Mariel Padilla kinumpronta si Robin Padilla: “Sa 11 years natin, natukso ka na ba?”

·4 min read

Mariel at Robin Padilla nagkaroon ng komprontasyon tungkol sa tukso at usaping pambabae ni Robin. Panoorin ang mainit nilang pag-uusap dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pag-uusap ni Mariel at Robin Padilla tungkol sa usapin ng tukso at pambabae.

  • Paano hinahati nila Robin at Mariel ang gastusin at pera nila.

Komprontasyon ni Mariel at Robin Padilla

Mariel at Robin Padilla
Mariel at Robin Padilla

Image from Mariel Padilla’s Official Facebook account

Nitong mga nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang naging interview ni Ogie Diaz sa aktor na si Robin Padilla. Sa interview ay kinumpirma nito ang hiwalayan ni Aljur Abrenica at ang anak nitong si Kylie Padilla. Sinabi rin ni Robin na ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay third party na ayon kay Robin ay hindi na siya nabigla.

Paliwanag ni Robin, sa panahon ngayon ay hindi na umano nakakagulat na natutukso ang mga lalaki na sadya naman talagang mahirap i-resist lalo na sa mundo ng showbiz. Ang pagkakatukso daw ay patunay at kaakibat na ng pagiging tunay na lalaki.

“Kasi sa panahon ngayon, huwag na tayong maglokohan. Panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Ito ang naging pahayag ni Robin tungkol sa tukso na naging dahilan umano sa pagkakasira ng relasyon nilang mag-asawa.

Ang sinabing ito ni Robin ay nag-trending lalo pa’t kilala itong playboy dahil sa iba’t ibang artista at babaeng naka-relasyon nito.

Mariel to Robin: Meron bang instance na sa 11 years natin natukso ka?

Siyempre, ang interview ni Robin kung saan sinabi niya ang pahayag niya tungkol sa tukso ay napanood ng misis niya ngayon na si Mariel Padilla.

Ito ang nagtulak kay Mariel para gumawa ng isang vlog na kung saan tahasan niyang kinompronta si Robin kung ito ba ay natukso sa ibang babae sa pagsasama nila nitong nakaraang 11 taon.

Sagot ni Robin ang pahayag niyang ito ay base sa naging experience niya noong siya ay nasa tugatog pa ng kaniyang career bil ang artista.

Pero sa ngayon, sabi niya kay Mariel ay hindi na lalo pa’t hinahayaan naman umano siya nitong tumingin-tingin sa mga babae na pinabulaanan naman ni Mariel.

“Pinapayagan mo naman ako pag nasa abroad tumingin-tingin ah”, sabi ni Robin na agad na sinagot ni Mariel na, “Hindi ako pumapayag. Never ako pumayag.”

Dito na ibinahagi ni Mariel ang isang instance na kung saan minsang nagbakasyon sila sa Russia. Habang si Mariel ay nag-shoshopping inamin ni Robin na siya naman daw ay “nagwiwindow-seeing”.

“Nasa isang mall kami sa Russia, nag-shopping ako ng sobrang bilis. Tapos sabi niya tapos ka na? Ang daming magagandang babae.

Lahat pala ng magagandang babae dito sa mundong ito nandito pala sa Russia. Natapos iyong shopping, nawalan ako ng gana.”

Ito ang kuwento ni Mariel.

BASAHIN:

Hatian sa pera at responsibilidad ng mag-asawa

Mariel at Robin Padilla
Mariel at Robin Padilla

Image from Mariel Padilla’s Official Facebook account

Sa puntong ito ay na-mentioned ni Robin ang isa sa mga tukso naman sa mga misis na tulad ni Mariel. Ito ay ang pagsa-hopping na agad din namang dinepensahan ni Mariel. “No shopping is a sport,” natatawang sabi ni Mariel.

Ito ang ginamit ring pagkakataon ni Mariel para linawin ang mga sabi-sabing inuubos niya umano ang pera ni Robin. Dito niya pinaliwanag kung paano ba nahahati ang responsibilidad nilang mag-asawa pagdating sa usaping pera.

“Iyong pera ko, pera ko. Iyong pera mo, pera mo. Pero siya ang nagbibigay para dito sa bahay. Pero iyong mga luho ko, lahat ng binibili kong damit na mamahalin para sa mga anak ko bast anything about luxury, anything out of the necessity sa akin iyong galing. Kasi minsan sinasabi nila baka inuubos ko daw pera mo. Iyong mga kalokohan ko akin ‘yon no.”

Ito ang pahayag ni Mariel.

Dagdag naman ni Robin sa sinabi ng asawa, ang mga binibili nito ay maituturing na investment. Dahil sa napagkakitaan rin naman nila ito ng ibenta ni Mariel.

At siyempre bilang asawa ay naambunan din siya sa naging kita. Ayon kay Mariel naman, ito ay paraan niya para maiparamdam kay Robin na siya naman ang binibigyan.

“Para ma-feel niya minsan na siya rin nakakatanggap kasi lagi nalang siyang out, out”, sabi pa ni Mariel.

Sa kabuuan, pahayag ni Mariel siya ay masaya bilang misis ni Robin Padilla. Sa kabila ng mga intriga ay happy at thankful siya na si Robin ang mister niya. “I’m a happy wife. Iyon ata ang hindi masyadong magets ng iba na I am happy,” sabi pa ni Mariel.

Mariel at Robin Padilla
Mariel at Robin Padilla

Image from Mariel Padilla’s Official Facebook account

Source:

YouTube

The post Mariel Padilla kinumpronta si Robin Padilla: “Sa 11 years natin, natukso ka na ba?” appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting