Mga lalahok sa Independence Day rites sa Maynila, limitado lang sa 10 – IATF

Robie de Guzman

MANILA, Philippines – Papayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga pagtitipon para sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan o Independence Day ng Pilipinas na gaganapin sa Rizal Park sa Maynila sa Hunyo 12.

Ngunit ayon sa IATF, limitado lamang sa sampu ang bilang ng mga maaaring lumahok sa pagtitipon dahil ipinagbabawal pa rin ang mass gathering sa ilalim ng community quarantine.

Sa Hunyo 12, gugunitain ng bansa ang ika-122 anibersaryo ng kasarinlan nito.

Hindi naman tiyak kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Independence Day rites sa Maynila.

Nanawagan ang Malacañang na online protest na lamang ang gawin ng mga militanteng grupo kung balak nilang magdaos ng piket kontra sa pagpasa ng anti-terror bill upang maiwasan ang paglabag sa quarantine protocols. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

The post Mga lalahok sa Independence Day rites sa Maynila, limitado lang sa 10 – IATF appeared first on UNTV News.