Vin Abrenica on temptations to cheat: “You always have a choice”

·5 min read

Isa sa malaking debate ng mga tao ay ang usapang pagtataksil. Talaga nga bang hindi mo kayang pigilan ang temptasyon o ito ay kaya mo dahil ikaw ay palaging may pagpipilian? Alamin ano ang palagay dito ng aktor na si Vin Abrenica.

Mababasa sa artikulong tio:

  • Ang palagay ni Vin Abrenica sa pagtataksil sa isang relasyon

  • Ano nga ba ang dapat mong gawin kapag nagloko o ikaw ang nagloko?

Vin Abrenica on temptations to cheat: “You always have a choice”

Sa panibagong vlog ng magkasintahan na sina Sophie Albert at Vin Abrenica, tinanong ni Sophie ang future husband nito at ama ng kaniyang anak patungkol sa cheating.

Tanong ni Sophie, “Do you really believe that men can’t resist temptation if temptation is there?”

sophie albert at vin abrenica vlog
sophie albert at vin abrenica vlog

Sophie Albert at Vin Abrenica vlog. | Larawan ay screencapture mula sa Youtube Channel nina Vin at Sophie

Sagot naman ni Vin,

“Lahat naman nate-tempt. Mayroon talagang temptations na nangyayari sa atin.”

Matindi ang paniniwala ni Vin na kahit may tukso sa iyong palagid, kung hindi ka magpapatukso ay walang mangyayari. Dahil sa huli ito ay iyong desisyon.

“The statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist ‘yong guy, I think that is unfair. Ang nakakalimutan ng statement na ‘yon is God gave us a choice and that’s his gift to humans, to man.”

sophie albert at vin abrenica vlog

Larawan mula sa Instagram ni Sophie Albert

Dagdag niya pa,

“Binigyan niya tayo ng choice to choose what’s right and what’s wrong. Parang it’s a choice, he chose to cheat or he chose to be tempted.”

Nagbigay din ng payo si Vin para sa mga kasintahan na nasa gitna ng problema:

“Why not consult your partner first? Sabihin ko sa iyo this is what I want. Hindi mo maibibigay? Then okay, hindi mo maibigay sa akin ‘yon, I think ‘yong relationship natin might be at risk.”

“At least, have a closure first. Maghiwalay kayo. Then you do the stuff that you want to do. Choose. At least, you’re not gonna cheat but you’re going to do what you want that can satisfy you.”

Ang magkasintahan ay na-engaged noong December 2020 pagkatapos ng walong taong relasyon sa isa’t-isa. Mayroong silang anak na si Avianna Celeste.

Panoorin ang buong vlog nila rito!

BASAHIN:

Pagtataksil ng mga magkasintahan

Mayroon tayong kasabihan na “‘Pag nagtaksil na siya, ay tiyak na magtataksil ulit siya”. Ngunit ayon sa pag-aaral ay hindi lahat ay ganoon ang kinahahantungan ng mga taong nagtaksil.

May mga ilan na natiling tapat na sa kanilang kasintahan. Ngunit ano nga ba ang iyong gagawin kapag ikaw ay napagtaksilan? Ito ang iilan na payo mula sa pag-aaral:

  • Kausapin ang iyong kasintahan tungkol sa nangyari. Isipin na pwedeng isama sa pagpipilian ang pagsama ng couples counselor o kaya ng kasangkot na third party sa inyong relasyon. Dahil kapag nalaman mo ang dahilan ng iyong kasintahan kung bakit niya ito nagawa, ay maaaring makatulong sa iyo upang makabuo ng desisyon.

  • Tanungin ang iyong kasintahan kung gusto niya pa ituloy ang relasyon. May mga tao na nagtataksil sa kanilang kasintahan dahil gusto na nila maghiway. Kaya importanteng tanungin sila sa kanilang nararamdaman.

  • Isipin kung kaya mo pa bang pagkatiwalaan ang iyong kasintahan. Maaaring kinakailangan ng mahabang panahon, upang maibalik ulit ang pagtitiwala, at ang iyong kasintahan ay alam kung bakit ito nangyayari. Pero, kung alam mo sa iyong sarili na hindi mo na kaya siyang pagkatiwalaan muli, mas mabuti na itigil na ang relasyon.

  • Tanungin mo rin ang iyong sarili kung gusto mo pa ulit makipagrelasyon sa kanya. Talaga bang mahal mo siya at kaya mo ulit makipagbalikan at ayusin ang problema ninyo? O ikaw ay takot na mangyari ito muli at iwan ka niya? Sa tingin mo ba, maganda pang ayusin ang relasyon na ito?

  • Kausapin ang iyong counselor. Ang pagsailalim sa mga counseling ay lubhang inirerekumenda, lalo na kung tungkol sa pagtataksil ang naging problema ninyo, ngunit ang indibidwal na therapy ay makakatulong din upang mailabas ang iyong damdamin.

sophie albert at vin abrenica vlog
sophie albert at vin abrenica vlog

Larawan mula sa iStock

Kapag ikaw naman ang mismong nagtaksil ito ang iilan na maaari mong gawin:

  • Gusto mo pa ba makipagrelasyon. Kung ang nais mo ay kumawala sa iyong relasyon kaya ikaw ay nagtaksil, mas mainam malaman kaagad ito at sabihin sa iyong kasintahan. Kailangan maging tapat sa iyong nobyo/a.

  • Maaari mo bang iwasan ang mga dahilan kung bakit ka nagtaksil? Ang indibidwal na therapy, therapy ng mga mag-asawa, at mas mahusay na komunikasyon ay makakatulong sa lahat na mapabuti ang isang relasyon at hindi magkaroon ng pagtataksil sa hinaharap. Ngunit kung niloko mo dahil ang iyong kapareha ay hindi interesado sa isang posisyon ng pakikipagtalik o dahil wala sila sa bahay, ano ang maaaring mangyari kung ang parehong sitwasyon ay lumitaw muli? Maaari mo ba silang kausapin tungkol sa nais na manloko sa halip na gawin ito?

  • Nakikita mo ba ang iyong sarili na nanloloko ulit? Ang pagtataksil ay maaaring maging sanhi ng sakit, pagkabigo ng puso, at pagkabalisa sa emosyon. Kung sa tingin mo ay maaari kang manloko muli, huwag mangako na maging tapat. Sa halip, sabihin sa iyong kapareha na sa tingin mo hindi ka makakagawa.

  • Maaari ka bang mangako na mag papatherapy? Kung niloko mo ang iyong kapareha, ang indibidwal na therapy ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang higit pa tungkol sa mga dahilan sa likod ng nangyari. Ang therapy ng mga mag-asawa ay maaari ring makatulong sa iyo.

Sources:

Youtube Channel of Vin and Sophie, Cosmo , Healthline

The post Vin Abrenica on temptations to cheat: “You always have a choice” appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Our goal is to create a safe and engaging place for users to connect over interests and passions. In order to improve our community experience, we are temporarily suspending article commenting