Look! Ipinakita na ni Zeinab Harake at Skusta Clee ang mukha ng kanilang baby

·4 min read

Skusta Cless at Zeinab Harake baby sino nga ba ang kamukha?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang pagpapakita nina Skusta Cless at Zeinab Harake sa mukha ng kanilang baby na si Bia.

  • Reaksyon ng mga netizens ng unang makita ang mukha ni Baby Bia.

Skusta Clee at Zeinab Harake baby

Zeinab Harake baby
Zeinab Harake baby

Image from Zeinab Harake’s Facebook account

Mula ng maipanganak noong April 28, ang unija hija ng singer-composer na si Skusta Clee aka Daryl Ruiz at vlogger na si Zeinab Harake ay pinili ng mga ito na huwag na munang ipakita ang mukha ng kanilang baby.

Hanggang sa nitong nakaraang araw, kasabay ng paglabas ng kantang “Lagi” na isinulat ni Daryl para sa kaniyang anak ay inilabas na rin nila sa wakas kung gaano ka-cute si Baby Bia.

Ang music video na ito ni Daryl na itinatampok ang pagiging hands-on daddy niya kay Bia ay umani ng papuri sa mga fans at followers niya. Ganoon din siyempre kung gaano ka-cute at pretty ang baby nila ni Zeinab Harake.

Zeinab Harake baby
Zeinab Harake baby

Image from screenshot from YouTube video

“I can see that daddy sauce really change a lot. Stop judging him coz people make mistakes but people change when they learn something from their mistakes. Anyways, so pretty baby sauce❤️”

I can see how skusta love bia so much, he look at her as if she’s the most precious thing in the world.”

“I was just smiling the whole time. SO PRETTY BIA, YOU’RE SUCH A BLESSED ANGEL WHO HAS AN AWESOME PARENTS. 💙”

Ilan lamang ito sa mga naging komento ng mga netizens sa latest music video na ito ni Skusta Clee na umabot na sa higit na 4.5 million ang views.

Zeinab: Si Bia ang tunay na Zebbiana!

Samantala, bago pa man ini-release ang music video na ito ay una ng ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang vlog kung ano ang tunay na pangalan ni Baby Bia.

Ayon kay Zeinab, si Bia ang tunay na Zebbiana. Ito ang kanta na isinulat at inalay sa kaniya ni Skusta Clee noong 2019 noong sila ay walang anak pa.

“Ang real name ni Bia is…siya ang totoong Zebbiana. Yehey! Opo, totoo po. Zebbiana po ang pangalan niya. So, ang full name niya is Zebbiana H. Ruiz.”

“Zebbiana kasi is kanta ng daddy niya sa akin noong 2019. So, naisip ko sobrang historical nu’ng kantang iyon para sa aming dalawa. So, naisip ko ibigay sa pangalan ng anak naming.”

Ito ang pahayag ni Zeinab sa kaniyang vlog.

Tulad nga ng kaniyang mommy at daddy ay sinimulan naring i-expose ng mga ito si Bia sa online world. Tampok nga sa Instagram account ni Bia ang mga larawan nito na nagpapakita ng ka-kyutan niya.

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

May isang bagay namang napansin ang mga netizen sa unang silip nila sa mukha ni Baby Bia. Ang mukha nito parang ginawang baby version nga naman talaga ng mommy niyang si Zeinab.

“Zeinab liit 😍🔥”

“Ang ganda ni baby bia❤️😍”

“Kamukha ni mamiiiii❤️❤️❤️❤️”

Ilan lamang ito sa magiliw na pagbati ng mga netizen sa pagkakita ng very cute na mga larawan ni Baby Bia.

BASAHIN:

Zeinab on being a mom

This content is not available due to your privacy preferences.
Update your settings here to see it.

Samantala, sa kaniya pa ring vlog ay ibinahagi ni Zeinab ang experience at realizations niya bilang isang ina. “Sobrang nakaka-pressure pero masarap,”ito ang pagsasalarawan ni Zeinab sa nararamdaman niya ngayon.

Kuwento niya pa nga, sa sobrang pressure ng pagiging ina ay pakiramdam niya para siyang nakatali at hindi makahinga. Paniniwala niya, ito ay maaring parte parin ng postpartum depression na nararanasan niya.

Pagkukuwento ni Zeinab,

“Sabi ko, ‘Mahal, alam mo ba kapag nakakalabas ako ng bahay feeling ko natatanggal ‘yong tali sa leeg ko. Kasi bilang nanay, ako nape-pressure talaga ako.

Kailangan lahat ng gawin ko accurate dun sa pagiging nanay ko kay Baby Bia. Kapag konting galaw, sinisisi ko ‘yong sarili ko na parang napaka-walang kuwenta kong tao.

Ganoon ‘yong utak ko siguro dahil sa postpartum ko nga. Hindii ko na maiiwasan iyon o mapipigilan iyon.”

Zeinab: “Gagawin ko lahat para maging perfect mommy, maging best mommy.”

Zeinab Harake baby
Zeinab Harake baby

Image from Zeinab Harake’s Facebook account

Pero magka-ganoon man ang first time mom, ayaw ng nalalayo ng matagal sa anak niya. At pangako niya, kahit mahirap ay gagawin niya ang lahat para maging best mommy para kay Bia.

“But ayun nga, sinasabi ko sa kanya na natatanggal ‘yong tali sa leeg ko kasi feeling ko nakakahinga na ko. Like dun sa paghinga ko, feeling ko malaya na ako.

Pero iyong tali na ‘yon lumilipat sa puso ko na kailangan kong umuwi kasi kailangan kong umuwi sa anak ko, kay Bia.”

“Kahit sandali pa lang akong na nasa labas, umuuwi ako agad. So ayon. Nag-aalternate ‘yong tali sa dibdib ko at saka sa leeg ko, but masaya. Masaya. Gagawin ko lahat para maging perfect mommy, maging best mommy,” saad pa ni Zeinab.

Dagdag pa ni Zeinab sa ngayon ay patuloy parin siyang nahihirapan at lumalaban sa depression na nararanasan. Ito ang dahilan kung bakit nag-lielow muna siya sa pagvlovlog.

Pero magkaganoon pa man, ginagawa niya ang lahat para manatihing happy at positive. At ito ay sa tulong ng kaniyang partner na si Skusta Clee at ang very cute nilang baby na si Bia.

Source:

YouTube

The post Look! Ipinakita na ni Zeinab Harake at Skusta Clee ang mukha ng kanilang baby appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting