LOOK: Ara Mina, mukhang prinsesa sa kaniyang wedding gown

·4 min read

Wedding gown ni Ara Mina pang-prinsesa ang ganda!

Sa artikulong ito ay mababasa ang sumusunod:

  • Detalye ng kasal ni Ara Mina at Dave Almarinez.

  • Love story nina Ara Mina at Dave Almarinez

Ara Mina and Dave Almarinez wedding

wedding gown ni Ara Mina
wedding gown ni Ara Mina

Image from Nice Print Photo

Ikinasal na ang aktres na si Ara Mina sa kaniyang boyfriend na si Dave Almarinez nitong June 30, 2021 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.

Ito ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa. Si Almarinez ay ang undersecretary ng Philippine International Trading Corporation o PITC.

Sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print Photo, ang official photographer ng kanilang kasal ay makikita kung gaano kaganda ang aktres.

Ang wedding gown ni Ara Mina na pang-prinsensa sa ganda ay iniregalo ng kaniyang mga nakababatang kapatid na sina Heidi Gatmaytan at Cristine Reyes. Ito ay idinesenyo ng world class Filipino designer na si Leo Almodal.

Ayon sa isang panayam kay Almodal ng ABS-CBN News, ang gown ng aktres ay Baroque Rococo-inspired na dinetalyehan ng mga Swarovski crystals.

Ito umano ay isa sa kaniyang mga masterpieces. Masaya nga daw siyang ito ang isinuot ni Ara Mina bilang katuparan sa pangarap niyang kasal

“Hazel (Ara Mina) is a great person! Down-to-earth, kind and very professional. It was her idea and her dream.

My job is to bring her vision to life, like a fairy Godfather listening to a princess who is becoming a queen in her own right. It is a pleasure and privilege to work with her!”

Ito ang pahayag ni Almodal sa naging pakikipagtrabaho niya at pagdidisensyo niya ng wedding gown ni Ara Mina.

Detalye ng kasal ni Ara Mina

wedding gown ni Ara Mina
wedding gown ni Ara Mina

Tulad ni Ara Mina ay nagmukha ring prinsesa ang 6 years old niyang anak na si Mandy sa suot nitong gown na kahalintulad din ang disenyo sa wedding gown niya. Si Mandy ay ang bunga ng relasyon nila ng former boyfriend at Bulacan, Bulacan Mayor na si Patrick Meneses.

Ang mister na ngayon ni Ara na si Dave Almarinez ay nakasuot ng blue suit sa kanilang kasal na idinesenyo ni Francis Libiran. Kinumpleto naman ng event design ni Gideon Hermosa ang dream fairy tale wedding ni Ara Mina. Habang mas pinalabas naman ang ganda niya ng make-up ni Albert Kurniawan at pag-istyle ni Cath Sobrevega.

Star-studded din ang naging kasal ni Ara at Dave. Ito ay dinaluhan nina Sunshine Cruz, Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Jan Marini, Melissa Ricks, Jenny Miller, Jessa Zaragosa at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo na parte ng kaniyang entourage.

Habang ang kanilang wedding sponsors naman ay binuo ng mga personalidad na kilala sa mundo ng politika at showbiz. Gaya nila Viva Films producer Vic del Rosario Jr., Sen. Dick Gordon, Sen. Ralph Recto at asawang si Lipa Congresswoman at dating aktres na si Vilma Santos-Recto.

Ninong at ninang din sa kanilang kasal sina dating senator Manny Villar at misis nitong si Sen. Cynthia Villar.

wedding gown ni Ara Mina
wedding gown ni Ara Mina

Image screenshot from Char Tinio Instagram account

BASAHIN:

Ara Mina at Dave Almarinez love story

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

Ang kasal nila Ara Mina at Dave Almarinez ay una ng na-ischedule na maganap Abril nitong taon. Ngunit dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 noon ay minabuti nilang ipagpaliban ito para sa kaligtasan nila at ng kanilang mga guest.

Nobyembre ng nakaraang taon ng umamin sila Ara Mina at Dave na sila ay may relasyon. Ito ay matapos ang dalawang taon na sila ay magkakilala.

Sa sumunod na buwan, January 2021 ay nag-propose na si Dave ng kasal kay Ara. Ang kaniyang proposal ay ginanap sa San Pedro, Laguna na nai-document ng kanilang ring official wedding photographer na Nice Print Photo.

Sa kaniyang Instagram ay ibinahagi rin ni Ara ang espesyal na moment na iyon sa kaniyang buhay. Ayon kay Ara, ang araw na iyon umano ay isang perfect gift mula sa Panginoon.

At si Dave daw ay isang answered prayer na pinasasalamatan niya rin na hindi siya sinukuan matapos ang lahat ng nangyari sa kanila.

Mensahe ni Ara kay Dave

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life.”

“Dave, thank you for being my answered prayer.🙏🏻❤️”

“Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose.
Let us both live it with faith and love.”

“Yes, I will marry you!”

“I was totally clueless of what this day would bring.
And your surprise made me feel more loved and cherished than I did yesterday. You are all awesome! 😭❤

Ito ang nasabi ni Ara Mina sa kaniyang Instagram account tungkol sa naging engagement nila ng mister na ngayon na si Dave.

Panoorin dito ang pre-nup video ni Ara at Dave.

Source:

ABS-CBN News, Rappler

The post LOOK: Ara Mina, mukhang prinsesa sa kaniyang wedding gown appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting