Mga Akdang Dapat Mabasa ng Bawat Pilipino

Kung iisiping mabuti, mas kilalang tindahan ng supplies kaysa sa mga aklat ang National Bookstore. Kaya naman kahit kilala na sa buong bansa ang puntahang ito para sa kagamitan sa mga tanggapan at paaralan, hindi pa rin ganap ang pag-angkin nito sa ikalawang salita sa kanyang pangalan.


Mula sa salitang-ugat na book, matatantong ang pangunahing laman ng isang bookstore ay mga aklat. Anuman ang idagdag dito, sa dulo at dulo, mga aklat pa rin ang simulain at tunguhin ng ganitong mga tindahan.



Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, tinatawagan ng Juice.ph ang bawat isa sa atin upang magkaroon ng pansariling aklatan - ang ating pansariling National Bookstore o makabayang aklatang naglalaman ng mga akdang tungkol at para sa Pilipinas na dapat mabasa ng bawat Pilipino.




El Filibusterismo ni Jose Rizal, upang pag-aralan ang dapat napag-aralan



“Binasa” at “tinalakay” mo ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong high school. Ngunit dahil mistulang napilitan ka lamang ng Rizal Law upang pag-aralan ang mga ito, marahil ay pinatakas mo ang diwa ng ipinaparating ni Rizal. Ang Noli ay isang pagpipinta ng tunay na kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng naghaharing Espanya; itinuturing itong mapanghimagsik ito dahil sa pagsisiwalat ng katotohanang tatlong siglo nang ikinukubli ng mga Espanyol. Ngunit di hamak na mas mapanghimagsik ang Fili dahil dito ipinahayag ni Rizal ang mga hakbangin kung paano mapagbubuti ng mismong mga Pilipino ang kanilang kalagayan.



The Rosales Saga ni F. Sionil Jose, upang mapatunayan ang husay ng Pilipino sa wikang Ingles



Malimit pagtunggaliin ang mga wikang Filipino at Ingles sa usaping pagkamakabayan. Ngunit pinatunayan ni Pambansang Alagad ng Sining F. Sionil Jose na kayang maisulong ang pagka-Pilipino --- halimbawa, ang samahan sa pamilya --- kahit na wikang Ingles ang gamitin upang ipahayag ito. Hindi lamang ang mga call center ang nagpapatuay ng sa sinasabing taglay na galing ng mga Pilipino sa wikang Ingles --- masdan ang husay na ipinamalas ni Jose sa paghahabi ng kwentong Pilipino gamit ang wikang banyaga.

Luha ng Buwaya ni Amado Hernandez, upang makilala ang sambayanan



Marahil ay alam mo nang hindi  ang iyong mundo sa Facebook at Twitter ang katotohanan. Marahil ay alam mo na ring hindi ang iyong mundo sa kalungsuran ng Metro Manila ang katotohanan. Halos tatlong-kapat ng mga Pilipino ay magsasaka, at kung gayon, ang diwa ng katotohanan ng Pilipinas ay nasa pagsasaka. Ito'y ang iyong makikilala sa mahusay na pagsasalaysay ni Pambansang Alagad ng Sining Amado Hernandez ng buhay, mula sa pang-aapi at pananamantala hanggang sa pagtindig at pagkilos, ng mga magsasaka.



Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista, upang mabigay pugay sa kababaihan



Sa panahon ngayon, tinatanaw na pagsulong ng kababaihan ang ubos-lakas at walang pigil na pagpapamalas nina Lady GaGa, Rihanna, at iba pa ng kanilang kakayahan. Sa ganitong karaniwang talakayan ay nalilimutan natin ang dahilan at epekto ng pagsiil sa mga babae: ang halos buung-buo nang pangingibabaw ng kalalakihan. Sa usaping ito ibinabalik ni Lualhati Bautista ang kaniyang nobela kasabay ng pagkukwento ng pagpapasya ng isang babae na labanan ang pagsiil na ito. Ang pagtangi sa nobela ng babaeng si Bautista at ang pagkakaraon ng isang babaeng pangunahing tauhan ang tunay na kapugay-pugay.



Alamat ng Gubat ni Bob Ong, upang kapulutan ng katatawanang hindi Vic Sotto o Willie Revillame



Aminin mo --- kahit minsan lamang ay napahalakhak ka rin ng Eat Bulaga o ni Willie Revillame. Walang kaso sa pagtanggap dito dahil itinutulak ng kulturang popular na tayo ay mahulma sa ganitong halimbawa ng katatawanan. Ngunit sa kabilang dako, kaya rin namang bumuo ng katatawanang pag-iisipin ka rin. Dito nakilala si Bob Ong at ito ang ipinamamalas ng kanyang ika-apat na libro. Sa totoo lang, kahit anong piliin mula sa mga akda ni Ong ay matitiyak ang katatawanang nag-iisip, ngunit pinili namin ang Alamat ng Gubat sa pagiging napapanahon nito pagkatapos ng paghagupit ng hanging habagat na nagpapanggap na bagyo.



Philippines: A Past Revisited at Philippines: The Continuing Past ni Renato Constantino, upang masiguro ang kasaysayan at kasalukuyan



Naniniwala ka bang mula tayo sa mga Negrito, Malay, at Indones? Naniniwala ka bang ang mga Espanyol ang nagdala ng kabihasnan sa ating kapuluan? Naniniwala ka bang si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Pilipinas? Naniniwala ka bang ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin mula sa mga Hapones? Naniniwala ka bang himagsikan nga ang People Power? Ang pagkagulo ng kasalukuyan ng Pilipinas ay nakaugat sa pagkagulo nito sa kanyang kasaysayan. Usisain ang kinilalang kasaysayang idinikta ng dayuhan at pag-isipan itong muli matapos basahin ang kasaysayang mula sa Pilipino at para sa Pilipino.



Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa Neoliberalismo: Politikal na Kritisismo ng Kulturang Popular ni Rolando Tolentino, upang mamulat sa pagkabulag sa kulturang popular



Lingid sa iyong kaalaman ay unti-unti nang sinasalakay ng institusyon ng media ang paghuhulma sa iyong pagkatao. Noon ay ang pamilya, simbahan, at paaralan ang mga pangunahing may kapangyarihan manghikayat o magbago. Ngayon ay hindi maikakailang kasinlaki, o marahil ay higit pa, ang tulak sa iyo ng telebisyon, radyo, dyaryo, at internet. Ang araw-araw na rumaragasang mga talakayin sa media na ito ang siya nang nagbibigay kamalayan. Ang tanong nga lamang ay kamalayan nga ba itong maituturing? Hayaan ang dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng UP Diliman ang gumabay sa iyong pagtahak dito.



Kiko Machine ni Manix Abrera, upang batiin ang muling pagbangon ng komiks



Ika nga nila sa Ingles, "be honest": anong mga komiks ng Pilipino ang alam mo? Darna? Captain Barbell? Dyesebel? Baka magulat ka sa katotohanang hindi lamang si Mars Ravelo ang maipagmamalaki ng Pilipinas sa komiks. Ang mahusay na paghahabi ni Manix Abrera ng kanyang mga karakter sa mga pangyayari sa lipunan ay nararapat lamang na ituring ding kayamanan. Ang Kiko Machine ay nagsisilbing tamang-tamang pagsasama ng pagguhit, pagkuwento, katatawanan at kaisipan.



The Mythology Class ni Arnold Arre, upang balikan ang mga kuwentong bayan



Bago pa man malimitahan sa 160 na titik ang mga kaisipang nais mong ipamahagi, samu’t-saring mga kuwento at mga tauhan na ang nagpayabong na sa ating kultura bago pa man ang pagpasok makabagong teknolohiya. Ang mga kuwento at mga tauhang ito ang ihinabi at isinaguhit ni Arnold Arre at siyang nalimbag upang ituring na kauna-unahang graphic novel ng Pilipinas.



Likhang Dila, Likhang Diwa / Balaybay: Mga Tulang Lunot at Manibalang ni Bienvenido Lumbera, upang pagsamahin ang anyo at diwa



Ang Fliptop ay kinilala bilang mahusay na paglalapat sa kasalukuyan ng sinaunang Balagtasan. Ngunit ang pinapagtibay pa rin nito na maging Balagtasan man o Fliptop ay anyo pa rin ng tula. Ibig sabihin ay tunay na mayroong kayamanang taglay ang kulturang Pilipino pagdating sa pagtula. Hayaan mong patunayan sa iyo ito ni Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, ang pinaka-iginagalang na  manunulat at manunuri ng tulaang Pilipino.

Ang Huling Puno ni Eugene Evasco, upang bigyang himbing ang paggising kinabukasan



Bata man o matanda, tiyak na hihimbing ang tulog sa pakikinig sa isang kuwento bago mapadayo ang isipan sa lupain ng mga panaginip. Ang salaysay ni Eugene Evasco tungkol sa pagmamalabis ng katauhan ay hahantong sa pag-angkin ng kamalian at sa huli'y pagwawasto upang tuluyang maging mabuti.


Mula rin sa Juice:


Juice Buhay Pinoy: Dahil ikaw ay isang Pilipino
Juice Movies: Ang mga pinakabago mula sa pinilakang tabing

Loading...

Editor’s note:Yahoo Philippines encourages responsible comments that add dimension to the discussion. No bashing or hate speech, please. You can express your opinion without slamming others or making derogatory remarks.

  • Billionaire finds wreck of WWII ship in Phl
    Billionaire finds wreck of WWII ship in Phl

    Microsoft co-founder Paul Allen says he has found the Japanese Navy’s biggest warship at the bottom of the sea in the Philippines, 70 years after US forces sank it. Allen posted a photo on Twitter on Tuesday of the World War II battleship Musashi’s rusty bow, which bore the Japanese empire’s Chrysanthemum seal. The American billionaire, who has also pursued space exploration, said his luxury yacht and exploration ship, the M/Y Octopus, found the Musashi one kilometer (1.6 miles) deep on the …

  • US ambassador recovers from knife attack praised by N. Korea
    US ambassador recovers from knife attack praised by N. Korea

    The US ambassador to South Korea, Mark Lippert, was recovering from surgery Thursday after having his face and arm slashed by a knife-wielding activist in an attack applauded by North Korean state media. The United States condemned the "act of violence" which saw the ambassador rushed to hospital where his condition was described as stable after two-and-a-half hours of surgery that included 80 stitches to a deep gash on his right cheek. During the assault, Kim screamed a slogan in favour of …

  • Miriam bucks house arrest for Enrile
    Miriam bucks house arrest for Enrile

    Sen. Miriam Defensor-Santiago believes granting Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile house arrest, while former President Gloria Macapagal-Arroyo remains under hospital detention, will violate the equal protection clause of the Constitution. “That’s already a violation of the equal protection of the law,” she said. …

  • 8 of 10 cities most at risk from natural disasters located in Phl – study
    8 of 10 cities most at risk from natural disasters located in Phl – study

    Eight of 10 world cities most exposed to natural hazards are in the Philippines and more than half of the 100 cities most exposed to earthquakes, storms and other disasters are in four Asian nations, according to a research. The study, published on Wednesday by risk analysis firm Verisk Maplecroft, analyzed the threat posed by storms, floods, earthquakes, tsunamis, fires, volcanoes and landslides in more than 1,300 cities. The study found that the 10 cities most at risk are Port Vila in …

  • New Moro rebel group emerges
    New Moro rebel group emerges

    A radical Muslim cleric trained in the Middle East and considered one of the leaders of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) has broken away from the terror group to form his own band of jihadists who are now reportedly providing sanctuary to bomb expert Basit Usman and at least five foreign militants, the military said yesterday. Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Col. Restituto Padilla, citing reports from the field, said the Justice for Islamic Movement (JIM) was …

  • World's oldest person wonders about secret to longevity too
    World's oldest person wonders about secret to longevity too

    TOKYO (AP) — The world's oldest person says 117 years doesn't seem like such a long time. …

  • Ohio mom, boyfriend guilty; child emailed teacher for help

    PORTSMOUTH, Ohio (AP) — A woman and her boyfriend pleaded guilty to raping her young children and were sentenced to prison on Wednesday, a year after one of her daughters emailed a teacher for help and said she and her siblings were being chained to their beds, deprived of food and sexually assaulted. …

  • Ex-crew recognizes photos of sunken Japanese battleship
    Ex-crew recognizes photos of sunken Japanese battleship

    TOKYO (AP) — A former crewmember on a Japanese battleship that sank during World War II said Thursday he recognized photos of wreckage discovered this week off the Philippines by a team led by Microsoft co-founder Paul Allen. …

POLL

Should Aquino be held accountable over the Mamasapano operations?

Loading...
Poll Choice Options