Jennica Garcia on trip with Alwyn and kids: “Hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila”

·5 min read

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting set-up, napagkasunduan umanong gawin ng mag-asawa para sa mga anak nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting set-up

  • Mensahe ni Jennica sa mga nagbibigay ng komento tungkol sa relasyon nila ni Alwyn Uytingco

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco relationship

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting

Image from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Sa kaniyang pinaka-bagong Instagram post ay ibinahagi ni Jennica Garcia ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ng mister na si Alwyn Uytingco.

Matatandaang nitong Pebrero ay nagsimula ang alingasngas na may gusot sa relasyon ng mag-asawa. Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account.

Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.

Hanggang sa ibinenta na online ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa at lumipat sila sa bagong bahay ng kaniyang mga anak. Subalit nanatiling tahimik ang aktres sa estado ng relasyon nilang mag-asawa.

Kinumpirma niya na hiwalay na sila ni Alwyn nitong Mayo na ginawa niya sa isang virtual interview. Ito rin umano ang dahilan kung bakit siya bumalik sa pag-aartista para matustusan ang pangangailangan ng mga anak niya.

“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made. That’s the most that I can say now. It’s the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan ko bumalik sa pag-a-artista.”

Ito ang pahayag noon ni Jennica.

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting set-up

Ngayon, makalipas ang halos dalawang buwan ay nagbigay muli ng pahayag si Jennica tungkol sa estado ng relasyon nila ni Alwyn. Ito ay pagsagot na rin sa mga bali-balitang nagkabalikan na umano sila. Dahil sa mga nakakita sa kanilang magkasama sa isang trip sa Tanay, Rizal.

Ang pahayag niyang ito ay inaaddress ni Jennica sa mga taong nagmamarunong sa relasyon nilang mag-asawa. Paglilinaw ni Jennica sa naturang post, hindi pa sila nagbabalikan ng asawa. Pero sa ngayon, maayos ang kanilang relasyon at nagkasundo sa co-parenting set-up para sa mga anak nila.

“Why did it come as a surprise that my children’s father and I are together in a particular place with our children?

Does that mean just because we are together then we are romantically linked? Hindi ba pwedeng we are thriving to co-parent healthily for our children?”

Ito ang nasabi ni Jennica sa kaniyang Instagram account.

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

Dagdag niya pa, ito ay ginagawa nila hindi para sa mga sarili nila. Kung hindi para sa mga anak nila na apektado sa paghihiwalay nilang mag-asawa.

“Dapat ba pag hiwalay sa asawa not in good terms? Hindi kami boyfriend and girlfriend na dahil hiwalay, cut all ties. We have children to think of hindi pwedeng sariling kapakanan lang iniisip.”

BASAHIN:

Jennica: “Hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila”

Ayon pa kay Jennica, hindi lang ang trip sa Tanay ang unang beses na magkasama sila ni Alwyn at ng kanilang mga anak. Sa katunayan, noong birthday ng anak niyang si Mori nitong July 15 ay nandoon si Alwyn.

At noong birthday naman ng bunso niyang si Alessi noong June 24, ito pa nga umano ang naghatid sa mga anak niya sa bahay ng kaniyang Papa Jigo para doon i-celebrate ang birthday ng anak. Dahil siya noon ay nasa lock-in taping at hindi makasama ang mga anak.

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting

Image from Jennica Garcia’s Instagram account

Ang set-up na ito ay napagkasunduan umano nila ni Alwyn at ni-request niya dito na kung puwede sana ay huwag masyadong mag-post sa social media para hindi na sila pag-usapan pa.

Ito ay paraan nila upang maging less painful ang paghihiwalay nila sa mga anak. Kaya naman sabi pa ni Jennica, hindi na dapat magulat ang mga tao kung makikita silang magkasama ni Alwyn sa isang gathering o lugar. Dahil hindi niya umano ipagdadamot sa mga anak na makasama ang tatay nila.

“I hope people won’t look at it as a surprise that Alwyn and I are together in one place with our children especially when it wasn’t an intimate gathering with just the four of us there since we are exerting all efforts to make the situation less painful for my children than it already is.”

“Alwyn joining our trip to Tanay is not the first and definitely not the last since his presence is welcome in my children’s life forever. Magkapamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila.”

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco co-parenting

Image from ABS-CBN News

Jennica nasa status of healing pa matapos ang lahat ng nangyari sa kanilang mag-asawa

Pag-amin ni Jennica, ay totoong sinusubukan ni Alwyn na ayusin ang pamilya nila. Pero sa ngayon ay kailangan niya pa ng oras para mag-heal matapos ang lahat ng nangyari.

“While Alwyn is doing his best to restore our family. I need time to heal. I need to keep my relationship to God first and foremost a top priority.”

Ito ang pahayag pa ni Jennica Garcia tungkol sa relasyon nila ngayon ng asawang si Alwyn Uytingco.

Source:

GMA News

Photo:

Image from Alwyn Uytingco’s Instagram account

The post Jennica Garcia on trip with Alwyn and kids: “Hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila” appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting