Jean Garcia kay Alwyn Uytingco: “’Di ka marunong rumespeto sa mother in law mo!”

·5 min read

Nagsimula ng maglabas ng hinaing ang aktres na si Jean Garcia sa hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Jean, sinabihan si Alwyn na hindi marunong rumespeto.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jennica Garcia nagsalita na sa naging hiwalayan nila ng asawang si Alwyn Uytingco

  • Jean Garcia may pakiusap sa manugang na si Alwyn Uytingco

Jean Garcia nag-react na sa hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia
hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia/ Image from Jennica Garcia’s Facebook page

Hindi na napigilan ng aktres na si Jean Garcia na hindi mag-react sa mga post ni Alwyn Uytingco tungkol sa muling panunuyo nito sa asawa niyang si Jennica at mga anak nila.

Matatandaan nitong Mayo ay kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ng asawa bagamat hindi nito idinetalye kung ano ang naging dahilan.

Mapapansin ang madalas na pagbabahagi ni Alwyn sa kaniyang Instagram kung gaano niya na nami-miss ang kaniyang mag-iina.

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco

Subalit maraming patutsada ang kaniyang mother-in-law na si Jean Garcia sa comment section ni Alwyn. Ilan sa comment ni Jean ay ang mga sumusunod:

Screen capture mula sa Instagram ni Alwyn

“Wow! Galing mo after everything?!!! Wow ulit!!!”

Sa isa pang comment ni Jean sa isang post ni Alwyn, sinabi niyang, Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo…respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

Screen capture mula sa Instagram ni Alwyn

Jean Garcia sinabihang walang respeto si Alwyn

hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia
hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Image from Jennica Garcia’s Facebook page

Sa iba pa nitong post ay sinabihan ng aktres si Alwyn dahil hindi ito nakikipag-usap sa kaniya.

“Sana sinagot mo message ko sa ‘yo… respeto kase ‘yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?”

“Di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sa ‘yo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo… ‘yun lang naman… just saying!”

“Wow ngayon naiisip mo mga anak mo? Tama naman ‘yan pero ‘yung heartaches ni Jennica sa ‘yo? Ok ba? Tanong lang Alwyn?”

Ito ang mga mataray na reaksyon ni Jean Garcia sa mga Instagram post ni Alwyn Uytingco.

hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia
hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Si Alwyn nanatiling tahimik at hindi sumagot sa mga komento ng mother-in-law niyang si Jean Garcia.

Kaugnay parin nito, ang latest post ni Jean Garcia sa Instagram ay iniisip ng mga netizens na patama parin sa son-in-law niyang si Alwyn Uytingco. Ayon sa post ng aktres, ang tunay na lalaki umano ay marunong magmahal, rumespeto at maging faithful sa isang babae.

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

BASAHIN:

Jennica Garcia nagsalita na sa hiwalayan nila ng mister na si Alwyn

Samantala, sa isang panayam kay Jennica Garcia tungkol sa bago niyang programa sa GMA na Las Hermanas ay nagsalita na ang aktres tungkol sa mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.

Kuwento ng aktres, Marso nang magsimula ang problema sa pagitan nilang mag-asawa. Sinundan ito ng pagkamatay ng lola niya sa sakit na COVID-19.

Kung saan siya at mga anak niya ay nag-positive din. Dinagdagan pa ito ng pagkawala ng isang malapit na kaibigan at sa tuluyang paghihiwalay nilang mag-asawa.

Kuwento ni Jennica,

“It started ng March the failing of my marriage and then that same month my lola passed away because of COVID. I was praying to the Lord kasi masyadong magkasunod ‘yong malaking event.”

Pero sa ngayon, ayon parin kay Jennica ay unti-unti na siyang nagmomove-on at ito ay sa tulong ng pag-arte na naging therapy niya mula sa mga nangyari.

“Acting is really very therapeutic. Masaya lang talaga ako. Sobrang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon because the show came at the right time in my life.”

Jennica inaming nakikipagkita siya sa isang psychologist

hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia
hiwalayan ni Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Image from Jennica Garcia’s Facebook page

Hindi niya rin itinatanggi na mahirap ang naging pagbabago sa buhay niya lalo na sa pagiging solo parent sa dalawa nilang anak ni Alwyn na sina Allesi at Mori.

“Now that I am a single mom I am also thinking of a lot of things that I wasn’t thinking about before. Iba kasi kapag may katuwang ka sa buhay, meron kang partner in life tapos biglang sosolo parent ka na.”

Pero ang lahat ng ito ay nagagawa at nalalampasan ni Jennica sa tulong ng pananampalataya niya sa Diyos. Inamin niya rin na sa ngayon ay nakikipagkita siya sa isang psychologist na noong una ay nahihiya siyang gawin.

“I find great comfort in knowing that everything in this world is ever-changing but God’s love never changes.

So, I just take comfort in that and I seek help also from professionals. I make sure that I meet my doctor weekly, my psychologist. Noong una nahihiya ako.”

Ngunit higit sa lahat, sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan napatunayan niya umano na hindi siya iiwan ng kaniyang pamilya. Partikular na syempre ang kaniyang ina na si Jean Garcia.

“Because it’s the goin get rough its really your family who will be there for you.”

Ito ang mga nasabi ni Jennica tungkol sa mga napagdaan niya at sa hiwalayan nila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Source:

GMA News

The post Jean Garcia kay Alwyn Uytingco: “’Di ka marunong rumespeto sa mother in law mo!” appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting