertilAid ay naglalayon na tulungan ang mga magkapareha na magkaroon ng pag-asa na magkaroon ng anak sa oamamagitan ng pag-inom ng fertility supplement.

Ang FertilAid ay dinevelop ni Dr. Amos Grunebaum, na isang OBgyne, para matulungan ang mag-asawa na magkaanak sa ligtas at natural na paraan gamit ang siyensya. Mayroon itong antioxidants, vitamins, at minerals na tamang tama lamang upang matulungan ang fertility ng isang tao.

Ingredients:

Ang pangunahing mga sangkap sa FertilAid for women ay folic acid (methylfolate), antioxidants, at mga essential vitamins at minerals na makakatulong sa ma-regulate ang hormones sa katawan at maging maayos ang reproductive health.

Samantalang ang FertilAid for Men naman ay may pangunahing sangkap na the amino acid l-carnitine, zinc, selenium, at iba pang vitamins at minerals na makakapagpataas ng sperm count.

Tamang pag-inom:

Para sa babae- 3 capsules sa bawat araw

Para sa lalaki- 3 capsules sa bawat araw

Bakit mo ito magugustuhan?

Ang Menevit Capsules ay sadyang ginawa para sa fertility ng kalalakihan. Hindi lamang ang kababaihan ang nawawalan ng pag-asa kapag hindi magkaanak ang isang mag-asawa sa mahabang panahon.

Ang mga asawang lalaki ay bumababa ang kumpyansa sa sarili. Ang Menevit ang nagbibigay ng pag-asa para magkaanak at pinapalakas nito ang sperms ng mga lalaki.

Ingredients:

Ang bawat capsule nito ay naglalaman ng Ascorbic Acid (vitamin C), Calcium Ascorbate Dehydrate, Zinc (nagpapalakas ng immune system), Vitamin E, Folic Acid, Lycopene, Selenium, at iba na makakatulong sa pagtaas ng sperm count at maayos na kundisyon ng reproductive organ.

Tamang pag-inom:

Uminom lamang ng isang capsule sa loob ng isang araw pagkatapos kumain.

Babala:

Ang mga produktong na nagtataglay ng selenium na makakasama sa katawan kapag sobrang ang nainom. May 100 µg lamang sa matanda ang inaaallow na selenium sa katawan. Kung may maintenance medicine o nagpapachemo therapy, nakakabuting magpakonsulta sa inyong doktor bago bumili at uminom ng mga fertility supplement na nabanggit. Lahat ng ating ipapasok sa katawan ay dapat ipaalam natin sa mga eksperto o doktor para malaman kung ito ay nakakabuti sa iyong katawan.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

The post Fertility Supplements: Top 5 na Vitamins para makabuo at mabuntis agad appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting